Chapter 46: Family Dinner

570 25 0
                                    

SAM POV

"Anak ready ka na ba?" tanong ni Mom sa labas ng kwarto ko.

"Malapit na po," sabi ko habang inayos ang pagkakainsert ng damit ko.

"Pwede bang pumasok?"

"Sige po"

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko at nakita ko si mom na ayos na ayos. Grabe parang pupunta s'ya ng party.

"Bakit 'yan ang suot mo?" kunot noong tanong niya.

"Bakit po? Okay naman ang suot ko ah," tanong ko. Okay lang naman ah. Komportbale naman ako at bagay naman sa akin.

"Wala ka bang dress diyan? Bakit 'di mo suotin iyong ibinigay ko sa inyong dress?" sabi n'ya kaya kunot noo akong tumingin sa kanya. Magdi-dinner lang naman kami ah.

"Okay naman ito Mom. Mas komportable ako dito," sagot ko pero hindi n'ya ako pinansin at nagpunta sa closet ko. Hinalwat n'ya iyon at kinuha ang isang black dress na binigay n'ya sa akin last week. Okay naman iyon pero parang 'di ako komportable. 3 inch ang taas n'ya sa tuhod at masyadong fit sa akin.

"Ito ang isuot mo dahil mas bagay ito sayo," sabi nya at inabot sa akin ang dress at saka ako itinulak papunta sa cr. Kahit nagtataka kay mom ay wala na akong nagawa kundi suutin iyon.

Agad naman s'yang napapalakpak ng makitang lumabas ako sa cr na suot ang dress. Tuwang tuwa s'ya.

"Oh 'diba? Mas bagay sa'yo, " tuwang tuwang sabi n'ya at pinaupo ako sa harap ng salamin saka inayusan ang buhok ko.

"Mom, family dinner lang naman ang pupuntahan natin, 'diba? Bakit kailangang ganito pa ang suot ko?" tanong ko sa kanya. Eh kasi family dinner lang 'yun pero ang suot namin parang pupunta sa isang party.

"Hayaan mo na. Sige na, tara na sa labas at hinihintay na tayo ng daddy mo," sabi ni mom at sabay na kaming lumabas ng bahay kung nasan si Dad na nakasandal sa kotse. Ang gwapo n'ya sa suot n'ya.

"Let's go, gorgeous ladies," nakangiti n'yang aya sa amin at pinagbuksan ako ng pinto. Nang  makapasok ako ay si Mom naman ang pinagbuksan n'ya. Sweet talaga ng daddy ko.

Sa isang fine restaurant kami nag dinner. Pagpasok pa lamang namin ay napakaganda na ng ambiance ng restaurant. Ang ganda dito.

Nakita ko naman si lola sa isang table at kumaway s'ya nang nakita kami. Nakaformal din s'ya. Ano bang meron? Family dinner ba talaga 'toh? Parang sobrang formal naman. 'Di naman ganito noong nakaraang nagdinner kami ah.

"Hello lola," bati ko may lola ng makalapit kami sa table at saka kiniss ko s'ya sa cheeks, gaya nang lagi kung ginagawa.

"You look so beautiful apo," nakangiting sabi nito at saka nakipagbeso kay na Mom at Dad.

"Thank you lola," sabi ko at naupo sa tabi niya. Bakit parang sobra ang upuan? May iba pa ba kaming kasama? Sino naman?

"Lola, bakit sobra po yata ang mga upuan? May iba pa po ba tayong kasama? Sino po?" sunod sunod kong tanong. Nginitian n'ya ako bago sumagot.

"Oo apo, may kasama pa tayo. 'Wag kang mag-alala, nakikilala mo din sila mamaya," nakangiting sabi niya. Parang may iba sa ngiti n'ya. Parang sobrang saya n'ya sa ngiting iyon. Tumango na lang ako at pinagmasdan ang buong lugar.

Pangmayaman talaga ang lugar na ito. Modern ang design ng restaurant. Malinis at maganda.

"Oh, ayan na pala sila," nakangiting sabi ni lola habang nakatingin sa entrance ng restaurant

Agad na sumilay ang kaba sa akin ng makita ko kung sino ang makakasama namin sa dinner.

Si Josh at ang pamilya n'ya. Takte naman oh. Hindi pa nga ako handang makita s'ya tapos dito ngayon makakasama namin sila sa dinner. Grabe nama.

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang