Chapter 19: King and Queen of Royal Blue University

745 29 0
                                    

SAM POV

What happened earlier keeps on bothering me. I don't know what to do. It still flashing on my head.

"Claire, are you really okay?" Axel ask.

"Mm," isang tipid na sagot ang ibinigay ko sa kanya.

"Gentlemen, bring your partners in the dance floor because we will start to find our next King and Queen. Kung sino man ang matapatan ng spotlight ay sila ang hihiranging Queen and King. So give your most beautiful pose and smile," sabi nang emcee. Isa isa na ng nagpuntahan ang mga partner sa dance floor.

"Shall we," tanong sa akin ni Axel. Tumango na lang ako at pumunta na kami sa dance floor.

Marami akong naririnig ng mga partner na nag uusap. Halos lahat nga yata eh nag uusap kami lang ang hindi. 'Di ko alam. Parang....... ewan ko sa sarili ko. Nababaliw na ata ako.

"Okay ka lang ba talaga?" tanong uli ni Axel sa akin at kita sa muka niya ang pag aalala.

"Okay lang ako. Ano ka ba?" nakangiti kong sabi para ipakita na okay lang ako.

"Ang tamlay mo kasi simula pagkabalik mo galing sa pag-uusap ninyo ni Kaizer. May ginawa ba s'ya sayo? Sinaktan ka ba n'ya?" sunod sunod na tanong n'ya kaya naman natawa ako sa kanya. Ang o. A. kasi eh.

"Haha, okay lang talaga ako. May nalaman lang kasi ako," natatawa kong sabi. Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"Anong nalaman mo?" kunot noong tanong niya. Hahaha, ano bang problema n'ya.

"Hahah, wala lang 'yun. 'Wag mo nang pansinin," sabi ko at nawiwirduhan na ako sa kanya. Ano naman kong may nalaman ako? Kailangan alam n'ya? Ano s'ya magulang ko o   b-boyfriend ko?

"Anong nalaman mo? S'ya ba ang naglalagay ng chocolate sa locker mo?" tanong niya. Hah? Paano n'ya nalaman?









AXEL POV

"Anong nalaman mo? S'ya ba ang naglalagay ng chocolate sa locker mo?" tanong ko. 'Di ko alam kung bakit  ganun na lang ang reaksyon ko. Kita ko na nawiwirduhan na s'ya sa mga kinikilos ko. 'Di ko kasi mapigilan ang nararamdaman ko eh. Nag aalala ako.

"Pano mo nalaman?" kunot noong tanong n'ya. Patay tayo nito. Masyado na akong nagpadala sa emosyon ko. Anong sasabihin ko? Bilis. Isip.

"Ahm, O-ok ka lang ba talaga?" kinakabahang tanong ko. 'Wag ka nang magtanong pa uli tungkol dun. Pleaaassseee!!!

"Okay lang ako. Tinatanong ko kung paano mo nalaman 'yung tungkol sa locker ko?" tanong n'ya ulit. Hooh! Patay na 'ko neto.

"Ahmmmm, ano k------- yieehhhhh!!!!!!" 'Di ko na natapos ang sasabihin ko ng tumapat sa amin ang spotlight at nag tilian ang mga estudyanteng nandun.

'Sabi na nga ba at si king naman eh'

'Ang gwapo n'ya kasi'

'Ok na rin si Samantha. Maganda naman s'ya eh'

'Sana ako na lang si Samantha'

'Dapat dun tayo pumwesto sa huli'

'Sayang'

Marami pang bulungan ang naririnig namin. Napatungo naman s'ya dahil siguro ay nahihiya s'ya. Sanay na ako sa ganito dahil taon taon ay ako lagi ang napipili.

"Ngayong nahanap na natin kung sino ang bagong king and queen ng RBU, please leave the dance floor," sabi ng emcee kaya nagsialisan sila at tumugtog naman ang isang napakagandang music. Nagsimula na kaming sumayaw pero nakatungo lang s'ya.

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang