Nerd 09 Part 1

2.1K 120 5
                                    

~Zhane's POV

Maaga akong pumasok sa school kailangan ko kasing mangopya ng notes kay Celine. Nag absent kasi ako nung friday kasama si Drei...

"Hi Girl" energetic na bati ni Celine with matching big smile

"Celine pa kopya nga ng notes mo please"

Biglang tumayo si Celine para lumapit sa desk ko dala ang notes niya. Nakangiti siya habang lumapit sa akin.

"Ikaw Zhane ah..San kayo galing ni Drei nung biyernes?" nakangiting tanong ni Celine sakin

Pano naman ni Celine na kasama ko si Drei nung biyerners?

"Hah? eh wala jan lang nagpasama lang siya" hindi ko alam ang isasagot ko kaya yan lang ang nasabi ko

"Ewan ko sayo Zhane, kwento mo na please parang di mo naman ako bestfriend" malungkot na sabi ni Celine, Ito nanaman ang bestfriend ko nag-dradrama na naman

Kinuwento ko na kay Celine na sa tagaytay kami pumunta ni Drei, kinuwento ko lahat ng nangyari dun at kinilig naman siya nung sinabi kung pinakilala ako ni Drei sa Mom at Sister niya as bestfriend. Hiniling ko naman sa bestfriend ko na wag niyang ipagsabi sa iba, baka mamaya makarating pa kay Zelda awayin nanaman ako.

"Oh..pumasok na pala ang PINAKABADUY sa buong mundo" ang boses na yun alam kong si Zelda yun, nakapamaywang siyang nakatingin sakin.

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya pero si Celine akmang tatayo at susugurin si Zelda pero pinigilan ko siya ayoko kasi ng gulo.

Makalipas ang ilang minuto dumating na ang iba ko pang kaklase at yung teacher namin.

Magsisimula na sana kami ng magsalita si Scarlet kaibigan ni Zelda.

"Ma'am diba po kapag nag-absent kailangan ng admission slip pag pasok?"

Naku! oo nga kailangan ko ng admission slip.. hindi alam nila tito at tita na nag-absent ako nung friday lago ako nito tiyak papalabasin ako.

"Siya nga pala Zhane nasaan yung admission slip mo? your absent last meeting dalawa kayo ni Mr. Corpuz" sabi ni ma'am Grace...

"Ma'am wa--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng dumating si Drei

Nakita kong may inabot siyang papel kay Ma'am.

"Okay class, settle down let's start our discussion now"

"Ma'am how about Zhane? she doesn't have admission she need to get out in this class to get admission slip." sabi ni Scarlet

Campus Nerd StoryOnde as histórias ganham vida. Descobre agora