Nerd 15

1.9K 82 28
                                    

After that Zhane hindi na tayo magkaibigan incident. Expected nawalan ako ng kaibigan. Si Drei... Kung kailan naman nadevelop na yung feelings ko sakanya tsaka siya nawala. Ganun nga yata talaga eh.

"Zhane, tara na magmerienda" aya sakin ni Celine habang hinihila ako sa kinauupuan ko.

"Ayoko Celine ikaw nalang busog pa ako" sa totoo lang ako ayoko pumunta sa cafeteria makikita ko lang si Drei at Zelda.

"Zhane naman eh, wag mo nga ako lokohin alam 'kong hindi ka nagbreakfast" Okay Celine sa totoo lang kahit gutom na gutom na ako ayokong bumili ng pagkain dahil sa atmosphere doon.

Umiling iling lang ako at sabay yumuko sa upuan ko.

"Zhane, bibili lang naman tayo ng pagkain doon eh hindi naman natin titignan si Drei tska tignan mo nga yang sarili mo, pumapayat kana" napatingin ako sa mga braso ko. Oo nga lumuwang nga ng konti itong uniform ko.

Nakakapayat pala ang mawalan ng kaibigan. Masakit eh lalo na't hindi ko alam yung rason. Feeling ko tuloy ako yung may mali ako yung may problema.

"Zhane, nagugutom na ako! Please samahan mo naman ako oh" nagmamakaawa na sabi ni Celine.

Psh! Wala akong nagawa kundi samahan siya syempre kaibigan ko siya baka mamaya iwan din niya ako dahil sa hindi ko siya nasamahan.

Habang naglalakad kami ni Celine papuntang cafeteria nakayuko ako baka kasi aksidenteng makita ko yung dalawa, alam niyo na kung sino yun diba si D at Z.

"Zhane" boses palang niya kilala ko na kung sino. Lilingon ba ako o magbibingihan ako?

Just ignore it.

"Zhane" for the second time she called my name. Ano naman kaya ang kailangan niya?

Kaya nilingon ko siya, kasasabi ko lang na ayoko silang makita diba? I saw Zelda and Drei na magkatabi habang kumakain. Kaya ba ako tinatawag ni Zelda para makita ko silang dalawa?

Nginitian ko nalang si Zelda. Ayokong tignan si Drei. Nasasaktan lang ako naalala ko lang yung nangyari noon.

"Dito nalang kayo ni Celine magtable" aya ni Zelda. Parang nang-aasar tong babaeng 'to ah.

"Sure why not" sabi naman ni Celine na nakaorder na ng pagkain.

"Tara na doon Zhane, naorderan na kita alam ko namang hindi ka bibili eh"

"Pero... Sa iba nalang tayo kumain wag na tayong makitable sakanila" ewan ko ba sa bestfriend ko kung anong pumasok sa isp niya at gusto niyang makitable.

"Sige na Zhane doon na tayo tska nag aalok si Zelda oh" okay no choice.

Ang set up ng upuan magkatabi kami ni Celine kaharap ko si Drei tapos kaharap naman ni Zelda si Celine.

Hindi ako makakain ng maayos kasi nasa harap ko si siya ang awkward kasi.

To be continue...


A/N:

Guys. Ito muna ang update ko.. Nagkaproblema kasi sa iuupdate ko. Nadelete sa lappy ni Author eh. Babawi po ako sa inyo.





Campus Nerd StoryWhere stories live. Discover now