Chapter Sixteen

24 2 0
                                    

Sowwy
M

aeco Tachibana's POV

Ilang linggo na ang lumipas simula nung araw na 'yun, hindi kami nagpansinan ni Aiko pero patuloy pa rin siyang lumalapit kay Kazuya. Naging matindi rin ang training ng buong team kaya minsan na lang kami magkita ni Kazuya. I mean nagkikita kami sa training dahil manager ako pero 'di ko na siya masyadong nakakausap at nakakasama.

"Tsuma" malambing na tawag ng nag-iisang taong nasa isip ko ngayon. Nakaback hug ito sa'kin.

"Hmmm?" sagot ko. Hinalikan nito ang balikat ko bago magsalita.

"Kain tayo" pag-aaya niya sa'kin.

"Di'ba may practice ka pa?" tanong ko. Umiling siya.

"Wala na. Tapos na ang practice" sagot niya. Tinanggal ko ang pagkakayakap niya at hinarap siya.

"'Wag na 'wag mo akong niloloko, Kazuya" pagbabanta ko. I see him goosebumps after hearing that.

"Eh? Sorry po, tsuma" paghingi niya ng tawad pero I just rolled my eyes.

"Tsk. Ibili mo na lang ako ng takoyaki" pagpilit ko sa kanya.

"Okay" medyo malungkot na sagot niya kung kaya't pinisil ko ang dal'wa niyang pisngi.

"Ngiti na. Ang cute cute eh" pang-aasar ko sa kanya.

"O sige na. Tara na" yakag niya sa'kin. Pinagsiklop ko ang kamay naming dalawa atsaka naglakad ng magkasama. Nakarating kami sa bilihan ng takoyaki at ibinili niya ako. Ayaw niya raw kasi. Naglakad lakad kami matapos bumili. Habang siya ay tahimik lang, ako naman ay kain lang ng kain.

"Oy, ayaw mo ba talaga?" alok ko sa kanya ngunit umiling lang siya.

"Baka mamaya, mahimatay ka sa gutom diyan" asar ko sa kanya.

"Hindi. Ayos lang ako" tipid na sagot niya.

"Okay" tanging naisagot ko. Akmang isusubo ko na ang takoyaki ko ng biglang may bolang tumama rito dahilan para matapon ito sa lupa.

"Arghhh. Ang takoyaki ko!!!" sigaw ko. Napapaiyak na ako dahil sa nangyari.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Kazuya sa'kin.

"Ang takoyaki ko, namatay na" paiyak kong sagot sa kanya.

"Okay lang 'yan" pagkompronta niya pero alam kong deep inside tinatawanan na ako ng luko lukong 'to. Bigla kong naalala ang baseball na tumama sa aking takoyaki. Nakaramdam ako ng galit sa sinumang nangahas na bumato niyon.

"Hello sa inyo! Nakita niyo ba 'yung bola ko?" halos tumaas lahat ng dugo sa ulo ko dahil sa sobrang galit. Pinulot ko 'yung bola at binigyan ng matatalim at nakakamatay na tingin ang lalaking nagtanong. Nakita ko ang itsura nito at nakilala. Si Sawamura pala huh?!!!

"Ito ba ang hinahanap mo, huh?!!" gigil na gigil kong sabi at t-in-ry pang ngumiti ng nakakaloko sa kanya kahit ang dal'wa kong kilay ay nagkakasalubong na.

[Miyuki's POV: Patay ka ngayon, Sawamura. Miski ako, hindi na siya mapipigilan lalo na't natapon ang kinakain niya. Patay ka na ngayon. Kawawa ka naman. HAHAHA]

"Ahh oo!" masaya pa 'tong kumag na ito ah. Agad akong nagpitching form at humugot ng lakas para ibato ang bola. Pinakawalan ko ito at saktong tumama iyon sa mukha ni Sawamura. Dumugo ang ilong niya dahil dito.

"Aray!!!" sigaw niya. Binigyan ko pa rin siya ng matatalim na tingin.

"Alam mo bang dahil sa bolang 'yan, natapon ang takoyaki ko?!!!" singhal ko sa kanya.

I'm in love with that fiction man (Miyuki Kazuya X Reader) [COMPLETED]Where stories live. Discover now