Nerd 07 Part 1

2.1K 105 4
                                    

Zhane's POV~

4th day of being slave of Mr. Drei Corpuz

"Nerdy, kunin ko nga yung cellphone number mo" sabi ni Drei

"H-hah? ehh wala akong cellphone eh"

"Eh? Tao kaba? bakit wala kang cellphone?" Gulat ang face niya parang hindi pa naniniwala sa sinabi ko na wala akong cellphone

"Wala kasi akong pambili, mahirap lang kami yung pambili ko ng cellphone pang tuation ko nalang dito sa school"

Totoo nama, wala talaga akong cellphone, wala akong pambili pang tuation ko nalang or pambili ko nalang ng pagkain wala rin lang naman akong ipang loload diba? 

Hooo! 2 Subject panay discuss lang then seatworks, itong si Drei walang ginawa kundi kalikutin yung cellphone niya kakalaro.. kamusta ang nakukuha niya sa seatworks? ayun halos perfect hindi ako magtataka magkakatop to sa klase..

--

RECESS TIME

Hinahanap ko si Drei, kasi dapat daw kapag recess sabay kami ako kasi palagi ang taga order ng kakainin namin kasi nga daw po slave niya ako kahit ayaw ko sa gusto ko haay! wala naman yung lalaking yun si Celine na nga lang.

"Girl, tara sa cafeteria kain tayo." sabi ko kay Celine

"Sige Girl, sakto gutom din ako eh pasensiya na ah hindi na kita masyadong nasasamahan busy kasi ako sa drama club namin ngayon :) anjan naman si Drei eh"

"Ok lang yun Girl, busy rin naman akong maging slave ni Drei haay! ang hirap palang maging katulong, ehh anu naman ngayon girl kung anjan si Drei?"

"Siyempre kahit buisy ako anjan siya para bantayan ka"

"Loko ka Celine, dahil kay Drei ang dami kung haters kung alam mo lang kung anong nangyari sakin nun"

At ayun naikwento ko yung nangyari nung binuhusan ako ni Zelda ng Coke at yung pinahid niya yung cake sa blouse ko, galit na galit nun si Celine nung nalaman niya yun. Gusto niyang sugurin si Zelda nung nalaman niya yun, pero pinigilan ko siya syempre ayoko naman na mapahamak ang bestfriend ko.

"Girl, Zhane mauna na pala ako kailan ko pa kasing isubmit ito sige bye~ basta sabihin mo lang sakin kapag inaway ko ulit nung Zelda na yun at ako mismo ang aaway sakanya~"

ngumiti lang ako kay Celine, loka talaga yung bestfriend ko kaya mahal ko yun eh...

mag- isa nalang ako ngayon sa table, may lumapit syempre sino pa nga ba ang pinaka war freak sa school si Zelda!

"Ayyy! kawawa naman yung isa jan! walang kasama SO POOR" sabi ni Zelda na naka cross arms sa harap ko

sa halip na patulan ko siya kinain ko nalang yung pagkain ko at tumingin sa ibang direction hindi ko siya pinapansin parang walang tao sa harap ko..

"HOY! NERD! hindi mo ba nakikita may magandang tao sa harap mo hindi mo man lang ba ako napansin?"

hindi ko pa rin pinapansin yung mga sinasabi niya nagulat ako nang inagaw niya yung kinakain ko at tinapon sa sahig ang sama talaga niya kaya tumayo ako at tinignan siya aalis na sana ako pero hinila niya ako.

"Sino may sabing aalis ka hah!? hindi pa tayo tapos"

Lord, Papa Jesus kayo nang bahala sakin alam kung may masamang balak itong babae na ito sana may dumating na magliligtas sakin huhuhuhuhu sabi ko sa isipan ko

"Alam mo bang napahiya ako dahil sayo sa gym kahapon? bakit mas pinili ka niya na pagsilbihan siya? at sino ka ba sa inaakala mo hah!?" sigaw ni zelda sakin

may nagtapon nang isang timbang tubig sakin tapos ito ako ngayon basang basa, basang sisiw hindi ko na talaga alam ang gagawin ko ang dami nilang nakapalibot na sa akin may mga kumukuha ng pictures sakin na ganito basa ako. may mga nagtapon pa sa akin ng mga itlog at kung ano ano pa tawang tawa sila sa itsura ko.

Ilang oras din akong nakatayo dun na nakatunganga lang, nagulat naman ako nang biglang may nagsalita

"Hoy! ilang oras mo ba balak tumayo jan?" ang boses na yun si Drei.

Napalingon ako tapos nagulat ako bigla nalang niya ako binigyan ng jacket, sa sobrang emotional ko bigla ko nalang niyakap si Drei at umiyak ng umiyak.

A/N: Guys! Wait niyo po yung next update ko siyempre kung may part 1 may part 2 just wait lang po :) keep on reading my stories guys

~MeLoveEC~

Campus Nerd StoryWhere stories live. Discover now