Chapter 32:THE HISTORY: Paumanhin

499 21 0
                                    

SONYA POV

Parang tinatamad akong mag-intindi ngayong araw. Paano kasi, iniisip ko 'yung kahapon. Kinakabahan ako kapag nalaman ni Donya Esmeralda. Tapos paalisin kami dito sa hacienda. 'Pag pinaalis  kami dito, saan na kami pupunta? Hayssss!!!

Nakakainis naman oh.

Ba't kasi tinarayan mo pa Sonya? Nakakainis ka.

Tsk! Ano na gagawin ko?

Kailangan kong humingi ng tawad doon, kung hindi masesermunan ako nina itay at ng mga kasamahan namin.

"Oh Ate, mukang wala ka sa mood  ngayong araw ah. 'Di ka nagpapatugtog. Nakakapanibago." Napatingin naman ako kay Romel.

"'Wag mo na lang akong pansinin. Sige na mag intindi ka na," utos ko sa kanya. Aalis na sana s'ya ng lumingon uli s'ya.

"Ate, alam mo na ba na nandiyan na ang anak ni Donya Esmeralda?" Bigla naman akong napatayo sa sinabi niyang iyon.

"Oh ate napano ka? Para kang nakakita ng multo," nagtatakang tanong niya sa akin.

"Wala, wala," sabi ko. Nakakainis naman kasi. Bakit naisipan n'ya pang itanong iyon?

Pinilit kong alisin ang mga iyon sa isipan ko at ginawa na ang mga dapat kong gawin. Ngunit kahit anong gawin ko matamlay pa rin ako.

"Oh anak, napano ka? Bakit mukang matamlay ka?" tanong inay ng nasa hapagkainan na kami.

"Wala po inay. Masama lang po ang pakiramdam ko," sabi ko at walang ganang kumain. Ewan ko, ang laki ng epekto sa akin noong nangyari kahapon. Ayaw ko naman kasing maghirap ang pamilya ko kung sakaling paalisin kami ni Donya Esmeralda kapag nalaman n'ya 'yung kahapon. Alam kong mabaut si Donya Esmeralda, pero iba pa rin mag-isip ang mayayaman.

"Kung ganun, magpahinga ka na lang muna dito. Huwag ka na munang sumama sa bukid," sabi naman ni itay.

"Hindi ho itay. Kaya ko naman po," sagot ko.

"Naku, dito ka na lang baka kung mapano ka pa," sabat ni inay. Wala na akong nagawa kaya naiwan akong mag isa dito sa bahay. Wala rin naman na akong gagawin dahil tinapos ko na.

Lumabas ako ng bahay dala ang aking gitara na pamana pa sa akin ng aking lola bago siya mawala. Nagpunta ako sa tabing ilog at doon tumugtog.

[Strumming of guitar]

"Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito
'Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sayo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sinta

Ba't 'di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasa
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sayo

Saan nga ba patungo,
Nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo
Ba't 'di pa sabihin
Ang hindi mo maamin
Ipa-uubaya na lang ba 'to sa hangin
Huwag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako at nakikinig sayo

Hooohh... hoooohh...
Hooohh... hoooohh...
Hooohh... hoooohh...
Hooohh... hoooohh...

Bat di papatulan ......

ohohohoh

Lalalala."

CLAP! CLAP!

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang