Nerd 17

1.5K 70 23
                                    

Zhane's POV

Andito kami ni Karmie ngayon sa loob ng Mall naisipan naming pumunta sa isang ice cream parlor shop inaya niya akong lumabas kasi gusto daw niya akong makausap dahil namimiss niya na ako at nagcracrave siya sa strawberry ice cream.

Ako din naman miss na miss ko na ang batang 'to. Kapag nakikita ko si Karmie parang nakikita ko na rin si Drei kasi mejo hawig sila parang babaeng Drei si Karmie. Hay's Zhane don't say his name, bad word yan.

"Ate Zhane, kamusta na?" Karmie said while eating her ice cream.

"Ok lang naman" I replied.

"Sure? I think...hindi" saba'y subo ulit sa ice cream.

Alam kaya niya yung nangyari samin ng Kuya niya? Yung hindi na tayo magkaibigan incident?

"Bakit mo naman nasabing hindi? Ang saya saya ko kaya Karmie" sabi ko tapos nag smile ako ng fake sa harap niya, diba dito naman ako magaling ang magpanggap kaya ipupush ko na 'to.

"You're lying" sabi ni Karmie na nakatingin sakin. Grabe ang lakas naman makaramdam nitong batang 'to.

"No, I'm not" Deny ko hindi ako makatingin sakanya ng diretcho kaya doon nalang ako sa Ice Cream nakatingin.

"Yes you are" Pilit na sabi niya. Okay She got me.

"Sorry Karmie, I lied" yan nalang ang nasabi ko. Wala ng rason para mag deny.

"It's okay Ate Zhane, Dont mind my  Kuya Drei..He's Crazy" sabi ni Karmie, Alam na talaga niya yung nangyari. Kaya gustong gusto ko 'tong batang ito kasi napaka concern sakin.

"Okay lang Karmie, ayaw na daw niya akong kaibigan kaya tanggapin ko nalang" malungkot na sabi ko.

Acceptance is the key to happiness.

"I'm sorry for that Ate Zhane, hindi ko din alam kung ano ang pumasok sa utak ng Kuya ko, may saltik na yata"

Ngumiti lang ako sakanya. Naiinis tuloy ako sa sarili ko, bakit kasi ginagawa 'kong big deal yung nangyari na 'yon ang dami dami naman pwedeng gawin.

Napatingin ako sa pintuan ng shop hindi ako pwedeng magkamali si Zelda at Drei andito sila sa ice cream parlor shop. HUWHAT? Anong ginagawa nila dito? Yumuko nalang ako at tumingin sa Ice Cream na kinakain ko.

"Hi Zhane" napa angat ako ng tingin, Si Zelda yung nagsalita tapos nag nod lang ako then nag smile tapos tumingin ulit ako sa Ice Cream ko hindi ko na pinansin yung kasama niya kasi nakafocus siya dun sa phone niya.

"Oh, Hi din Karmie, soon to be sister-in-law" sabi ni Zelda na naka super smile kay Karmie tapos napahinto saglit si Karmie nagiba yung expression ng face niya parang nandidiri sa sinabi ng tao sa harap niya.

"Sister-in-law your face" umirap na sabi ni Karmie.

"Karmie, stop that, please treat my Girlfriend right starting today" mejo pagalit na sabi ni Drei sa kapatid niya

Teka? Tama ba ang dinig ko? Girlfriend? Seryoso? Sa pagkakaalam ko naglinis naman ako ng tenga ko kanina. Girlfriend talaga? Anong klaseng Girlfriend? Babaeng kaibigan?

"What? That Girl? Your Girlfriend?" gulat na sabi ni Karmie as in gulat na gulat.

Tapos si Zelda naman nagpapacute sa kapatid ni Drei.

"Yes, is there a problem with that?" biglang sumagot si Zelda.

"Don't you dare to answer bastard, I'm not talking to you" mejo pagalit na sabi ni Karmie.

"Karmie! I said treat my Girlfriend right can you please stop this conversation" suwa'y ni Drei sa kapatid niya hindi ko magawang magsalita kasi nagulat ako sa nangyari ngayon dito.

"I thought Kuya mataas ang standard mo sa mga babae! Hmp! Magsama kayo"

Biglang tumayo si Karmie tapos inaya niya na akong umalis dito sa shop. Okay lang din na umalis kami kasi bigla din akong nawalan ng ganang kumain dahil sa nangyari dito.

Naglalakad lakad lang kami dito sa Mall.

"Nakakainis si Kuya Drei" biglang sabi ni Karmie

"Hayaan mo na ang Kuya mo Karmie" I tap her back para icomfort siya

"I don't get it, ano yun? Pag gising niya one day he doesn't want you to be his friend then malalaman nalang natin na Girlfriend na niya yung babaeng 'yon?" Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ng batang 'to.

"Malay naman natin may nakita siyang kakaiba sa ugali ni Zelda kaya bigla nalang nainlove ang Kuya mo sakanya"

"Kakaiba? What do you mean? Eh ang sama sama ng ugali ng babaeng 'yon" Hindi ko naman alam ang sasabihin sa batang 'to hays. Sabagay nasaksihan kasi mismo ni Karmie yung pambubully na ginawa sakin ni Zelda kaya hindi ko din siya masisisi kung ba't ayaw niya sakanya.

"Malay mo naman nagbago na siya Karmie, lahat naman kasi ng tao nagbabago eh...just give her a chance" sabi ko then I gave her a sweet smile.

"How can you handle this situation Ate?" nakatingin siya sakin naghihintay ng sagot mula sakin.

"What do you mean?" I asked

"Paano mo nakakaya yung ganitong situation? Diba you like My Kuya Drei? Tapos biglang ayaw kana niyang maging kaibigan then malalaman mo sila na ng Zelda na 'yon, how can you handle this Ate? Kung ako, maloloka siguro ako" huminto kami sa paglalakad ni Karmie at umupo sa isang upuan.

"At first naman mahirap syempre kasi naman nawalan ka ng kaibigan...sino ba naman ang gustong mangyari 'yon. Ang nakakagulo pa sa isip ko ay yung biglaan nalang niyang ayaw makipag kaibigan sakin hindi ko kasi alam kung ano yung reason niya kung may nagawa ba akong kasalanan sakanya or what? Ewan ko? Basta ang alam ko nung sinabi niyang Girlfriend na niya si Zelda nakaramdam ako ng selos"

Wala naman akong karapatan mag selos kasi hindi ko naman siya Boyfriend ni ayaw na nga niya akong maging kaibigan eh.

"It's okay Ate Zhane, I will talk to my Kuya later"

Si Karmie naman ang nag tap ng back ko para icomfort ako.

Kahit wala akong kapatid sa tabi ko ngayon nagpapasalamat ako dahil anjan si Karmie para pagaanin ang loob ko.

Author's Note:

MARAMING SALAMAT PO SA PATULOY NA PAGBABASA NG CAMPUS NERD STORY KAHIT MATAGAL TAGAL NA RIN PO AKONG HINDI NAKAKAPAG UPDATE HINDI PA RIN PO KAYO NAGSASAWANG HINTAYIN AKO PARA MAG POST NG BAGONG UPDATE. SORRY SA MATAGAL NA PAGHIHINTAY MADLANG READER'S.

FEEL FREE TO READ, VOTE AND COMMENT GUYS!

Hihingi lang po sana ako ng comment sa inyo guys para malaman kung may nagbabasa pa ba ng story ko kahit konti lang. Thank You GUYS.

PS. PLS READ MY NEW STORY. This is Ara, Welcome To My Life!

Campus Nerd StoryWhere stories live. Discover now