Chapter 53: Proposal

821 37 1
                                    

SAM POV

"Sam, bilisan mo nga. 'Pag tayo nalate, sagot ka talaga sa amin ni Crys," sabi sa akin ni Scar. Ewan ko nga kung bakit nagdadali dali sila. Ganito kasi 'yun, mga two weeks na simula nung magkita kaming muli ni Josh. Bumalik na talaga sa dati ang samahan namin. Close na close na nga ulit kami eh. Pero 'yung about sa kasal ay 'di pa namin napapag-usapan. Iyong sinabi ni mom na matutuloy ag kasal, tuloy daw talaga, sinabi sa akin ni Lola. Hihintayin na lang daw namin si Josh. 'Di ko nga alam kung anong ibig sabihin nila. Bakit namin iintayin si Josh?

By the way, eto na nga. May friend daw si Seth na magpopropose sa jowaers nito tapos kailangan daw ng tulong namin. Grabe 'noh. Talagang kami pa ang sinama. Wala bang ibang friends 'yung lalaking 'yun o kahit friends nung girl? Talagang kami pa. Eto rin naman kasing si Seth, dinamay damay pa kami.

"Eto na nga oh," sabi ko sa kanila. Paano kasi, ang pinasuot sa akin ay isang fitted na dress at kulay pula pa, sabi daw kasi nung boy. Dami rin arte nang boy na 'yun. S'ya na nga humingi ng favor ang dami n'ya pang arte. Pati ba naman susuutin namin dapat s'ya ang magdedesisyon. Kainis naman. Buti na lang talaga wala akong duty bukas kaya kahit mapuyat ako ngayon ay may bukas pa ako para makabawi sa tulog. Kapag nakilala ko talaga ang boy na 'yun, makukutusan ko s'ya.

"Hindi ka ba maglalagay ng kahit konting make up, Sam? Talagang powder lang?" tanong ni Crys nang nasa kotse na kami.

"Pati ba naman pagmemake up, may problema pa. Alam n'yo, kapag nakita ko talaga ang boy na ito, kukutusan ko s'ya. Pahirap s'ya eh," inis na sabi ko at naglagay ng blush on at lipstick.

"Tingnan natin kung magawa mo 'yan. Haha," sabi ni Crys. At bakit naman?

"At bakit naman? Sino ba kasi iyang lalaking 'yan?" taas kilay na tanong ko sa kanila.

"Secret, sure akong kikiligin ka sa gagawin n'ya," sabi naman ni Scar at kinindatan ako. Ako pa talaga ang kikiligin? Ako talaga'y, nahihiwagaan na sa dalawang eto. Parang may itinatago talaga sila.

Nakarating kami sa venue at masasabing kong napakaromantic ng lugar. Sa labas pa lang maganda na. Nasa loob pa kasi ng garden 'yung pinakang venue n'ya kung saan magpopropose si boy. Maganda talaga ang place para sa marriage proposal.

"Nagustuhan mo ba?"

"Oo," sagot ko sa kanila kahit naguguluhan ako sa kanila. Bakit tinatanong nila kung nagustuhan ko? Bakit ako ba 'yung girl?

"Ay wait! Scar nandito pa ang flower na kailangang ilagay dun sa table," sabi ni Crys habang hawak ang isang bouquet. White roses s'ya at sobrang ganda talaga nito. Actually, gusto  ko ang white roses. Ganda kasi eh. Hihihi. Kinuha ni Scar ang roses at inabot sa akin.

"Anong gagawin ko dito?" gulat na tanong ko sa kanila. Ibigay ba naman sa akin.

"Ikaw na ang maglagay niyan sa loob. Pumasok ka lang diyan tapos makikita mo na ang table dun," sabi niya sa akin at wala na akong nagawa ng sabay nilang akong tinutulak papasok dun sa loob ng garden. Lumingon pa ako sa kanila pero nagthumbs up lang sila.

"Go!" sabi nila sa akin.

Wala naman na akong magagawa. Nandito na ako sa loob. Habang hawak hawak ang bouquet ay naglakad ako sa red carpet at ang nasa dulo nito ay isang table tapos may mga nagaviolin. At pagkapasok ko ay tumugtog sila.

Wait! Hindi kaya ako ang girl. Hayaan na. Mamaya ko na lang sasabihin sa kanila na hindi naman ako ang girl para dito. Kunwari ako muna. Maglalakad lang naman ako dito hehe.

Hayss! Ang ganda ng lugar tapos ang sarap sa tenga ng music. Ang buong garden ay may mga christmas light s'ya na nakaayos sa mga halaman kaya para silang mga alitaptap. Napakaganda. Tapos 'yung table sa dulo napapalibutan ng mga candles na hugis heart. Itong red carpet na dinadaanan ko ay mga candles din sa gilid. Napakaromantic talaga ng lugar. Ang effort ni boy. Sure akong 'di na makakatanggi si girl. Dito pa lang, mapapa oo ka na agad at masasapak ko din s'ya kung 'di n'ya sasagutin si boy. Naabala kaya kami.

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang