Chapter Seven

45 2 0
                                    

Can I Hug you?
T

hird Person's View

Natapos ang laro ng Seidou at kagaya ng inaasahan ay nanalo sila. Natapos ang laro na halos mapaos si Maeco sa kasisigaw at kachicheer kasama ng ibang supporters ng Seidou team.

Napapanood ni Timothy lahat ng nangyayari at nakikita niya kung gaano kasaya si Maeco sa mundong ito. Ngayon ay nagseselos siya at nagsisisi na si Maeco pa ang pinili niya sa experimentong ito. Napakuyom na lamang ang kanyang kamao dahil alam niyang wala na siyang magagawa.

"Sir TECH, maayos naman po ang lagay ng test subject and it's normal for her body to have the unidentified substance that sooner can kill her. 'Pag nagtagal po siya sa mundong 'yan ay tiyak ang kamatayan niya. At kung sakali man pong maaga siyang lumabas at tinangkang pumasok muli ay tuluyan na siyang magiging abo dahil sa unidentified substance na ito" pagrereport ng isang TECH's employee.

"Okay. That's fine. She know her limits. She'll get back into this world soon. Anything else?" he asked with his angry face. His not-in-mood feeling was noticeable.

"Nothing else, Sir. But we we're trying to identify what is this substance" takot na sagot ng scientist.

"Then go! Don't disturb me again!" he shouted angrily.

"Yes, Sir" takot na umalis ang scientist at nagpatuloy sa pag-eexperimento. Samantala, iritasyon ang nakikita sa mukha ni Timothy. Pinadausdos niya ang kanyang hinlalaki at hintuturo sa kanyang ilong at hinilot ang sentido. He try to calm down his self.

It's okay. You need to be happy for her. Look at her face. It's full of happiness. Just let her be. He always keep on saying this words to himself just to lower his anger and jealousy.

Matapos ang laro ng Seidou, kaagad na umalis ang mga tao. Agad na kumilos si Maeco nang makitang naghahanda na rin sa pag-alis ang Seidou. Tumakbo siya sa labasan at hinintay na lumabas sina Kazuya. Maya maya pa, habang nag-iintay ay nakarinig siya ng mga tawanan. At kilala niya kung sino ang mga 'yon. Agad siyang nag-angat ng tingin at bakas sa mukha niya ang saya.

Makalipas ang ilang sandali ay lumabas na rin ang manlalaro ng Seidou. Laking tuwa ng dalaga nang makita ang mga ito. Inabangan niya si Miyuki at nang matanawan ito ay kaagad siyang tumakbo papalapit rito. Lahat ay napansin siya at nagulat sa ginawa niya. Hindi niya ito pinansin at kaagad na tiningnan si Miyuki sa mga mata nito. Napakurap lang ang lalaking kanyang tinititigan.

"Konnichiwa, Kazuya!" masaya niyang bati rito. Samantala, ang tanging nasa isip lang noon ng binata ay "kung ano ang ginagawa ng fan na ito sa harap niya".

"Hehehe. Konnichiwa" pilit na tawa ni Kazuya.

"Can I hug you?" diretsang tanong ng dalaga na ikinagulat ng binata at lahat ng nasa paligid niya.

"Ahmm" hindi makasagot si Miyuki sa narinig niya. Anong gagawin niya? Hindi naman siya komportable sa ganoon.

"Hoy, Miyuki! Pagbigyan mo na 'yang girlfriend mo!" asar na singit ni Jun. Naiinggit ang lahat ng kasamahan ni Miyuki sa kanya sapagkat siya lamang ang nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng kasintahan sa kanilang lahat.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na may girlfriend na 'yang si Miyuki" pagtataka ni Ajhun na mas nagmukang pang-aasar.

Sasagot na sana ang binata ng bigla siyang yakapin ng dalaga.

"Huh?" pagrereact ng lahat.

"Salamat, Kazuya. Salamat dahil nandito ka ngayon. Salamat dahil sa wakas ay nayakap na kita. Salamat" taos-pusong pagpapasalamat ng dalaga na nagsimulang umiyak habang dinadama ng kanyang mga kamay ang katawan ng binata. Nagulat ang binata sa ginawa ng dalaga. Sobra ang gulat niya para makapagsalita pa. Matapos ang ilang minuto ng yakap ay umalpas na rin ang dalaga. Pinunasan niya na rin ang mga luhang pumatak mula sa kanyang mga mata. Napansin nito ang katahimikan ng lahat dahil sa gulat. Para basagin ang katahimikan ay kaagad siyang nagsalita.

I'm in love with that fiction man (Miyuki Kazuya X Reader) [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang