Chapter 12: Meet my Parents

983 44 0
                                    

SCARLET POV

Excited na ako dahil mamemeet ko na ang parents ni Sam. Hindi naman ito ang first time na ipakilala ako ng friends ko sa parents nila pero I don't know bakit ako kinakabahan ngayon. Siguro dahil iyong mga friends ko dati is ka-level ko lang. Sina Sam kasi is alam n'yo na, mayaman. Pero nagpapasalamat talaga ako dahil having friend ko siy. Ang bait niya kasi.

Naghanda na ako para umalis. Naabutan ko sina Nanay sa salas na nanonood ng t.v. Kapag umaga kasi ay hilig nila ang manood ng t.v para manood ng mga drama.

"Nay, Tay, alis na po ako," paalam ko sa kanila at nagmano.

"Mag-ingat ka papunta don. Dalhin mo na rin ang pansit na niluto ko d'yan, bigay mo kay Sam," sabi ni nanay.

"Sige po," sabi ko at pumunta sa kusina. Kinuha ko na ang pansit at lumabas na ng bahay.

Nag-abang ako ng trycycle at nagpahatid sa village nila Sam. Pagdating ko ay pumirma na ako sa logbook nila at naglakad na papunta sa bahay nila Sam. Malapit lang naman, 'di ba?

Pagdating ko ay agad akong nagdoorbell at lumabas naman ang yaya ni Sam, 'yong pinakilala n'ya sa akin. 'Yon lang naman ata ang yaya nila. Ang yaman nila pero iisa lang ang katulong nila.

"Oh, ikaw pala hija. Kanina ka pa hinihintay ni Sam," nakangiti nitong turan. Nginitian ko na lamang s'ya at pumasok ng pagbuksan niya ako ng pinto.

"Nandon sila sa dining area," turo nito sa 'kin.

"Salamat po."

Kinakabahan ako, baka kasi matapang parents n'ya. Pero sabi n'ya mabait naman daw ang mga 'yon. Mabait 'yon, dapat positive lang.

"Hello po." Napalingon naman sila sa akin ng magsalita ako.

"Scar," sabi ni Sam at niyakap ako. Nakita ko naman ang parents niya na nakangiti. Medyo nawala ang kaba ko dahil doon.

"Ahmm. Mom, Dad, this is Scarlet Santos and Scar they are my parents. Doc Francisco and Doc Elena Ascaro," pagpapakilala ni Sam. Parehas pala talagang doctor ang parents niya.

"Hello po," nahihiya kong sabi. Ang ganda at gwapo ng parents niya. Hehehe.

"Hello hija, its nice to meet you," nakangiting sabi nang Daddy n'ya at nakipagkamay sa 'kin pati narin ang asawa nito. Nakakahiya, nanlalamig ang kamay ko.

"Nice to meet you rin po," sabi ko sa kanila.

"Oh s'ya halika, sabay ka na sa aming kumain," nakangiting sabi nang Mommy n'ya.

"Thank you po Ma'am," sabi ko at umupo sa tabi ni Sam.

"Nah. Dahil kaibigan ka na ng anak ko, call me Tita." My gosh! Ang bait nga ng parents niya.

"And call me Tito. Pwede rin namang Daddy. Hahaha." Natawa na lang kami sa sinabi ni tito. May pagka-joker din pala ang Dad ni Sam.

"Okay na po ako sa Tito at Tita. Hehehe," sabi ko at kumain na rin.

"Kamusta naman itong anak ko?" tanong ni Tito.

"Okay naman po at napakabait po ng anak n'yo," sabi ko. Totoong mabait si Sam dahil kung hindi, hindi ko s'ya magiging kaibigan.

Natapos kaming kumain. Grabe ang sarap ng ulam nila. Busog na busog ako. Grabe.

"How's the food?" tanong ni Tita.

"Grabe po Tita, ang sarap," tuwang-tuwa kong sabi at natawa naman sila.

"Ahmm, baka gusto n'yo pong tikman 'tong pansit na dala ko?" sabi ko at kinuha ang pansit sa bag ko

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang