Chapter 8: Thank You

1.3K 58 2
                                    

SAM POV

Mamaya na ang uwi nina Mom at Dad and I'm so excited, ipapakilala ko sa kanila si Scar. Noong naka-usap ko sila ay gusto na nilang makilala si Scar. S'yempre, ngayon na lang ulit ako makakapagpakilala ng kaibigan sa kanila.

"Sam, ibigay mo ito don sa lalaking tumulong sa iyo," sabi ni yaya at binigay sa akin ang tupperware na may laman na leche flan. Sinabi ko na sa kanya ang nangyari sa akin at sobrang nag-alala s'ya pero sinabi ko na lang na okay na ako, which is true naman. Ayos naman na ang pakiramdam ko.

"Yaya 'wag na," sabi ko. Ayaw kong magbigay sa Sangganong 'yon. Nasusura ako sa pagmumuka nun kahit na s'ya pa ang tumulong sa 'kin.

"Ibigay mo iyan sa kanya at mag-thank you ka na rin," sabi nito.

"Yaya, mas lalong ayaw kong mag-thank you sa kanya. Baka nga kasabwat s'ya nang Andrea na 'yon at tinulungan lang ako para kunwari wala s'yang alam," reklamo ko sa kanya. Eh sa ayaw ko talaga eh.

"Ibigay mo 'yan kahit 'di ka na mag-thank you. Pasalamat ka nga at tinulungan ka noon. Paano kung 'di ka nun tinulungan? May nangyari na sanang masama sa iyo," pagpipilit n'ya. Kinokonsensya pa talaga ako ni yaya eh. Pero tama rin naman.

Paano kung 'di ako tinulungan nang sangganong 'yon? Baka tigok na ako ngayon. Pero bakit naman kaya n'ya ako tinulungan?

"Ibigay mo iyan, hah? Kung ayaw mong sabihin ko sa parents mo ang nangyari," pagbabanta sa 'kin ni yaya. Nang blackmail pa talaga.

"Opo, ibibigay ko na po. Sige po alis na ako," sabi ko at nagkiss sa cheeks n'ya. Kinuha ko na ang ibibigay ko at ang bag ko.

"Mag-ingat ka," sabi ni yaya.

"Opo, bye," sabi ko at nagwave saka nagpunta sa car ko.

After many minutes ay nakarating na rin ako. Pinark ko na ang sasakyan at kinuha ang bag ko. Mamaya ko na lang ibibigay ang pinapabigay ni yaya. Pagpasok ko pa lamang ay biglang may nagsalita na sa speaker.

"CALLING FOR THE ATTENTION OF MS. SERVANDO AND HER FRIENDS AND MS. ASCARO, GO TO THE DEAN OFFICE NOW!" sabi dun sa speaker at inulit pa. Siguro about 'yon sa nangyari sa akin.

Pero teka! Sino naman nagsabi non? Baka si Scar. Mukang maki-kick out na ang feeling queen. Pumunta na ako sa Dean's office at pagpasok ko ay ako na lang pala ang wala. Ang sama-sama ng tingin ni Andrea sa akin habang naglalakad ako papalapit. Ngumisi ako sa kanya na lalong ikinalamukot ng muka nito. Ako naman n'ya ay natatakot nya ako sa pagtitig n'ya ng masama.

"Take a sit, Miss Ascaro," sabi nang Dean kaya umupo ako dun sa katapat ni Andrea na ang sama pa rin ng tingin sa 'kin. Ano bang kasalanan ko? Nandito din pala ang tatlong ugok. Ano naman ang ginagawa nitong mga ito dito?

"Miss Ascaro, totoo bang sina Ms. Servando ang may kagagawan ng nangyari sa iyo last week?" tanong ni Ma'am. Tumango naman ako dahil iyon ang totoo. Alangan namang nagsinungaling ako at mag-feeling mabait ako. Never!

"Opo Ma'am," sabi ko at tiningnan silang tatlo na pare-parehong nakatungo. Nasaan ang tapang ninyo ngayon?

"Miss Servando, why did you do that?" mahinahong tanong ni Ma'am pero mahahalata mo sa boses n'ya ang pagtitimpi.

"A-ahmmm, simula kasi nang dumating siya nagkagulo-gulo na ang buhay ko," naiinis na sabi n'ya.

What? 'Di ko naman s'ya ina-ano. Anong kinalaman ko sa buhay n'ya? Tsk! May sarili kaya akong buhay.

"Paanong nagkagulo-gulo?" takang tanong ni Ma'am.

"Kasi po lumalaban s'ya sa akin kaya ang ibang student hindi na ako sinusunod at tsaka napakalandi n'ya, lapit s'ya ng lapit kay King," sagot n'ya at napataas naman ang kilay ko. Iyon talaga ang dahilan niya? So pathetic.

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang