Nerd 16

1.4K 55 6
                                    

Zhane's POV

"Huy Girl, bangon na malalate na tayo sa school" sabi ni Celine habang niyuyugyug ako mula sa pagkakahiga ko sa aking kama.

Tinignan ko lang siya kunwaring hindi ko narinig ang mga sinabi niya. Nagtalukbong nalang ulit ako ng kumot para matulog ulit.

Dito pala natulog si Celine para daw hindi ako mastress sa pagkawala ni *tut* *tut*. Kilala niyo naman na siya diba? Ayoko lang bangitin yung pangalan niya. Naaalala ko lang kasi yung sinabi niya na "Hindi na tayo magkaibigan" masakit pa rin kasi.

"Girl, ano ka ba? Lunes na lunes hindi ka papasok?" Tinanggal ni Celine yung pagkakatalukbong ng kumot sa mukha ko.

"Tinatamad ako pumasok" matipid 'kong sabi sakanya. Ibabalik ko sana yung pagkakatalukbong ng kumot sa mukha ko kaso biglang nagsalita ulit yung makulit 'kong kaibigan. "Hep, Hep. Kung hindi ka papasok, Edi hindi na rin ako papasok" sabi niya tapos saba'y higa at nagkumot.

Napakakulit talaga ni Celine. Napabangon ako ng wala sa oras. Ayoko naman maging bad influence sakanya. "Bumangon kana jan Celine...malalate na tayo sa klase"

Bigla siyang bumangon at saba'y sabing "Aye, Aye Captain" loka loka talaga itong kaibigan ko.

--SCHOOL--

"Girl, magsmile ka naman jan. Mas mahaba pa sa traffic ng daan yang nguso mo eh"

Nagfake smile nalang ako para wala ng masabi sakin si Celine. Pero kaya ko pa kayang mag fake smile kapag nakita ko yung taong gusto ko, Na ayaw na akong maging kaibigan? Arrg. Zhane kung ano anong iniisip mo.

Nakatayo ako dito ngayon sa harap ng classroom namin pinagmamasdan ko yung mga kapwa ko estudyante na dumadaan sa harap ko. Paano kaya kung si Zelda at Drei na yung nakita ko dito sa harap ko tapos super sweet sa isa't isa? Ano kayang reaksyon ko? Aargg. Kung ano ano naiisip ko.

Papasok na sana ako sa loob ng classroom para umupo kaso parang pinaglalaruan yata ako ngayon ng tadhana. Yung naiisip ko kanina nagkatotoo na. Si Zelda at Drei magkasama at papalapit na sa harap ko at ang gaganda ng ngiti nila. At Ako? Yung nararamdaman ko? Ang sakit sa dibdib. Kaya naman napayuko nalang ako atsaka umalis para pumunta muna sa C.R kasi naman bakit napaka baba ng luha ko? Nakita ko lang naman silang dalawa ba't kailangan ko pang maluha? Ang O.A tuloy.

Inayos ko ang sarili ko para bumalik sa classroom.

Saktong pagpasok ko kadadating ng teacher namin. Umupo na ako agad sa upuan ko. Napatingin ako sa gawi ni Drei. Ayun nakasaksak yung earphones niya sa dalawang tenga niya. Napabuntong hininga nalang ako.

Nagsimula na mag discuss ang teacher namin. Hays. Napakaboring, wala akong gana makinig ngayon. Nagpapanggap nalang akong nakikinig sa teacher namin. Bigla akong napaisip magpanggap nalang din kaya akong hindi nasasaktan kapag magkasama si Zelda at Drei. Eh dun naman ako magaling ang magpanggap.

--BREAKTIME--

"Girl, tara kain" aya sakin ng makulit kong girlfriend na si Celine.

"Sabay na kayo samin ni Drei" sabi ni Zelda na nakatayo sa harap ko habang hawak ang wrist ni Drei. Napatingin ako sakanila.

"Oh Sige, sakto gutom na rin ako" sabi ko at saba'y ngiti.

Yan ganyan nga Zhane. Ngumiti ka lang parang walang nangyari. Maging ka naman magtago ng feelings eh.

Authors Note:
Alam kong masabaw 'tong update na to. Nahihiya lang talaga ako sa inyo madlang readers. Please support my new story This is Ara, Welcome To My Life! Thank You.

Campus Nerd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon