Chapter 4: T-shirt

1.1K 53 0
                                    

JOSH POV

NAKAKAINIS!!

Nabwibwisit talaga ako sa babaeng iyon. Inis na inis talaga ako sa kanya.

Dahil bored ako sa bahay, naisipan long magpunta sa mall NAMIN. Yes, sa amin. Ganun kami mayaman. Huwag na kayong mainggit. Mayaman din kayo. Gusto ko ng black t-shirt kaya nagtungo ako sa cloth section. Hindi ko alam kung naisip ko iying black t-shirt. Dala lang siguro ng pagka-bored at pagka-inis sa babaeng iyon.

Ayun!

Gotcha!!

Nahanap ko iyong gusto kong damit.

Hinawakan ko na ang napili kong damit at akmang hihilahin na nang may humila rin nito sa kabila. Bwisit naman. May kaagaw pa ako. 'Di ko s'ya nakikita dahil natatabunan siya nang damit. Kapantay ko lang kasi 'yong pinakang pinagsasabitan ng mga damit.

"Ahmm.. Kung sino ka man, akin itong damit na 'to," mahinahon kung sabi kahit naiinis ako. Sa dami ng pwedeng may kaagaw, dito pa talaga. Ang ganda pa naman nito.

"Sorry Mister, pero ako ang nauna rito," sabi ng nasa kabila. So, babae s'ya? Sa dami ng pwede kong maging kaagaw, babae pa talaga. Pero bakit naman niya bibilhin ang damit na ito, eh panlalaki naman ito.

Pero...

Her voice was familiar. I think I already heard that voice.

"Sorry Miss, pero ako talaga nauna dito," inis kong sabi habang 'di pa rin binibitawan ang damit. Hinihila n'ya ang damit kaya hinila ko rin. Ano s'ya, sinuswerte para hayaan ko na lang. No way! Akin 'to. Ang ganda pa naman. Bagay na bagay sa akin.

"Sinabi ng ako ang nauna dito, eh." Galit siya and she's familiar talaga. Parang si------- wait s'ya nga yata.

Pumunta ako dun sa kanya and tama nga ako, s'ya nga.

Si Samanthanga. What a small world? Siya pa talaga ang nakaagaw ko sa damit. Hindi yata talaga kami magkakasundo ng babaeng ito. At bakit naman sa daming mall ay dito pa niya napailing bumili.

"So, ikaw pala 'yan," sabi n'ya at hawak hawak ang damit, eh akin 'yon eh.

"Yeah, ako nga. Kaya akin na ang damit na 'yan dahil akin iyan," nakangising sabi ko habang nakalahad ng mga kamay. Akala niya ba ay hahayaan ko siya. Kung sa iba ah baka pwede pa pero siya, hindi ako papayag.

"Kung iyo ito, nasaan ang pangalan mo dito?" taas kilay na tanong niya habang tinitingnan ang damit na parang naghahanap ng pangalan. Siraulo din talaga ang babaeng ito. Kainis talaga.

"Sinabing akin 'yan eh. 'Di mo ba alam kung kanino ang mall na 'to?" inis kong tanong. Baka gusto n'ya pang ipamuka ko sa kaniya kung kaninong mall itong inaapakan n'ya.

"Wala akong pake kahit sa 'yo pa itong mall na ito, basta sa 'kin ang damit na ito," inis rin n'yang sabi. Marami na rin ang nanonood sa 'min.

'Uyy ang cute nilang mag jowa'

'Ang gwapo ni boy'

'Ang ganda ni girl kahit may pagkaboyish'

Humanda ka sa aking babae ka. Haha. Nakaisip ako ng kalokohan. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay n'ya. Kumunot noo n'ya pero nginitian ko lang s'ya. Be ready Samantha. Kunot noo pa rin at hindi maintindihan kung ano ang ginagawa ko.

"Sorry na love, kung gusto mo bibilhan kita uli n'yan kahit ilan pa ang gusto mo," paglalambing ko kunwari sa kanya at hinawakan ang kamay n'ya. Kumunot naman ang noo niya at hinihigit ang kamay n'ya pero 'di ko binibitawan. Nakakatawa ang hitsura n'ya. Natatawa na lang ako sa loob loob ko. Nakakasuka itong gumagawa ko. Mahawaan pa akong germs ng babaeng ito.

'Aww ang sweet naman ni boy'

'Sana ganyan din ang future bf ko kinikilig nilang sabi'

"Sorry na babe. Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo na ako," nakangusong sabi ko sa kanya. Bigla naman s'yang ngumiti. Ano kaya ang gagawin n'ya? Pero ang ganda ng ngiti n'ya. Nagulat ako ng hawakan n'ya ang magkabila kong pisngi. Hanep 'to ah. Nakisakay din s'ya sa trip ko. Galing. Tsk! Pilit na lang along ngumiti dahil naiinis na ako. Nakisakay siya sa trip ko.

"You don't have to do anything. You are forgiven," nakangiti n'yang sabi at kiniss ako sa pisngi. Oh my god!! My virgin cheeks! Pwe! Nasusulat na ako kaya pinilit ko na lang ngumiti. Nakakainis. Lumapit talaga ang labi niya sa pisngi ko. Baka nahawaan na ako ng germs niya.

'Yiehhh ang sweet ni ate girl'

Hinila niya ako at pumunta sa counter para bayaran ang damit tapos hinila niya uli ako papunta sa labas ng mall. Pagkalabas namin ay galit s'yang humarap sa akin.

"Galing mong umarte ah," nakangisi n'yang sabi pero halata ang pagkainis n'ya.

"Ako pa. Pero teka ba't mo ko hinalikan sa pisngi? Alam mo bang first ko 'yon? May gusto ka sa 'kin ano?" pang-aasar ko sa kanya. Totoo 'yun. Wala pang nakakakiss sa cheeks except my mom. Pero yak talaga. Kainis.

"Iyon na nga eh, first kiss ko rin 'yon sa cheeks ng lalaki kaya may kapalit 'yon," nakangisi n'yang sabi at lumapit. Ano na naman kaya ang gagawin ng babaeng ito?

"Arayyyyy!!!" Ang sakit non ab. Suntukin ba naman ako at tumakbo. Nakakadalwa ka ng babae ka ah. Bwisit. Gustong-gusto ko na siyang sapakin. Kakainis.

"BWISIT KANG BABAE KA!!! HUMANDA KA SA AKIN!!!" sigaw ko. Wala akong pake kung sino man ang nakarinig. Mall naman namin ito. Palabasin ko sila dito eh. Tumigil naman s'ya at humarap saka nagsalita.

"'WAG KANG MAG-ALALA MR. MERCADO, LAGI AKONG HANDA!!" nakangiti n'yang sigaw pabalik at sumakay sa kotse n'ya. Yaman ahhh. Pwe! Kakainis ang baaeng 'yun. Aggghhhhh!!!
Punta na lang ako kay na Seth. Bwisit na bwisit akong sumakay sa kotse ko.

"Uy dre, ano ginagawa mo rito?" tanong sa akin ni Seth matapos akong pagbuksan ng gate nila.

"Dito muna ako," inis kong sagot at pumasok na sa bahay nila. Feel at home lang.

"Uy dre, mukang bad mood ka ah," sabi ni Edward nang makita akong papasok. Nandito din pala ang gagong ito. Anong ginagawa niya dito?

"Anong nangyari diyan sa labi mo? Sinong sumuntok sa 'yo?" natatawang tanong ni Seth at hinawakan ang pisngi ko. Shit!

"Aray ko!" daing ko at tinabig ang kamay n'ya. Alam na masakit eh. "Penge ngang yelo."

"Wait lang dre," sabi ni Seth at pumunta sa kusina nila.

"Bakit nga nagkaganyan muka mo?" tanong ni Edward.

"'Yong bwisit na babaeng 'yon," inis na sabi ko at kinuha kay Seth iyong yelo at nilagay sa may labi ko. Kumukulo ang dugo ko sa kanya.

"Sinong babae?" takang tanong ni Seth.

"Sino pa ba? Tsk!" inis kong sabi.

"You mean si-----" natatawang sabi ni Seth.

"Oo nga. Nakakadalawa na s'ya," inis kong sabi. Bwisit kasi ang babaeng 'yon. Napakamalas n'ya sa buhay ko. Malas. Lahat ng malas ay nasa kaniya na.

"Bakit ka naman n'ya nasapak?" natatawang tanong ni Edward. Bwisit! Pinagtatawanan pa ako. Kinuwento ko sa kanila lahat ng nangyari kanina at ang dalawang walanghiya, tawa ng tawa kaya sinamaan ko sila ng tingin. Tumahimik naman sila at nagpipigil ng tawa.

"So anong plano mo?" tanong ni Seth na nagpipigil ng tawa.

"Humanda siya. Maling mali s'ya na kinalaban n'ya ako," sabi ko at ngumisi.

Lintik lang ang walang ganti.

Vote ang comment.

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang