Nerd 08 Part 3

2.1K 108 2
                                    

Zhane's POV~

Ang saya ng Tita ni Drei, kasi hindi pa kami uuwi mag enjoy daw muna kami dito sa beach, kaya lang paano ako mag-eenjoy kung alam kung may nag-aalala sa akin. Tiyak na pag-uwi ko bukas baka masermonan ako.

"Ate Zhane, mukang malalim yang iniisip mo ah." nag-aalalang sabi sakin ni Karmie

Andito pala siya bigla bigla nalang sumusulpot itong batang ito.

"Oo Karmie, may problema kasi."

"Ano yun Ate, baka matulungan kita?" concern na sabi niya sakin

Naikwento ko kay Karmie na biglaan lang yung pagpunta namin dito ni Drei, hindi man lang ako nakapag paalam sa mga Tito at Tita ko. Nagulat si Karmie at saba'y sabing

"Loko talaga itong si kuya, hayaan mo ate tutulungan kita may cellphone ka? ako kakausap sa Tita or Tito mo."

"Ahmm.Zhane nakakahiya mang sabihin wala akong cellphone, hindi naman kasi kami mayaman yung tita ko lang yung may cellphone samin sa bahay." malungkot kung sabi

"Don't worry ate, itype mo nalang dito yung cellphone number ng tita mo, ako kakausap." sabi ni Karmie

Tinype ko nga yung number ng Tita ko at bigla namang nagsalita si Karmie, sinabi niya sa Tita ko na classmate ko siya at may project kaming gagawin na kailangan ipasa sa lunes. Ang galing namang magpalusot ni Karmie, kaya lang naguguilty ako nagsinungaling ako kay Tita. Hayst bahala na.

Inaya na ako ni Karmie na pumasok sa loob para magpalit kasi maliligo daw kami sa beach. Pinahiraman niya ako ng sexy short tapos cute na sando yun daw ang isuot ko.

Nauna akong nagbihis kay Karmie, naisipan kung maglakad lakad muna para magpahangin. Habang naglalakad nakita ko si Drei na nakaupo sa buhangin at nakatingin sa malayo. Pinagmasdan ko siya WAAAHH!! ang hot niyang tignan naka sando at naka short. Ang gwapo niya talaga.

Habang pinagmamasdan ko siya napansin ko na parang may problema siyang iniisip kaya naman bigla akong lumapit at tumabi sakanya.

"Drei, may problema ka ba?" tanong ko sa kanya

"Wala may naalala lang ako." sabi niya na nakatingin pa rin sa malayo

"Ah ganun ba, Drei sino ba yung Kaycie?" tanong ko ulit sa kanya

Bigla siyang napatingin sakin

"H-hah?? Si Kaycie..Wala f-ffriend lang." Nauutal na sabi ni Drei

Bakit ganun nalang yung reaksyon ni Drei nung tinanong ko sakanya si Kaycie nag-iba yung mood niya. Hayaan ko nalang nga siya dapat andito kami para mag-enjoy hindi para maging malungkot kaya naman pumunta ako sa may tubig dagat para basahin si Drei, Nagulat siya sa ginawa ko.

"Zhane, what do you think you're doing!!" pasigaw na sabi niya, hindi ko siya sinagot sa tanong niya binelatan ko lang siya tapos binasa basa ko ulit siya ng tubig.

"Ahh! ganito pala ang gusto mo Zhane ah." sabi ni Drei, bigla siyang tumayo tapos hinubad yung sando niya.

Tumakbo ako, baka kasi kung anong gawin niya sakin, Naghahabulan kaming dalawa, grabe hinihingal na ako, hindi ko na kayang tumakbo kaya naman nahabol niya ako tapos kiniliti niya ako ng kiniliti Grabee! hindi ko na kaya, tapos hanggang sa matumba kaming dalawa, nasa ibabaw ko siya Hala! ang lapit ng mukha ko sa mukha niya matagal din kaming dalawa sa posisyon na iyon, nakatitig lang siya sa akin at ganun din ako sa kanya. Ang lakas ng tibok ng puso ko hindi ko alam kung bakit.

Campus Nerd StoryWhere stories live. Discover now