Nerd 09 Part 4

2K 90 1
                                        

A/N : Hello reader's sorry late update busy po kasi ang author hehe.. bawi po ako ngayong update ko...sana po magustuhan niyo

~Drei's POV

Ang sama ng pakiramdam ko hindi na sana ako papasok ngayon pero naisip ko na baka palabasin Si Zhane dahil wala siyang admission slip. Siguradong pagtutulungan nanaman siya nila Zelda.

Kaya ako nagkasakit kasi pumunta ako sa bahay nila Andy para maglaro ng basketball. Si Andy ay kababata ko.

Napagtripan kong umuwi na maglakad habang sobrang lakas ng ulan hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko kung bakit naisip kong magpaulan.

Pumasok ako sa school na masama ang pakiramdam ko kailangan ko lang talagang ibigay itong admission ni Zhane tapos uuwi na rin ako para makapagpahinga.

--

BREAKTIME

Nagpasundo na ako kay Manong Bert para makauwi hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko parang konting galaw ko ay babagsak na ako. Hindi pa ako kumain simula kagabi hanggang ngayong umaga, hindi rin ako uminom ng gamot.

Nakarating na ako sa bahay, sinalubong naman ako ni Manang Elsa at pinagsabihan para kumain at para makainom ng gamot pero tumanggi ako.

Dumiretso ako sa kwarto ko, nagpalit ng damit at humiga sa kama.

Ayaw ko kasing umiinom ng gamot ang panget kasi ng lasa, Isang tao lang naman ang nakapagpapainom ng gamot sakin.

Si Kaycie...

Naalala ko tuloy nung nagkasakit ako 3rd year high school kami noon.

* F L A S H B A C K *

Dumalaw siya sa bahay para bigyan ako ng favorite kung homemade cupcakes na gawa niya na sobrang sarap.

Sinumbong ako ni Manang Elsa sakanya kasi hindi ko kinakain yung pagkain na pinupunta nila sa kwarto ko at yung mga gamot hindi ko iniinom.

Kaya naman pumunta siya sa kwarto ko para sermonan...

"Drei naman bakit hindi ka kumain tapos yung gamot mo hindi mo iniinom"

"Kiss mo muna ako para kumain at uminom ako ng gamot"

Bigla niya akong tinignan ng masamang tingin.

"Joke lang ito naman, ito na nga oh kakain na."

Kinuha ko yung pagkain na nakalagay sa desk at kinain iyon.

Binabantayan niya ako habang kumakain.

Pagdating talaga sakanya ang hina ko. Hindi niya ako tinigilang bantayan hanggang sa hindi ko nauubos yung pagkain sa plato ko.

Nang naubos ko na, Ito na yung ayaw ko sa lahat ang uminom ng gamot... I really hate medicine pero heto ako ngayon hawak ang gamot para inumin.

At ng nainom ko na, nginitian ako ni Kaycie

"Goodboy Drei that's why I Love You" masayang sabi niya na nakaupo sa bed ko, katabi ko siya ngayon

Wala akong reaksyon sa sinabi niya kasi yung pait na lasa ng gamot nasa dulo parin ng dila ko.

"Bilang prize na pagiging goodboy ng baby ko."

Bigla niya akong kiniss sa lips pero smack lang tapos nag smile sakin.

* END OF FLASHBACK*

Grrr! Ginusot gusot ko ang buhok ko bakit kasi kailangan ko pang maalala yun. Haist tama na ayoko ng isipin yung taong nang-iwan sakin noon.

Matutulog nalang ako...

Campus Nerd StoryWhere stories live. Discover now