Nerd 05

2.2K 104 3
                                    

3rd day of being slave ni Mr.Drei

"Zhane, sabay tayo mag merienda sa cafeteria mamaya ah" sabi ni Drei

"Hah? paano si Celine wala siyang kasama?" sabi ko

"Eh d isama mo siya problema ba yun?

Kinausap ko si Celine after ng klase namin inaya ko siya na samahan kami ni Drei na mag merienda, hindi daw siya makakasama kasi may gagawin pa daw siya practice daw ng drama club nila ngayon, so dalawa lang kami ni Drei ang magkasama..

Sabay kami ni Drei pumunta sa Cafeteria at umupo

"Nerdy, pumila kana ito yung pera umorder ka ng mga kakainin natin bilisan mo ah nagugutom na ako" sabi ni Drei

Tumayo na ako at nag order ng makakain

2 ice tea

2 spaghetti

2 ube milk cake

After kung maka order kumain na kami may pagka matakaw rin naman pala itong lalaking ito parang patay gutom kumain JOKE XD

Waahh! ang sarap talaga ng ube milk cake kahit kailan ngayon nalang ulit ako nakatikim nito hindi na kasi ako nakakakain ng mga cakes kapos kasi sa budget buti nalang may amo akong tulad ni Drei at nakakain ulit ako ng ube milk cake :)

Nagulat ako nung ilapit niya yung mukha niya sa mukha ko yun pala pupunasan lang niya yung duma sa muka ko

"Ano ba yan nerdy! ang messy mung kumain umayos ka nga" sabi ni drei

"ah eh sorry na ang sarap kasing kumain eh" sabi ko

"Mauna na ako sayo ah, puntahan ko pa kasi mga kaibigan ko pasok ka nalang sa room see you later nerdy" sabi niya na naka smile

--

"Guys! Check it out who's here" sabi ni zelda na nakatayo at naka cross arm sa harap ko

"Ano nanaman ba Zelda ayoko ng gulo"

"Ayaw mo nang gulo? so ano kaba ni Prince Drei at palagi ka niyang kasama?"

"W-wala"

"Anong Wala? Hindi naman ako maniniwala kung sasabihin mung girlfriend ka niya eh" galit na sabi ni Zelda

"A-ano Z-zelda h-hindi naman niya ako g-girlfiend"

"Makaalis na nga nakaka ang pagmumuka mong panget sa araw ko, tsk!" sabi ni Zelda

Buti nalang umalis na sila, buti hindi niya ako sinaktan or tinapunan nang kung ano dito sa cafeteria.. bakit ba kasi patay na patay itong Zelda na to kay Drei.?

 --

Naglalakad ako papunta sa room, napatingin ako sa gym ang daming tao kaya pumunta ako nakita ko sila Drei na naglalaro ng basketball maraming nanunuod na mga girls andun sila para icheer si Drei siyempre andun din si Zelda nakaupo sa benches together with her friends. Umupo rin ako para manuod ng game mukang ang ganda kasi ng laban.

"Go Drei!"

"Go Honey Drei"

"Kaya Niyo Yan Hooo!"

"I love you Drei"

Yan ang mga ilan na naririnig kung mga sinasabi ng mga ibang girls na nag checheer kay Drei.

Tapos na ang game siyempre sila Drei ang nanalo ang galing nila :) mukang pagod na pagod si Drei he look tired teka tama ba ang nakikita ko naglalakad siya papunta sakin? nakatitig lang ako sakanya parang slow motion siya naglalakad sa akin kahit pawis na pawis siya ang gwapo niya ang hot niya. natigil na naman ako sa pagkatitig ko sakanya dahil sa narinig kung boses ni Zelda teka, andito na pala siya?

"P-prince Drei, pawis na pawis ka gusto mo punasan kita, ito pala oh tubig mukang uhaw na uhaw kana kasi eh" sabi ni Zelda na nagpapacute kay Drei

"No, thanks" -Drei

Nagulat naman ako inignore niya si Zelda

"Zhane, kunin mo nga yung towel ko sa bag pakipunasan nga yung pawis ko." utos ni Drei sakin

"H-hah? A-a sige"

Nakita ko naman na tinitignan ako ni Zelda ng masama hindi ko nalang siya pinansin kinuha ko nalang yung towel sa bag ni Drei pati na rin yung tubig niya mukang uhaw na uhaw na rin siya eh. nung pagka kuha ko ng towel and tubig umalis na rin sila Zelda. 

"D-drei ito na pala yung mga pinapakuha mo" sabi ko kay Drei na nakaupo lang sa bench

"Gusto ko ikaw yung magpunas nang pawis ko"

"H-hah?? bakit ako? ikaw nalang may kamay ka naman"

"Diba slave kita so dapat lahat ng iutos ko sayo susundin mo"

Wala na akong nagawa kundi sundin ang gusto niya, naiilang ako sakanya kasi habang pinupunasan ko siya tinitignan niya lang ako.

"Bakit pala hindi mo tinanggap yung towel at tubig na inaalok sayo ni Zelda kanina?" tanong ko sakanya habang pinupunasan ko siya

"Wala, ayoko kasi sakanya eh" sagot niya

"Bakit ayaw mo sakanya? ang ganda ganda niya at ang sexy pa"

"So what? hindi ko naman siya type" sabi lang ni Drei

--

Bumalik kami sa classroom para sa last subject namin, natatakot ako para sakin kasi iniisip ko si Zelda, nung pumasok kasi ako sa room ang sama ng tingin niya sakin parang may balak na gawin sakin, wala naman akong ginagawang masama sakanya, bahala na kung anong mangyari.

~Thanks For Reading Guys :)

~MeLovesEC~

Campus Nerd StoryWhere stories live. Discover now