Nerd 18 Part 2

2.8K 106 97
                                    

• Zhane's Point of View •

- - 11:30am in the morning - -
@M a l l

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko sakanya.

Dito pala kami pupunta hindi pa niya sinabi.

"Mag-eenjoy, diba sabi doon sa kanta na pinarinig ko sa'yo. Iwanan na, kalimutan na ang mga problema at sakit na 'yong nadarama" talagang kinanta pa niya yung part na 'yon tska nag-smile.

Ang ganda talaga ng boses niya.

"Okay" maikling sagot ko. Wala na kasi ako'ng masabi.

Naglalakad-lakad kami dito sa loob ng Mall. Saan naman kaya kami mag-eenjoy dito? Mamaya may makakita pa samin dito na kakilala ko for sure malalagot ako.

"Mikko" tawag ko sakanya.

"Yes?"

"A-no kasi... Baka mamaya may makakita sakin dito tapos isumbong ako... Tignan mo oh naka-uniform pa tayo"

Mamaya makarating pa kanila Tito at Tita 'tong pagliban ko sa klase.

"No problem. Ako na bahala" sabi niya tapos nag-smile.

Ang sipag niya talagang ngumiti.

"Hah? Panong ikaw na ang bahala?" nagtataka 'kong tanong.

Pumasok kami sa isang store ng mga damit at mga shoes, sandals at mga accesories.

Habang tumitingin ako ng mga damit dito, si Mikko naman nasa kabilang side busy tumingin ng mga damit.

Grabe ang mamahal ng tinda nila! Wala man lang ako'ng kayang bilhin sa mga 'to.

"Zhane! Isuot mo ito"

Napatingin ako sa hawak ni Mikko.

"Ha-h? Yan lang ang nasabi ko"

"Ang sabi ko. Isuot mo 'to" sabi niya.

Kinuha ko yung inabot niya tska ako inassist nung babae para pumasok sa fitting room. Bago ako tuluyang makapasok sa fitting room nakita ko din si Mikko na pumasok sa kabilang fitting room.

Tinignan ko yung damit at pants na pinapasuot sakin ni Mikko. Isang white v-neck shirt tapos isang ripped jeans na kulay itim. Grabe! For sure mahal ang mga 'to. Wala akong pambayad dito, paano ko kaya sasabihin sakanya? Hindi ko nalang isusuot.

"Zhane? Hindi ka pa tapos?"

Ang tagal ko na pala dito sa loob ng fitting room. Hindi ko pa rin sinusuot yung binigay niya sakin.

"A-no k-kas-si... Wala akong..."

Bigla siyang nagsalita kaya hindi ko na tinuloy yung sinasabi ko.

"It's okay. Isuot mo na yan. Kapag hindi mo yan sinuot, magtatampo ako sa'yo" sabi niya.

Wala na akong nagawa kundi isuot 'tong mga 'to. Nilagay ko na sa bagpack yung uniform ko, napansin 'kong nakablack shoes pa pala ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Campus Nerd StoryWhere stories live. Discover now