Chapter Twenty-seven

41 3 0
                                    

Decision
M

aeco Tachibana's POV

"Sandali lang po!!!" pag-uulit niya. Naguguluhan ako. Ano bang nangyayari? Paano?!

"Maeco, please 'wag mong ituloy. Don't leave me again. I'll always love you" natameme ako. Hindi ako makapagsalita. Nakikita ko sa mga mata niya na totoo ang lahat ng mga sinasabi niya.

Don't leave me again...

Don't leave me again...

Paulit ulit na nag-echo sa isip ko ang  mga sinabi niya. Pero 'pag sumama ako sa'yo, paano na si Timothy? Kasal namin ngayon? Nagyes ako sa kanya. Napatingin ako kay Timothy. Nakatingin lang siya sa'kin atsaka nginitian ako ng mapait.

"Go... I know you love him a lot" nagulat ako sa sinabi ni Timothy. Kusang tumulo ang mga luha ko. Bakit ganun kadali na lang sa kanya ang lahat?!

"Ano bang sinasabi mo?" singhal ko sa kanya.

"Go with him. I'll cancell the wedding. Don't worry about me" hindi na makapagfunction ng matino ang isip ko. Sino ba talaga sa kanila ang dapat kong piliin?

"Tsuma, come with me in my world. Let's rewrite our story. Let's have a happy ending. Please?"

Tsuma, No one will love because I already love you.

Hey, I said I love you. No 'I love you too' for me?

"Go with him, he's waiting for you"

Mae ko, natatakot ako na iyan ang sasabihin mo sa'kin. Handa akong masaktan para sa'yo. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Ayaw kong tanggapin ang pakikipagbreak mo. Ikakasal pa tayo, My Mae.

Thank you, Timothy. I know I don't deserve you and your love. I know I'm selfish if I wish you to stay by my side but please can you stay?

I've decided...

"Father I'm so sorry dahil hindi na po tuloy ang kasal" saad ko. Nakita ko ang gulat ng lahat. Tiningnan ko si Timothy at ngayon ay tumutulo na ang luha niya. Pinahid ko ang mga luhang 'yon bago siya komprontahin.

"Walang kasal na magaganap. Gusto ko munang pag-isipan ang lahat. Pasensya na po sa mga nabigo ko" pagkatapos kong sabihin iyon ay kaagad na tumakbo akong papalabas ng simbahan at sumakay sa isang sasakyan.

"Saan po tayo?" tanong ng driver.

"Kahit saan. Sa malayong malayo. Sa lugar na makakapag-isip ako, pwede?" tanging sagot ko. Hindi ko na mapigilan ang pag-iyak. Iyak lang ako ng iyak.

Ayokong bumalik doon. Sobrang gulo ng lahat ng bagay. Naguguluhan ako. Akala ko alam ko na ang gusto ko pero nung makita ko si Kazuya, bumalik ang lahat. Ang lahat ng nararamdaman ko. Lahat lahat.

"Ma'am hanggang dito na lang po ako" saad nung driver. Tumango ako bago nagbayad ako at bumaba. Naglakad ako nang naglakad. Pero wala akong mahanap na sagot. Napaupo na lang ako sa isang bench bago lamukusin ang sariling mukha dahil sa iritasyon. Ano bang dapat na gawin ko? Letcheng buhay 'to oh. Hindi ko alam kung Timothy ba o Kazuya ang pipiliin ko eh.

"Anak..." nagulat ako nang may marinig akong boses. Lumingon lingon ako sa paligid pero walang tao.

"Anak, may problema ba?" napaiyak lalo ako nang makita ang kaluluwa ni Mama.

"Ma, naguguluhan po ako. Hindi ko na alam kung sinong dapat kong piliin. Kung si Kazuya ba o si Timothy? Ma, sobrang gulo na ng utak ko" pagpapaliwanag ko. Kinompronta ako ni Mama at hinagod ang likod ko.

I'm in love with that fiction man (Miyuki Kazuya X Reader) [COMPLETED]Where stories live. Discover now