Chapter 30: THE HISTORY

675 25 0
                                    

SAM POV

Hindi na kami bumalik dun sa party. Nagderitso na kami sa room namin.

Pagkarating doon ay agad akong napalit at humiga sa kama. 'Di ko mapigilang umiyak. Bakit kasi kailangan pang mangyari ito?

Alam n'yo ba 'yun? Ni wala man lang silang nabanggit na kahit ano sa akin. Tapos kanina ora mismo, sinabi nila na engage na ako. What dah!!!

"Tahan na Sammy"

'Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Kinabukasan ay parang masama ang pamiramdam ko. 'Yung pakiramdam na sobrang pagod mo kaya tinatamad ka nang gumawa.

Pero kailangan kong bumangon ngayon, kakausapin ko sina mom at lola. Kailangan kong maliwanagan sa bagay na ito. Mamaya pa namang hapon ang balik namin sa Manila.

Nag-intindi na ako. Mas nauna pa akong magising dun sa dalawa kaya naligo na ako. Paglabas ko ng cr ay gising na silang dalawa.

"Ok ka na?" tanong ni Scar.

"Medyo," maikling sagot ko.

"Okat. Hintay ka lang d'yan, magluluto ako ng agahan natin," sabi ni Scar

"'Wag na. Kayong dalawa na lang, aalis ako," sabi ko at tinapos ng ginagawa ko.

"Where are you going?" tanong ni Crys

"Pupuntahan ko sina lola. Kailangan kong maliwanagan sa lahat ng ito," sagot ko at umalis na.

Nagpunta ako sa kwarto ni lola.

Tok! Tok!

Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si lola.

"Alam kong pupunta ka dito," nakangiting sabi ni lola.

Pinapasok n'ya ako sa kwarto n'ya at may nakahanda ng pagkain na para bang sigurado s'yang pupunta ako dito.

"Lola," naiiyak kong tawag sa kanya.

"It's okay," sabi niya sakin.

"Bakit? Bakit kailangan gawin pa ito lola? 'Di ba pwedeng 'wag n'yo na lang tuparin 'yun?" tanong ko sa kanya na umiiyak.

"May ikukwento ako. Ikukwento ko sa'yo kung paano nagsimula ang lahat ng ito," sabi niya sa akin at nagsimula ng magkwento.




JOSH POV

"San punta mo dre?" tanong ni Seth nang makitang papalabas ako ng kwarto namin. Dito na kasi ako nakitulog sa kanila eh.

"Kay lolo," sagot ko.

"K. Kwento ka pagbalik mo, hahaha," sabi ni Seth.

'Di ko na s'ya pinansin at lumabas na ng kwarto at napatingin sa katapat na pinto.

'Di ko talga alam kung papaano ko s'ya haharapin matapos ng pangyayaring 'yun.

Pumunta na ako sa kwarto ni lolo.

"Sabi ko na nga ba at pupunta ka dito eh," nakangiting sabi niya at pinapasok ako.

"Lolo. Pwede bang 'wag na nating ituloy ang engagement?" tanong ko sa kanya.

"Alam ko na itatanong mo 'yan" sabi niya pa.

"Lolo. Oo, may gusto ako kay Claire pero ayokong maging kami sa ganitong paraan. Gusto kong maranasan n'ya na ligawan. Ihatid at sunduin sa school. 'Yung mga ganung bagay lo," sabi ko.

"Ganun ba? Mabuti naman pala at hindi na kayo mahihirapan sa isat isa. Alam mo ikukwento ko sa'yo kung paano nagsimula ang lahat," sabi niya at nagsimula nang magkwento.



















The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang