Drei's POV~
Naisipan ko na kunin yung cellphone number ni nerdy para madali ko siyang macontact kapag may assignments or project akong ipapagawa sakanya, pero wala palang cellphone yung baliw na babaeng yun,sa panahon ngayon wala pa pala siyang cellphone kaya naman naisipan kung bilhan siya.
RECESS Time
Umalis agad ako, bahala na kung aabot pa ako sa next class punta nalang ako ng mall para bumili ng cellphone ni nerdy.
Nasa mall na ako dumiretso ako agad sa isang cell shop, ang dami namang cellphone dito hindi ko kung ano yung bibilhin ko, kaya naman umalis nalang ako naisip ko na isama ko nalang next time si nerdy dito sa mall.
Dumiretso ako sa isang store natipuhan ko kasi yung jacket kaya naman binili ko yun. tamang tama malapit na rin kasi yung cold weather.
Naisipan ko ng bumalik nalang ng campus, diretso muna ako sa Cafeteria para bumili ng makakin kasi gutom na ako, pero nagulat ako dun si nerdy nakatayo tulala at basa siya, ano ba ginawa ng babaeng yun at parang baliw na nakatayo dun.
"Hoy! ilang oras mo ba balak tumayo jan?" sinigawan ko siya para matauhan siya
Basang basa siya, kaya naman binigay ko yung bagong bili kung jacket sakanya at, nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap at umiyak siya. kaya naman niyakap ko na rin siya naaawa ako sakanya, alam ko naman na yung Zelda na yun ang may gawa sakanya nito. bakit parang ganito yung nararamdaman ko dito sa babaeng ito, hindi ko maipaliwanag, ang gaan ng loob ko sakanya.
"H-hindi k-ko n-naman s-sila inaano Drei b-bkt gnun sila sakin?" si Zhane na humahagulgol sa iyak
"Inggit lang sila sayo Zhane, hayaan mo na sila, sasusunod na ibully ka nila pwede lumaban ka naman?"
hinila ko yung kamay niya para bumalik na sa room
"Pwede wag ka nang umiyak, pinagtitinginan tayo ng ibang studyante dito baka isipin pinaiyak kita" sabi ko sakanya, agad namang pinunasan niya yung luha tapos ngumiti siya
"Baliw ka talaga, pagkatapos mung umiyak ngingiti ngiti ka jan."
"Baliw na kung baliw" sabi niya na nakangiti sakin
bakit ba ang gaan ng loob ko dito kay nerdy, nakakaloko pa yung ngiti niya haay! dito na kami sa room lahat sila yung attention nasa amin ni nerdy, tumabi ako dun kay sa babaeng Zelda na yun at kinausap.
"Z-zelda right?"
"Hah, Yes Prince Drei" nagpapacute nasabi niya, mukang kinikilig
"Pwede bang tigilan mo na si Nerdy I mean Zhane?" nakitingin ako sa mga mata ni Zelda para iparamdam na seryoso talaga ako sa mga sinasabi ko.
"B-bkit P-prince Drei? wala naman akong ginagawa?" nagtatakang sabi niya at nakita ko siyang tumingin kay Zhane nang masama at biglang ibinalik yung tingin sakin
"D-dont call me prince just Drei I am not your Prince" pagkasabi ko sakanya bumalik na ako sa upuan ko, tinignan ko si Zhane nakayuko siya kaya naman kinuha ko yung ipod ko at earphone at nilagay sa tenga niya, umupo na rin ako para matulog sa upuan ko.
A/N: Guys! Pasensiya na ngayon lang ako nakapag update ulit, busy kasi lately may summer class kasi ako. Just wait nalang sa mga updates BTW~ Thank you for reading Guys LoveYOU!
~MeLovesEC~
