Nerd 18 Part 1

1.7K 64 9
                                        


• Zhane's Point of View

Papasok o hindi? Yan ang tanong na hindi ko masagot sagot.

Rason?

Kasi tinatamad ako.

Bakit ako tinatamad?

Kasi... Tinatamad talaga ako.

Gusto ko magrelax. Gusto ko mag-enjoy. Basta hindi ko ma-explain kung ano talaga yung gusto 'kong gawin.

Andito ako sa harap ng school dito sa mismong harap ng gate. Tinitignan ko lang yung gate.

Papasok o hindi?

I need to decide.

Pagpapasok ako magpapanggap nanaman ako na nakikinig kasi hindi rin ako makakafocus at higit sa lahat magpapanggap nanaman akong walang nararamdaman. Hindi naman porke't magaling ako'ng magpanggap hindi na ako napapagod sa ginagawa ko.

I need a break. Sa trabahula nga may 10 seconds break. Napapagod din naman akong magpanggap. Hindi naman masama kung kailangan 'kong mag-relax paminsan minsan diba? Tao lang din naman kasi ako.

Sana katulad nalang tayo ng mga gadgets na pwedeng icharge kapag low battery na. Bakit? Para naman kahit sobrang pagod na pagod kana, ichacharge ka lang ng ilang oras okay kana ulit.

That's life. Lahat naman ng tao nakakaranas ng pagod.

Life is very challenging.

Kung hindi naman ako papasok. Saan naman ako pupunta? Saan ako magrerelax? Saan ako mag-eenjoy?

Ang hirap naman nito.

Bahala na. Hindi na muna ako papasok ngayon.

Lord, Jesus, Papa God, Allah, Creator of Heaven and Earth. Sorry po hindi muna ako papasok ngayong araw. Babawi nalang po ako sa klase. Thank you po.

Bumuntong hininga ako. Tska umalis sa harap ng gate.

Binilisan ko'ng maglakad kasi baka mamaya may makakita pa sakin ng mga classmates ko, isumbong pa ako ka'y Ma'am.

Lakas din ng amats ko para mag-absent. Gusto ko din naman maranasan maging pasaway kahit minsan.

- - 7:30 in the morning - -
@C h i l d r e n ' s P a r k

Andito ako ngayon sa Park. Nakaupo sa swing

Habang nagmumuni muni, nahagip ng dalawang mata ko yung mag-asawa na inaalalayan yung dalawa nilang anak.

Nakakatuwa kasi nag-eenjoy yung mga bata. Pati yung mag-asawa nag-eenjoy kasi nakikita nilang masaya yung mga anak nila.

Siguro kakatapos lang nilang mag-jogging. Nakasuot kasi sila nang pangwork-out na outfits kaya nasabi 'kong katatapos nilang mag-jogging, pati rin yung mga bata naka pangwork-out.

Ang cute ng dalawang bata. Kambal pa pala sila. Babae tapos lalaki. Ang galing!

Bihira lang kasi yung kambal na babae at lalaki.

Namiss ko tuloy maging bata. Yung walang problema. Yung tipong iiyak ka lang tapos ibibigay na yung gusto mo.

Hindi ma'n ako lumaki sa totoo 'kong magulang binusog naman ako ng Tita at Tito ko sa pagmamahal.

Campus Nerd StoryWhere stories live. Discover now