Nerd 09 Part 3

1.9K 92 1
                                    

~Zhane's POV

Minamadali ako ni Karmie na ubusin ang ice cream na kinakain ko sa kadahilanang pinagmamadali niya ako hindi ko na inubos.

Nanghihinayang tuloy ako sayang din yun....

4PM na ng hapon, san naman kaya ako dadalhin ni Karmie...

"Karmie san tayo pupunta?"

"We are going to our house" sagot niyang nakangiti habang nag dridrive ng kotse.

Teka! kanina pa siya nakangiti habang nagmamaneho, ano kayang iniisip ng batang ito?

Sandali lang tama ba ang dinig ko? Sa bahay nila kami pupunta? Edi makikita ko ang kuya niyang si Drei?

Sa 30 minutes na pagmamaneho ni Karmie nakarating na kami sa bahay nila.

Ang ganda naman tapos ang laki pa, nagkikita kita pa kaya sila dito sa sobrang laki ng bahay nila?

Bumaba na ako ng kotse hinihintay kong bumaba si Karmie pero ang tagal..ano naman kayang ginagawa nung batang yun

Biglang nagbukas ang bintana ng kotse niya at nagsalita.

"Ate Zhane, i am very sorry may pupuntahan pa pala kami ni Mommy, tinext ko na si Manang Elsa para papasukin ka sa bahay siya na muna ang bahala sayo, siya nga pala Ate My Kuya is sick alagaan mo muna siya for Me byee~"

Biglang sinara niya yung bintana at pinatakbo ang sasakyan niya.

Teka lang si Drei may sakit? kailan pa?? kaya naman pala ganun siya kanina.

Anong sabi ni Karmie ako daw muna ang magaalaga sa Kuya niya? hala naman.

"Ma'am Zhane pasok ho muna kayo."

Napalingon ako sa nagsalita..isang mejo matanda na ang bumungad sakin. Siya siguro yung sinasabi ni Karmie na Manang Elsa.

"Zhane na lang ho." nakangiting sabi ko hindi kasi ako komportable na tawaging Ma'am.

"Totoo nga ang sabi ni Drei." nagulat naman ako sa sinabi ni Manang Elsa ano naman kaya yun?

"Manang ano ho 'yon?" tanong ko

"Ah..ehh..s-sab-bi ni Drei m-mabait daw ho kayo" sagot naman ni Manang

Ibig sabihin nakukwento ako ni Drei kay Manang? napangiti tuloy ako.

Pinapasok na ako ni Manang sa loob ng bahay, namangha ako kasi ang ganda at ang laki ng bahay nila ay mali mansyon pala...

Napatigil ako sa isang nakadikit sa isang gilid ng bahay nila isang family gallery.. napatitig ako sa napaka laking picture doon... family picture nila ang gaganda ng ngiti nila.

Ang gwapo talaga ni Drei buti pa dito sa picture nakangiti siya samantalang sa personal bihira ko lang siya makitang naka ngiti.

Lahat sila sa larawang nakikita ko ngayon ay masaya...Ang sarap siguro sa pakiramdam kapag kasama mo ang totoo mong pamilya ano... buti pa sila Drei at Karmie complete happy family.

"Zhane, hija mag merienda ka muna oh" sabi ni Manang Elsa na hawak ang tray na may lamang isang juice at sandwich.

"Salamat po Manang, siya nga po pala nasabi po kasi ni Karmie sakin na may sakit daw po si Drei, kamusta ho siya." concern na tanong ko kay Manang

"Oo hija may sakit siya, ayaw niyang magpapasok sa kwarto niya si Karmie lang ang nakakapasok, hindi pa nga siya kumakain at umiinom ng gamot."

"Ganun ho ba Manang, maaga po ba siyang umuwi kanina?" tanong ko ulit

"Oo hija, nagulat nga ako eh masakit daw kasi ang ulo niya" nag-aalalang sagot ni Manang Elsa sakin

"Ito ang susi ng kwarto ni Drei hija, puntahan mo siya baka sakaling mapakain at mapa inom mo siya ng gamot."

Inilagay ni Manang sa palad ko ang susi.

"Naku Manang baka naman po magalit si Drei."

"Hindi yan hija diba bestfriend ka naman niya, maiwan muna kita aasikasuhin ko pa kasi yung iluluto ko."

Bakit naman kaya alam ni Manang na Bestfriend ako ni Drei eh sa pagkakaalam ko wala siya nun sa Tagaytay kung saan ako pinakilala ni Drei.

Pinag-iisipan ko kung pupunta ba ako sa kwarto niya o hindi.

Naman kasi eh...gusto ko rin siyang makita, kamustahin, tignan kung ok lang ba siya.

Mga readers baka kung ano na ang iniisip niyo ah..concern lang po ako sakanya.

Umakyat na ako sa hagdan, teka lang san ba banda ang kwarto niya dito baka mamaya iba ang mapasukan ko.

Nakita ko sa isang pinto na may nakalagay na Xian Drei's Room kaya naman binuksan ko ang pinto gamit ang susi.

Dahan dahan ko itong binuksan.

Bumungad sakin ang napakalaki at mabangong kwarto niya at sobrang ayos.

Hinahanap ng mata ko si Drei at ayun siya nakatalukbong ng kumot.

Grabee may sakit ba talaga siya? sobrang lamig kasi dito sa kwarto niya naka bukas ang aircon.

Ako na mismo ang pumatay sa aircon kasi parang lamig na lamig na siya eh may lagnat pa siya.

"Sino may sabing pumasok kayo rito sa kwarto ko at ioff ang aircon." sabi ni Drei na mejo galit ang boses na nakatalukbong pa rin ng kumot

Sabi ko na nga ba eh magagalit siya

"S-sorry po" yan lang ang nasagot ko

Para akong na freeze sa kinakatayuan ko sana hindi nalang ako pumunta dito sa kwarto niya.

To be continued...

A/N: Sorry guys mejo konti lang ang update ko bawi po ako sa susunod

By the way thank you for reading my story :)

Free to VOTE and COMMENT

Campus Nerd StoryWhere stories live. Discover now