SDTR: Kabanata 26

Start from the beginning
                                    

"Hindi. Magkaibigan lang kami." Sagot ko.

"Sayang naman, mukhang baliw na baliw pa naman sayo yun." Humahagikhik na sabi ni Vanessa atsaka sumubo ng Tiramisu, habang ako naman panay ang paglalaro ko sa Red Velvet na inorder ko kaya tinampal ni Vanessa ang kamay ko. "Don't play with your food!" Singhal niya saakin kaya ibinaba ko ang hawak kong tinidor.

"Para saakin, mas baliw si Ethan." Humahalakhak na hiyaw ni Jersi. Namilog ang singkit na mata ni Vanessa at hinampas sa braso si Jersi. "How dare you! Jerome is your brother! Siya dapat ang kinakampihan mo." Giit niya kay Jersi, ngumuso si Jersi at itinaas ang point finger saka iminuwestra na mali si Vanessa.

"Hindi purket kapatid ko siya ay kakampihan ko na siya sa lahat ng bagay. Gusto ko lang linawin na ang kay Ethan ay kay Ethan at si Claire iyon." Ngumingising sabi ni Jersi habang itinuturo ako, napailing nalang ako sa kakulitan niya.

"Gosh. Anong klaseng kapatid ka?"

Pinagtaasan ni Jersi ng kilay si Vanessa at ngumiti, "Mabait akong kapatid, mabait rin akong kaibigan. Saka isa pa mas marami nang pinagdaanan si Ethan at Claire, hindi ba't ikaw pa nga ang nagsabi kay Claire na, dapat hindi siya palaging pabida, dapat bida kontrabida na rin para hindi maagawan!" Pagpapaalala ni Jersi kay Vanessa, umiling iling lang ito sakanya.

Napapatawa nalang ako sa pinag uusapan nila. Panay pa rin ang asaran nilang dalawa ngayong naglalakad na kami sa mall para tumingin tingin ng iba pang damit, wala akong masabi sa pagiging shopaholic nitong dalawang ito. Napapaisip na lamang ako kung maisusuot ba nila ang lahat ng binili nila? Pero sa kabila non ay napangiti nalang ako, parang nakikita ko kasi ang sarili ko sakanila noon, masyado rin akong malakas mag shopping at hindi ko naman nasusuot ang lahat ng nabibili ko.

"Bagay na bagay sayo." Nakangiting sabi ni Mama matapos akong make-up-an ni Jenica para sa Graduation ko mamayang gabi. Suot ko na rin ang dress na binili namin nila Jersi kahapon, nakahanger naman ang black toga ko na pinalantsa kanina ni Mama. Nakakatuwa dahil kitang kita ko ang magandang ngiti ni Mama habang pinaplantsa iyon.

"Maaga daw kayong aalis Tita?" Biglang tanong ni Jenica kay Mama, tumango naman si Mama bilang sagot. Bago kasi kami dumiretso sa venue ay magkikita muna kami ni Dad para mag usap. Dinadapuan na nga ako ng kaba ngayon dahil matagal tagal rin kaming hindi nag usap ni Dad at ang huli pa ay nag away kaming dalawa.

Hinatid na kami ni Kuya Justine sa isang restaurant kung saan naghihintay si Dad. "Congratulations, Claire." Nakangiting bati saakin ni Kuya at hinalikan ang pisngi ko, ngumiti ako sakanya at nagpasalamat.

Bumaba na kami ni Mama sa kotse at napansin niya ang paghugot ko ng napakalalim na paghinga. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil iyon. "H'wag mo nang awayin ang Dad mo." Nakangiting paalala niya saakin, tumungo ako at hinaplos ko ang buhok ko na medyo humahaba na ngayon.

Magkahawak kamay kaming naglakad ni Mama papasok sa restaurant. Kaagad kong natanaw si Dad sa may dulo, panay ang inom niya ng red wine ngayon na nakapatong sa mesa niya at mukhang hindi siya mapakali. May isang bouquet ng bulaklak din doon sa lamesa ni Dad.

Nang magtagpo ang mga mata namin ni Dad ay kaagad may kumurot sa puso ko. Nababalot ng pagkasabik sa isang ama ang buong katauhan ko ngayon dahil ang gusto ko na lamang gawin ay ang itapon ang sarili ko kay Dad upang yakapin siya ng sobrang higpit.

"Claire." Nanginginig ang boses ni Dad sa pagtawag saakin nang tumayo siya mula sa pagkakaupo, tumungo lang ako at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko nang marahan niya akong hilahin palapit sakanya upang yakapin.

"I miss you so much, anak." Bulong niya at hinaplos haplos ang buhok ko, panay ang landas ng luha sa mga mata ko. "I'm sorry." Basag ang boses ni Dad at sa tingin ko ay umiiyak na rin siya ngayon.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Where stories live. Discover now