Chapter 21: Back to SJU

681 27 0
                                    

SAM POV

Ngayon na ang balik ko sa SJU. Ano kaya ang dadatnan ko dun? Siguro wala parin silang pakialam? Baka nga 'di nila alam na umalis ako dahil sa wala silang pakialam sa'kin.

Naghanda na ako ng sarili ko at sumakay na sa kotse. Nagdrive na ako papuntang school.

Huh! Hi SJU! Alam ko naman na wala silang pakialam kung nakabalik na ako dito. Hehehe.

Pumasok na ako sa loob. Marami paring nakakalat na estudyante dahil maaga pa naman para magsimula ang klase. Minsan may napapatingin sa akin pero umiiiwas din agad at saka nagbubulungan. Napapansin na ba nila ako?? Hahaha.

"Nandyan na pala si Samantha"

"Ay oo nga pala. Ngayon nga pala ang balik n'ya"

"Infairness gumanda s'ya"

"Baliw! Matagal ng maganda 'yan. 'Di lang napapansin dahil sa mukang mataray"

"Oo nga. Mas maganda pa s'yakay queen''

"Wag kang masyadong maingay baka may makarinig sa'yo"

"Bakit totoo naman ah. At tsaka masyado s'yang maarte."

"Queen daw pero 'di naman kagandahan"

Umalis lang ako nagkaroon na agad ng queen. Wat da!

Siguraduhin lang nila na maganda 'yan. Baka mas maganda pa ako. Hahahaha.

Pumunta muna ako sa office bago dumeritso sa room ko. Medyo late na ko dahil masyadong napatagal ang pag uusap namin ni Mam Santos.

Tok! Tok!

Binuksan naman ng isang babae ang pinto na si Mam Alyssa pala.

"Good morning mam," nakangiti kong sabi sa kanya at nagbow pa ng bahagya.

"Good morning Ms. Ascaro. Come in," nakangiting sabi ni mam.

"Thank you Mam," sabi mo at umupo na sa dati kong upuan.

"Kamusta naman ang pananatili mo sa RBU??" tanong ni Mam. Tumingin naman ako sa mga kaklase ko at nakatingin silang lahat sa akin. Nahihiya naman akong sumagot.

"Ok naman po mam," pilit ang ngiting sabi ko.

"Nagkaroon ka ba naman ng mga kaibigan doon?? 'Di naman ba natakot sila doon kagaya ng mga estudyante dito??" tanong ni Mam. Close kasi kami ni Mam.

"Meron naman po akong naging kaibigan Mam. At 'di naman sila natakot sa akin," sagot ko at kita naman ang pagkamangha sa muka nila.

"Ganun ba?? Maaari bang malaman ang pangalan ng mga kaibigan mo?" tanong ulit ni Mam. Wala naman sigurong masama kung sabihin ko sa kanila 'diba? Di naman nila kilala ang mga 'yun.

"Sina Scarlet Santos, Edward Forillo, Seth Aurillo at Josh Axel Mercado po,'' confident na sagot ko kay Mam.

"Omo! Talaga Sam? Kaibigan mo ang RBU Kings," tanong ng isa kong kaklase.  Kiala pa nila. Mali pala ako, sana pala 'di ko na lang sinabi.

"Oo," sagot ko sa kanila. Grabe kilala pala talaga sila hanggang dito.

"Yieehhh!! Samantha pwede bang mahingi ang number nila. Kahit number na lang ni Edward," sabi ng isa kong kaklase. Napangiwi naman ako sa mga sinasabi nila.

"Oh tama na 'yan. Ipagpatuloy na natin ang discussion," sabi ni mam at nagpatuloy na sa pagdi-discuss.

Natapos ang pang umagang subjects namin kaya eto ako ngayon ay naglalakad mag-isa papuntang canteen.

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang