Nerd 10 Part 1

2K 91 8
                                    


Nagising ako sa sikat ng araw ayaw ko pa sanang bumangon kasi ang sakit ng katawan ko akala ko mamamatay na ako kagabi alam niyo kung bakit?

F L A S H B A C K

"Tita, Goodevening sorry po late na akong nakauwi"

Nagtataka ako sa reacksyon ni Tita kasi parang nakakita ng multo.

"Hija, mali ka ata ng pinasukang bahay?" sabi ni Tita

"Naku! kayo naman Tita kung makapagbiro wagas"sabi ko kay tita iba yung tingin niya sakin.

Tumaya siya at kumuha ng walis tambo, ano naman kaya ang pumasok sa isip ni Tita gabing gabi na magwawalis pa siya.

Aakyat na sana ako ng hinila ako ni Tita at sumigaw ng "Magnanakaw!" pinalo niya ako ng walis ng paulit-ulit habang sumisigaw.

Grabe ang sakit ng mga palo ni Tita buti nalang dumating si Tito para pigilan siya sa ginagawa sakin.

"Tito, Tita ako ho ito Si Zhane"

Hindi ba nila ako nakikilala?

"Ano?" sabay nilang sabi at talagang nanlaki pa ang mga mata nila halatang gulat na gulat sila.

"Ako po talaga ito maniwala naman po kayo sakin." pagmamakaawa ko sakanila

Nilapitan ako ni Tita nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko at inikutan niya ako.

"Ikaw nga Zhane! bakit ganyan na ang itsura mo? Ang ganda ganda mo na" Si Tita talaga lakas mambola

Nginitian ko lang Si Tita

"Zhane magpalit kana ng damit at kakain na tayo ng gabihan" sabi ni Tito

END OF FLASHBACK

Nag-ayos na ako ng sarili ko para pumasok sa school, buti nalang dalawa yung eye glasses ko kung hindi wala akong gagamitin ayaw ko kasi mag contact lens hindi ako sanay.

@School

Andito ako ngayon sa labas hinohintay ko si Celine gusto ko kasing sabay kami pumasok sa loob ng school na miss ko kasi siya eh.

"Celine!" sigaw ko, nakita ko kasing bumaba siya sa kotse

Pero bakit hindi niya ako pinapansin?

"Celine!" sigaw ko ulit

Tumingin siya sakin yung expression ng mukha niya nagtataka, lumapit siya sakin.

"Miss! Kilala ba kita? bakit mo ako kilala?" tanong niya sakin na may pagtataka

"Ano ba Celine ako ito Si Zhane" sabi ko, sabagay kung si Tito at Tita nga hindi ako nakilala Si Celine pa kaya.

"E-eh!? Z-Zhane ikaw ba talaga yan?" gulat na sabi sakin ni Celine, ang kulit naman talaga ni bestfriend oh..

"Oo nga bestfriend ako talaga 'to" sabi ko

"Ang laki ng ginanda mo bestfriend kaya lang" ang lakas mambola nitong bestfriend ko, at may kaya lang kaya lang pang nalalaman.

"Best, tanggalin mo nalang yang glasses mo"

"Hindi pwede, malabo ang paningin ko diba?"

"No, Tanggalin mo na yan" pangungulit niya sakin, tapos may nilabas siya sa bag niya.

"Ito contact lens isuot mo" inabot niya sakin yung isang maliit na lalagyan ng mga lens.

"Pero bakit may ganito ka?" tanong ko sakanya

Campus Nerd StoryWhere stories live. Discover now