Nerd 09 Part 2

2.1K 106 7
                                        

A/N: Here's another update for you guys :) hope you like it

Free to COMMENT AND VOTE :D

I want to dedicate this chapter to Ate @pinkyjhewelii

~Zhane's POV

Andito ako ngayon sa kotse ni Karmie, buti nalang dumating siya kung hindi magdamag lang ako dun mukang tangang nakadapa mula sa pagkakatulak ni Zelda.

"Ate Zhane, matagal ka na ba nilang binubully?" tanong sakin ni Karmie.

"A-ahm..oo since nung 1st  year pero ito ang pinaka grabe na ginawa nila sakin." sagot ko na malungkot ang boses.

"Bakit hindi ka lumaban ate? dapat hindi ka pumapayag na tapak tapakan ng ibang tao."

Tama naman yung sinabi ni Karmie...grabe naman itong batang ito kung mag-isip daig pa ako.

"Mas lalo nila akong kakawawain pag lumaban ako Karmie."

"Ate Zhane ito na siguro yung right time para lumaban ka." seryosong sabi ni Karmie.

May point naman siya sa sinabi niya, siguro this is the right time.

"Ate may pupuntahan tayo." nakangiting sabi niya.

"Saan?" nagtatakang tanong ko.

"Basta trust me, pero you need to take a bath muna" naka smile niyang sagot

Dinala ako ni Karmie sa Condo niya para makigamit ng banyo para maligo ako.

Pinahiram na rin niya ako ng pamalit na damit isang fitted t-shirt, skinny jeans at isang mamahaling sneakers.

Pagkabihis na pagkabihis ko dumiretso na kami sa kotse ni Karmie.

Nag start na siyang mag drive s an ba kami pupunta nitong batang ito nasabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa labas.

Sa 20 minutes na pagdri-drive ni Karmie, naka rating na kami sa isang beauty parlor, ano naman ang ginagawa namin dito? napatingin ako sakanya. Ngumiti siya sakin tapos hinawak ang kamay ko at sabay sabing "Let's go inside."

"Hi ma'am Karmie, it's nice to see you again." bati nung bakla kay Karmie

"It's nice to see you too Roy, by the way this is my Ate Zhane." bigla akong inakbayan nung pinakilala ako ni Karmie kay Roy

Nagulat yung bakla sa sinabi ni Karmie

"What? A-ate? are you sure Karmie?" shock na shock siya halatang hindi naniniwala

"Yes, may problema ba?" mataray na sagot niya kay Roy at naka taas pa ang isang kilay

Napangiti naman ako kasi kahit hindi naman talaga kami real sister nitong si Karmie eh hindi niya ako tinanggi. Gusto ko tuloy magkaroon ng kapatid kagayan niya.

"Wala naman Miss Karmie, ano po palang sadya niyo?"

"Ah..siya nga pala you need to makeover my sister, can you do that?"

"Of course Ma'am i can pagkatapos ng make-over na ito siguradong maiinlove sakanya ang mga kalalakihan" over confident na sabi ni Roy

Pinaupo na ako para masimulan na ang make over thingy...

Una palang nasaktan na ako hirap kasi silang suklayin ni Roy ang buhok ko naputol pa nga ang mga ilang suklay na ginamit sakin ni Roy eh ...pero hindi pa rin siya sumuko.

Maluha luha naman ako sa sobrang sakit sa ginagawa nilang pagbawas sa kilay kong sobrang kapal, iniisip ko nalang na para sa akin din ito para mawala ang sakit.

Makalipas ang mga ilang oras natapos din ang make over thingy. Oras na para tignan ang resulta ng make-over, nung humarap ako sakanila gulat ang expression ng mga mukha nila, Si Karmie naman super smile at nag thumbs-up siya sakin. Pinaharap nila ako sa malaking salamin...

Teka! ako ba talaga yung nasa salamin? Hindi ako makapaniwala yung dati kung super kulot na buhok ngayon straight na, yung dalawa kung makapal na kilay ngayon maayos na, nilagyan din nila ako ng light make up sa mukha ko..parang hindi talaga ako yung nasa harap ng salamin ngayon.

"Perfect Roy! ang galing mo talaga" sabi ni Karmie

"May gandang tinatago naman pala itong si Zhane eh" sabi ni Roy "Alam mo may kamuka ka" dagdag pa nito

"Ate Zhane picture tayo dali.." excited na inaya ako ni Karmie

Naka ilang shots din kami ng batang ito, remembrance daw.

Nagpaalam na kami kay Roy may pupuntahan pa daw kami...san nanaman kaya?

After 15 minutes nakarating kami sa isang mall.

"Karmie anong gagawin natin dito?"

"Ate Zhane basta sumama ka nalang sakin" sagot niya sakin

Pumasok kami sa mall at dumiretso sa isang boutique, bumungad ang mga magagandang damit napa WOW ako sa sobrang dami at ganda, agad naman akong tinawag ni Karmie.

"Ate, lika dito try mo itong mga to." sabi niya habang binibigay niya sakin yung mga napili niyang magagandang damit.

"Karmie...wag nalang kaya wala rin kasi akong pambayad sa mga ito." sabi ko

"Don't worry ate ako ang magbabayad."

"Karmie wag na, ikaw na nga lang nagbayad sa parlor kanina eh ok na yun."

"Ate Zhane naman gift ko sa iyo ito please tanggapin mo na, sige magtatampo ako sayo pag di ka pumayag" 

Naku po! nagtampo na ang bata...wala na akong nagawa kundi ang pumayag.

At dahil napapayag ako ni Karmie sobrang saya niya, halos lahat ata ng damit dito sa boutique eh nakuha na niya para bilhin. Nahihiya nga ako eh ito kasing batang ito mapilit.

Halos P500,000 ang nagastos ni Karmie damit lang yan hah! umabot na sa ganyan....grabee pala magshopping ang mga mayayaman.

Inabot ni Karmie sakin yung mga ilang naka paper bag, sa akin na daw yung mga iyon, dapat ko daw isuot yung mga yun magtatampo daw siya pag di ko ginamit ang mga binili niya para sakin.. ito talagang batang to lakas mang black mail.

~Karmie's POV 

Ang saya naman palang kasama ni Ate Zhane how i wish sana I have a sister like her.

Sa totoo lang nung naayusan siya lumabas ang tunay niyang ganda, kamukang kamuka nga niya si Ate Kaycie eh..

Ate Kaycie is part of my brother past...

Hayst! ayaw ko munang alalahanin yung mga nangyari noon baka ma stress lang ako.

Magaan ang loob ko kay Ate Zhane ang bait niya kasi bet ko siya for kuya.

Inaya ko muna si Ate sa isang ice cream shop para mag relax at para makapag kwentuhan. We ordered same flavor of ice ream which is Strawberry...

Habang kumakain ng ice cream nagkwekwentuhan kami ni Ate Zhane...

"By the way Ate bakit hindi mo kasama sa canteen si kuya Drei kanina?"

"Ah..Eh bigla kasi siyang nawala parang bula, pero pumasok naman siya kanina"

Bigla kung naalala, nagkasakit pala si Kuya pero pilit siyang pumasok para ibigay yung admission slip ni Ate Zhane, may pinuntahan kasi si Kuya noong linggo pag-uwi niya basang basa siya ng ulan.

Hmmm..alam ko na si Ate Zhane nalang ang mag-alaga sa kuya ko since busy si Mom.. Ano kayang reaction niya pagnakita niya si Ate Zhane I mean yung new Zhane...kailangan makainom ng alak si Kuya Drei.. na eexcite tuloy ako sa balak ko..

Kaya naman tinanong na ako ni Ate Zhane kung anong iniisip ko bakit ngingiti-ngiti ako..

Umiling nalang ako.

To be continued..

~

Campus Nerd StoryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora