Nerd 08 Part 1

2.1K 105 5
                                        

Zhane's POV~

5th day of being slave of Mr.Drei Corpuz, this is the last day of being slave. Haay! bakit parang nalulungkot ako hayst ano kaba Zhane dapat nga maging masaya ka kasi mababawasan na ang trabaho mo.

Naglalakad ako papasok sa school ng may nagtawag sa pangalan ko kaya naman huminto ako sa paglalakad, teka kilala ko yung boses na yun ah.Si Drei kaya naman lumingon ako para siguraduhin na siya nga yun kasi naman ngayon niya lang ako tinawag sa pangalan ko.

"Zhane, I mean Nerdy come with me" sabi ni Drei

"T-teka, san nanaman ba tayo pupunta may klase pa tayo" nagtataka kong tanong sa kanya

"Basta, trust me" naka smile niyang sabi

Wala na akong magawa kaya naman pumayag nalang ako, ngayon ko lang gagawin ito ang umabsent sa klase ng walang magandang dahilan. Nakasakay kami ngayon ni Drei sa kotse, san kaya kami pupunta ng lalaking ito?

Celine's POV~

Nakita ko si Zhane na kausap ni Drei, hmmm napapansin ko na madalas na silang magkasama at itong si Drei pinagtatanggol si Zhane sa pambubully ni Zelda.hmmmm Ano kayang meron? nakita ko na sumakay si Drei at Zhane sa kotse, san kaya pupunta yung dalawang yun? Mukang hindi na sila papasok. TEKA!!? magdadate kaya sila? Kinikilig ako, masaya din ako para sa bestfriend ko kasi kahit busy ako may nagtatanggol sa kanya sa pambubully ni Zelda.

Pumasok na ako sa room para sa 1st subject nakita ko sila Zelda na nag-uusap together with her muchacha.

"San na kaya si Prince Drei??" nag-aalalang tanong ni Zelda sa mga muchacha niya

Napatingin din si Zelda sa upuan ni Zhane, biglang lumapit si Zelda sakin.

"Hoy! Celine bakit wala pa si Zhane?" mataray na tanong sa akin ni Zelda

"Ewan ko, ang alam ko kasi magkasama sila ni Drei" pang-aasar na nakangiti ako kay Zelda nung sinabi ko yan

"Oh God! that's a joke" gulat na gulat na sabi ni Zelda

Haha! Natatawa ako sa reaksyon ni Zelda, mamatay siya sa inggit wala akong pake. haay! sana maging masaya si Zhane sa date nila ni Drei.

Drei's POV~

Papunta kami ngayon ni Zhane sa Tagaytay Birthday kasi ng Tita ko dun gaganapin sa isang beach sabi kasi nila na magdala rin ako ng kaibigan ko kaya naman si Zhane nalang ang isinama ko tutal slave ko naman siya parang ito nalang ang prize niya bilang slave ko.

"Drei san ba talaga tayo pupunta?" nagtatakang  sabi niya

"Basta malalaman mo kapag dumating na tayo dun" sabi ko sa kanya

Ilang oras din ang biyahe namin nakarating din kami sa beach na iyon, nagulat naman ako ng naka abang sila Mom,Tita at ang bunso kung kapatid. Bumaba na ako at bigla naman akong niyakap ni Tita.

"Drei, you made it nakarating ka" sabi ni Tita sa akin

"Of course Tita diba promise ko na pupunta ako"

Bigla kong naalala si Zhane, hindi pa rin bumababa sa kotse yung baliw na yun.

Zhane's POV~

Teka, nasaan ba kami ni Drei ang tagal ng byahe ah, sino kaya yung mga kausap niya, naguguluhan na ako ano bang meron? Lumapit si Drei sa kotse at biglang binuksan niya yung pinto

"Baba na Zhane" sabi niya

Kaya naman bumaba na ako, nakatingin sakin yung 3 babaeng magaganda parang nagtataka.

"Iho, anak sino siya?" sabi nung isang babae mommy ata ni Drei tinawag kasi siyang anak, ang ganda ng mommy niya mas maganda sa akin.

"Mom, Tita, Karmie this is Zhane My Bestfriend" nakangiti na sabi ni Drei, Shet ang pogi niya teka AKO!?! Bestfriend?!? Ehh! talaga? diba SLAVE niya ako?!?

"Kuya she look's like Ate Kay--" biglang naputol yung sinasabi ng kapatid ni Drei kasi sumabat ito

"Shut up Karmie" galit na sabi ni Drei

Nagtaka naman ako sa sinabi ni Karmie. Pinakilala sakin ni Drei yung Tita, Mommy at yung kapatid niya, mukang mababait naman sila. Nagtaka nga ako yung kapatid niya nakatitig lang sa akin. bakit kaya?

A/N: Ano kayang mga mangyayari sa Tagaytay? Abangan yan guys~ Pasensiya na slow ang update. May SummerClass kasi eh <3 BTW~ Thanks For Reading

Campus Nerd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon