Nerd 08 Part 2

2.1K 95 6
                                    

Zhane’s POV~

Sa ganitong lugar naman pala kami pupunta ni Drei hindi pa niya sinabi, naka uniform pa ako wala akong dala na damit. Kaya naman kinausap ko si Drei

“Ahm.. Drei, bakit naman hindi mo sinabi na beach pala ang pupuntahan natin wala akong dalang damit.” Sabi ko sakanya

“Don’t worry, anjan naman si Karmie marami naming dalang damit yun, humiram ka muna sakanya.”

Bigla akong tinawag ni Karmie para magpalit ng damit, nakakahiya naman sa kanya mukang mamahalin ang mga damit niya tapos ipapagamit niya lang sa sakin na nerd.

“Ate Kay—ay Ate Zhane pala pili ka ng damit na gusto mo dito.” Sabi ni Karmie habang naglalabas ng mga damit

Sino ba yung sinasabi nitong Kay ang name, hindi kasi matuloy-tuloy ni Karmie yung buong pangalan niya hmm.. bahala na nga. Ang dami naming damit ni Karmie hindi ko alam ang isusuot ko kasi naman yung mga damit na meron siya hindi ako nagsusuot ng mga ganun.

Kailangan daw kasi naka dress kami yung mga nauuso ngayon na mga dress, hindi naman ako nagsusuot ng mga ganyan. Pasensiya na wala akong alam sa fashion alam niyo naman na nerd ako. Bahala na magpapatulong nalang ako kay Karmie.

“Ahmm.. Karmie pwede bang ikaw nalang mamili ng susuotin ko? Hindi kasi ako makapili” nahihiya kung sabi sakanya

“Sure Ate Zhane, ayusan na rin kita para mas lalo kang gumanda.”

Ang bait ng kapatid ni Drei mana sakanya, ang ganda rin niya siguro marami ding naiinlove dito sa kapatid niya. Nakahanap na si Karmie ng isusuot ko dress yun na kulay sky blue, sinuot ko yun pero hindi ako comfortable hindi kasi ako sanay sa mga ganitong klaseng damit.

“Ate Zhane bagay sayo, upo ka dali at aayusan na kita.” Excite na sabi ni Karmie

Agad naman akong umupo, biglang tinanggal ni Karmie yung eye glasses ko at pinalitan yun ng contact lens yan daw muna ang gamitin ko maluha luha ako nung naisuot ko yun ngayon lang kasi ako nakasuot ng contact lens, tapos binawas niya rin yung makapal kung kilay ang sakit naluluha rin ako habang tinatanggalan ako ni Karmie, yung buhok kung kulot ginawa niyang straight, tapos nilagyan niya rin ako ng make up sa mukha. Grabe tagal din niya akong inayusan, ang tiyaga ni Karmie.

“Ate you look so beautiful.” Nanlaki yung mga mata niya habang sinasabi niya yan.

Nakatitig lang ako sa salamin TEKA! Ako ba talaga yung nasa harap ng salamin ngayon? Kung nanaginip man ako, sana hindi na ako magising.

“Ate Zhane, wag kang iiyak masisira yung make up mo.”

“Thank you Karmie hah ginawa mo akong tao ngayon.”

“Welcome Ate Zhane, alam mo lahat naman tayong mga babae may sariling kagandahan, hindi lang kasi nakikita ng iba.”

Inabot sa akin ni Karmie yung sandals yun daw ang isuot ko. Lumabas na kami ni Karmie para pumunta kung saan icecelebrate yung party, kasi naman ang laki ng hotel na ito, hindi ko pa pala nasabi beach and hotel restaurant itong pinuntahan namin. Nakasalubong naming si Drei napahinto kaming pareho. Ang gwapo ni Drei sa suot niyang suit gwapo na nga siya may mas igwagwapo pa pala itong lalaking ito. Bakit ba nakatitig pa rin itong lalaking ito sa akin? Hindi ba bagay sa akin yung suot at ayos ko?

“Kuya Drei, Ate Zhane magtititigan lang ba kayo jan?.” sabi ni Karmie na papalit palit ng tingin sa aming dalawa ni Drei

Kaya naman natauhan kami ni Drei

“Ah- Kay--- I mean Z-Zhane tara na.” nauutal na sabi ni Drei

Sino ba talaga yung tinutukoy nila na Kay ang umpisa ang pangalan, palagi nalang nabibitin nacucurious na talaga ako. Nakarating na kami sa venue ng party ang daming tao halos kamag-anak nila Drei andito. Ang bongga ng birthday party ng Tita niya bali kapatid ng mommy ni Drei yung nagcecelebrate ng birthday.

“Drei, Anak andito pala si Kaycie” Gulat na sabi ng Mommy ni Drei

“Mom! She’s not Kaycie, It’s Zhane.” Pasigaw na sabi ni Drei

Oh! Son I’m sorry. By the way Zhane your so beautiful today.” Sabi ng Mom ni Drei atsaka umalis

Ngayon alam ko na Kaycie ang pangalan ng sinasabi nila na kamuka ko, sino ba yun bakit nagagalit si Drei kapag naririnig yung pangalan na iyon? Nagtataka ako kamuka ko ba talaga iyong Kaycie? Gusto ko siyang makilala at makita.

Drei’s POV~

Bakit ba ang tagal ni Karmie at Zhane? Sunduin ko na nga lang sila, Ang tagal kasi nila eh mga babae talaga ang bagal kumilos.

Nagulat ako sa nakasalubong ko, napatigil ako, napatitig ako kay Zhane. Kamuka talaga niya si Kaycie kamukang kamuka, buti nalang nagsalita yung kapatid ko para matauhan ako sa pagkakatitig ko kay Zhane. Siguro nagtaka si Zhane kung bakit ako napatitig sa kanya?

Nakarating na kami sa party, halos lahat ng kamag-anak naming andito, basta talaga kapag si Tita Mylene ang nag birthday hindi pwedeng hindi kumpleto ang pamilya.

Lumapit sa amin si Mom at napagkamalan niyang si Zhane ay si Kaycie. Sinabi pa kasi ni Mom yung pangalan na yun, kaya naman nag iba yung mood ko at napasigaw ako kay Mom. Bakit kasi itong si Zhane kamuka si Kaycie? Ayoko na siyang maalala pa para sa akin wala na siya.

Nagtataka na si Zhane kung bakit napagkakamalan siya na si Kaycie halata sa mukha niya, bakit kasi inayusan siya ni Karmie Hayst!

Zhane’s POV~

Andito ako ngayon nakaupo kakatapos kumain, lahat sila nagsasayawan ng sweet song together with their love ones,Pinapanuod ko lang sila.

Habang nanunuod ako sa mga nagsasayaw, may nagsalita sa tabi ko boses lalaki si Drei, Inaaya niya akong sumayaw, napatitig lang ako sakanya TALAGA!? Si Drei inaya akong sumayaw for REAL? Kinilig ako. Bigla akong tumayo at pumunta kami sa dance floor hawak hawak ni Drei yung kamay ko, nakita ko na sinenyasan niya yung nag-ooperate ng mga songs. Biglang napalitan yung music ng You’re Beautiful version ni Adam Sandler, nag start na kaming sumayaw, nakatitig lang si Drei hindi na nga ako makatingin sa kanya eh. Bakit kaya siya nakatitig sakin? Yumuko na ako kasi hindi ko na napigilang makilig nagkukulay kamatis na nga ako eh.

--

Tapos na yung song hawak pa rin ni Drei yung kamay ko hanggang sa maihatid niya ako sa table, tumabi siya sakin. Tinawag niya ako, kaya humarap ako sakanya akala ko may sasabihin siya, nagsmile lang naman pala siya.

Ito nanaman po tayo sa smile smile na yan, wag kang ganyan Drei baka magustuhan kita ng wala sa oras. HAYY! Ano ba itong sinasabi ko Erase! Erase!

Tapos na ang party mga 4PM na ng hapon. Ihahatid na sana ako ni Drei sa bahay kaya lang nakiusap yung tita niya na bukas nalang daw kami umuwi sabay-sabay kami mag check in nalang daw muna kami ngayon sa hotel. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag nakakahiya naman tanggihan si Tita Mylene. Nag-aalala na siguro si Tita at Tito sa akin hindi ako makakauwi ngayon malalagot ako nito eh. Bahala na nga bukas, Mag-enjoy na lang muna ako dito.

A/N: Sino kaya si Kaycie?? Soon~ Malalaman niyo Just wait the Part 3 guys.. Thanks For Reading.

~MeLovesEC~

Campus Nerd StoryWhere stories live. Discover now