Chapter Twenty-one

27 3 0
                                    

Goodbye
Maeco Tachibana's POV

Simula nung araw na magbreak kami ay hindi ko na siya nakausap. Gano'n din siya sa'kin. Walang nakaalam na nagbreak kami kahit si Mama. Nung tinanong niya ko kung bakit ako umiiyak, ang sinagot ko na lang ay dahil ang ganda nung message nung kanta at sobra lang aking naantig. Kapag magkakasalubong kami, sumasakit ang puso ko dahil para kaming strangers na hindi magkakilala. Na para bang wala kaming pinagsamahan. Mag-iisang buwan na kaming gano'n. At umiikli na ang panahong dapat kong ilagi rito. Nauupos na ang aking panahon.

"Maeco, pakibigay nga ito kina Miyuki at Furuya doon sa bullpen. Please?" utos ni Ate Takako. 'Pag tumanggi ako, baka mamaya malaman pa nila ang totoo. Tumango ako at kinuha ang tubig at tuwalya na gustong ipabigay ni Ate Takako. Pagkarating ko do'n ay nagulat ako sa nakita ko. Si Aiko at Kazuya. Tumatawang magkasama. Siguro masaya na siya ngayon. Maeco, nagtagumpay na ang misyon mo. Naging masaya na siya. Oras na para umuwi ka. Pero bakit ganito? Hindi pa rin ako nasanay. Umiiyak na naman ako. Napakarupok ko namang talaga. Napakawalang kwenta ko pa. Buset na iyan.

"Maeco? Anong ginagawa mo diyan?" halos mapatalon ako sa gulat nang makita si Captain. Agad akong nagbow sa kanya para hindi niya mapansing umiiyak ako.

"Ahmm. Good afternoon po, Captain. Sige!" pagpapaalam ko atsaka tumakbo. Dumiretso ako sa basement ng school at doon nag-iiyak.

Yuuki Tetsuya's POV

Umiiyak ba si Maeco? Tiningnan ko kung sino ang tinitingnan niya para mapaiyak siya ng ganun. Si Miyuki at Aoko?

"Hey" pagtawag ko sa kanila. Tumingin naman silang dal'wa.

"Bakit Yuuki?" takang tanong ni Miyuki.

"Ahmm. Wala. I just want to say hi. Sige, mauuna na ako" pagpapaalam ko atsaka umalis. Sakto namang nakita ko si Chris na naglalakad.

"Chris" pagtawag ko sa kanya.

"Oh, Yuuki? Bakit?" tanong niya at tumigil sa paglalakad.

"Chris, may kakaiba ka bang napapansin kina Maeco at Miyuki?" tanong ko.

"Hmmm. Bakit?" tanong niya pabalik.

"Kanina kasi, nakita ko si Maeco at umiiyak siya nung makita sina Kazuya at Aoko. May alam ka bang nangyayari sa kanila?" tanong ko ulit kay Chris.

"Hmm. Madalas ko ngang napapansin na hindi na palangiti at palatawa si Maeco. Sobrang lungkot niya. Tapos si Miyuki, laging galit at mainitin ang ulo. Baka may nangyari nga sa kanila" sagot niya.

"Tama. Pero pa'no natin 'yon malalaman?" tanong ko sa kanya.

"Ako na ang bahala d'yan" sagot niya at tinapik ang balikat ko. Nginitian ko siya sa mga narinig.

"Sige, sabi mo 'yan eh" saad ko at nagpaalam na.

Miyuki Kazuya's POV

Masaya akong naglalakad papuntang field nang makarinig ako ng isang boses na tumatawag sa aking pangalan.

"Miyuki!"

Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses na ito. Doo'y nakita ko ang isang pamilyar na bulto ng katawan. Diretsong paglingon ko ay agad itong kumaway ng mahina. Si Senior Chris...

Kahit na maganda ang pagkakabati nitong kaway ay napansin ko agad ang black aura na nakapaligid dito. Ano kayang kailangan niya sa akin? At bakit mukhang wala 'ata siya ngayon sa timpla? Haha!

I'm in love with that fiction man (Miyuki Kazuya X Reader) [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя