Nerd 12 Part 1

Magsimula sa umpisa
                                        

"Oh ito sandwich sayo na" inalok ko na sakanya yung kinakain ko kawawa naman kasi si Celine mukang gutom na gutom na.

Zelda's POV

Inaya ko si Drei na mag merienda pero tumanggi siya bibilhan pa daw niya kasi ng pagkain si Zhane. Si Zhane nanaman! hmp! dapat na talagang mawala yang Zhane na yan eh. Nung wala siya ok naman kami ni Drei tulad nung friday night inoffer pa ni Drei na ihatid ako sa bahay namin tapos nung saturday and sunday lumabas kami para kumain ganun pero bakit parang wala lang yun kay Drei? Ano bang gayuma ang ginamit ng Zhane na yun kay Drei At ganun nalang siya! hmp! kailangan kong makaisip ng paraan para mabura na dito si Zhane! para masolo ko na ang nag-iisang Prince ng buhay ko. hanggat andito ako sakin lang si Prince Drei!

Zhane's POV

Lunch Break na namin tinignan ko yung cellphone ko naalala ko may nagtext pala sakin kanina

1 Message Recieved

Karmie

"Ate Zhane..after ng exam mo mamaya kain tayo ng ice cream mamaya ok lang ba sayo?"

"Sige."  reply ko namiss ko rin kasi si Karmie kaya pumayag ako

"Girlfriend tara kain tayo ni Celine"  sabi ni Drei sakin

Pumunta kami sa Canteen para mamili ng kakainin namin

"Anong kakainin mo?" tanong sakin ni Drei

"Kung ano sayo ganun na rin sakin" sabi ko sakanya

"Sure ka?" 

"Oo"

"Talaga?" tanong ulit niya

"Oo nga..." kahit kailan talaga itong Drei na 'to ang kulit

"Ako nga din Drei double rice sakin hah kung anong ulam niyo ni Zhane ganun din sakin" sabi ni Celine

"Sure" umalis na si Drei para umorder ng kakainin namin

"Girl ano naman ang update sa inyo ni Drei?" biglang tanong sakin ni Celine

"Ano kaba Celine walang kami ni Drei we're just friends" sagot ko naman sakanya

"Aha! friends nga lang ba talaga? jan naman nagsisimula yan eh tapatin mo nga ako Zhane ikaw ba eh may feelings kay Drei kahit konti lang?" seryosong tanong sakin ng bestfriend ko

Campus Nerd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon