Chapter 26: Road Trip

688 28 0
                                    

SAM POV

Sobrang happy ko dahil natupad ang isang wish na matagal ko ng hinihiling. Nakita ko na ang isa sa mga bestfriend ko. Sana makita na rin sila. I miss them so much too.

Papunta na kami ng tagaytay and s'yempre, kasama na si Crys. Alangan namang 'di ko isama itong babaitang ito.

"Guys, pakilagay na lang ng maayos sa compartment ang mga gamit ninyo," sabi ko sa kanila. Sa tapat ng school kami nagkita-kita. 4: 00 a.m. pa lang at medyo inaantok pa kami. Kailangan kasi maaga kami dahil medyo may kalayuan, at tsaka para makapagpahinga pa kami bago magsimula ang party.

Medyo malungkot nga dahil hindi kami kompleto, hindi kasama si Axel. Pero it's okay lang dahil may reason naman siya kung bakit hindi siya nakasama, may next time pa naman.

"Naku Seth, pagkarami naman ng dala mo. Parang doon ka na titira," reklamo ni Scar. Totoo naman kasi. Dalawang maleta tapos isang malaking bag. Ewan ko kung anong dala niya at ganoon karami ang bag na dala.

"Pwede naman doon na ako tumira. Basta ba kasama ka," sagot ni Seth kaya napatigil kaming lahat lalo na si Scar.

"Yieeehhh!!!"

"Ikaw Seth ah. May itinatago ka palang pagtingin kay Scar," asar ko sa kanya.

"Oh ano, payag ka ba?" tanong ni Seth kay Scar at 'di man lang kami pinansin.

"Ewan ko sa iyo," nakakunot-noong sabi ni Scar at nagwalk out. Haha.

"Seth, may gusto ka talaga kay Scar?'' tanong ni Crys.

"Wala. Nagbibiro lang ako," sabi niya pero 'di makatingin sa amin at medyo napapangiti ng konti. 'Yong parang pinipigilang ngumiti dahil kinikilig.

"Talaga lang hah?" tanong ko pa.

"Oo naman, ano ba kayo? Tara na at baka tanghaliin pa tayo," sabi niya at isinara na ang compartment. Huli ka na Seth.

Nakasakay na kaming lahat sa van. 'Yong dalawang lalaki ay nasa likod. Tapos kami ay sa unahan tapos si Kuya Marvin. Medyo madilim pa kaya marami pa ang nakabukas na mga ilaw at sobrang ganda.

"Guyss laro tayo para hindi boring," sabi ni Scar.

"Sige, sige," pagsang-ayon naman nang dalawa sa huli kaya lumipat sila sa second row na upuan.

"What we gonna play?" tanong ni Crys. Eto talagang babaeng ito, tagal na tagal na sa Pinas pero hindi pa rin sanay magtagalog.

"Ahmmm.. wansapanataym," sagot ni Seth. What?! Pambata!

"What's that?" kunot-noong tanong ni Crys. Ay oo nga pala, laking ibang bansa.

"Ay, oo nga pala. 'Di mo alam 'yon kasi sa ibang bansa ka lumaki. Ganito kasi iyon, Edward paliwanag mo nga," sabi ni Seth. Akala ko ay s'ya na ang magpapaliwanag.

"Anong ako? Ikaw nagsuggest n'yan tapos akong pagpapaliwanagin mo," tanggi sa kanya ni Edward.

"Sige na nga, ganito kasi 'yon. Magkadikit ang mga palad nating lahat tapos habang kumankanta itatap mo ang palad ng katabi mo tapos 'yong katabi mo, itatap naman 'yung kamay ng isa n'ya pang katabi. Ganoon lang hanggang matapos ang kanta. Tapos kung sino ang huling ma-tap ay s'ya ang tatanungin natin ng letter, tapos kung kanino tatapat ang napiling letter, s'ya ang tatanungin natin at para may twist, Truth or dare na lang ang itatanong natin," paliwanag ni Seth.

"Hmmm, nice. I like it. Sige, iyon na lang laruin natin," pagsang-ayon ni Crys.

"Okay!"

Inayos namin ang mga bangko. Naiitupi kasi para maging higaan. Umupo kami ng paikot at nagsimula nang maglaro.

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang