Chapter 48: Suitors

571 27 0
                                    

SCAR POV



"🎵Your love is like river that flows down through my veins...i feel the chill inside.... your love is like sun that shines up my whole world...i feel the warmth inside.... your love🎵"






"Galing ah" nagulat ako ng may biglang nagsalita at tumabi sa akin. Grabe naman kasi itong lalaking ito bigla bigla na lang sumusulpot





"Nakakagulat ka naman Edward. Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya






"Sasabay sayong kumain. Ano pa ba?" Sagot nito at sinimulan na ngang kainin ang dala nyang pagkain. Nandito kasi kami sa may garden. Tahimik kasi dito kaya dito ako tumatambay. Pero ngayon ay sure akong magiging maingat ang lugar na ito dahil sa kasama kong ito






"Bakit? May iba pa ba akong pwede gawin dito, bukod sa kumain?" Ayan. Nagsisimula na naman syang mag ingay. Bakit kaya di nya kasama si Crys? Lagi itong nakabuntot dun eh






"Eh bakit hindi si Crys ang sabayan mong kumain? Tutal eh yun naman ang nililigawan mo" tanong ko sa kanya.







Oo tama kayo. Nililigawan nya si Crys at umamin sya pagkauwi namin galing sa Tagaytay. Ay sobrang push ang ginawa naming tatlo nina Josh at Seth para lang umamin ang lalaking toh. Torpe din kasi eh. Magkakaibigan nga sila






"Nauna na daw syang kumain kasi may gagawin pa sya" sagot nya. Oo nOk naman. Lahat naman kami ay busy na this past few days kasi malapit na ang graduation namin. Excited na nga akong magtrabaho eh. Excited na akong maging nurse. Hehehe






"Eh sila Josh at seth?"






"Ewan ko sa mga yun. Di ko makita eh. Nawala na parang bula" kibit balikat na sagot nito. Nasan kaya ang mga iyon?






"Sya nga pala, kamusta na mga suitors mo? May sasagutin ka na ba?...... Kung ako sayo, si Troy na lang sagutin mo, wag na si Seth babaero yun. Hahaha" tawa nyang sabi.








Oo tama uli kayo. Nililigawan ako nina Seth at Troy. Oh diba ang haha ng hair ko. Hahah
Magtethree weeks na nung umamin si Seth na may gusto rin sya sa akin at nagpaalam kung pwede nya akong ligawan at syempre pumayag ako. Gusto ko sin sya eh. Hahaha......
Eto namang si Troy na childhood bestfriend ko ay umamin din sa akin na matagal na daw talaga nya akong gusto. Bata pa lamang kami. At ang nakakaloka is.....umamin sya after na umamin sa akin si Seth. So, nakakaloka talaga yun. Yung feeling na sobrang ganda dahil may dalawang lalaking patay na patay sa akin. Hahaha






"Ok naman sila. Mababait naman. Sa ngayon is di ko muna iniisip kung sino sasagutin ko. Pag iisipan ko na lang after ng graduation natun" nakangiting sagot ko sa kanya. After na lang graduation, tutal three weeks na lang namn eh.






"Teka. May itatanong nga pala ako sayo. Totoo bang nanliligaw sa iyo iyang childhood bestfriend mo na iyan? Parang kelan lang sinabi mong matagal kayong di nagkita tapos ngayong nagkita kayo ilang months lang manliligaw na agad sayo"tanong nya






"Yun nga eh. Sinabi ko na sa kanya na may nanliligaw na sa akin at tsaka gusto ko rin yung nanliligaw sa akin. Pero sabi nya, pwede pa daw magbago yun tapos sya ang magustuhan ko kaya manliligaw sya sa ayaw at gusto ko. Kaya ayun wala na akong nagawa. Nagugulat nga ako dahil bigla na lang tatawag sa akin para mangulit na sagutin ko na daw sya o kaya wag ko bastedin ko daw si Seth. Ewan ko nga dun sa dalawang yun..... Laging tensyonado kapag magkaharap. Parang laging mag aaway" kwento ko sa kanya. Nahihiwagan na talaga ako dun sa dalawang lalaking yun. At etong si Troy naman eh hindi naman kami ganun katagal nagkasama kaya di akaling sasabihin nya na bat pa lang kami ay may gusto na sya sa akin at di lang daw gusto kundi mahal na daw nya ako. Grabe..... grabe talaga...






The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang