Chapter 41:THE HISTORY: Ang Lihim

308 19 0
                                    

SONYA POV

Ilang buwan na rin naming itinatago ang tungkol sa amin ni Amado.

Palihim kaming nagkikita ni Amado sa tabing ilog at sa punong mangga.

Hanggang ngayon ay 'di ko pa rin nasasabi kay inay at itay ang tungkol sa amin. 'Di ko alam kung papaano ko sasabihin.

"Masaya ka ba? Kahit na palihim lamang itong atin?" tanong ni Amado sa akin habang hinahaplos ang aking buhok. Narito kami sa tabing ilog.

"Oo naman. Bakit mo naman naitanong?" tanong ko rin sa kanya.

"Wala naman. Gusto ko lamang malaman ang iyong sagot. 'Wag kang mag-alala hahanap ako ng t'yempo para masabi kay ina ang tungkol sa atin. Pagkatapos sasabihin na natin sa mga magulang mo," nakangiting sabi nito kaya napaharap ako sa kanya.

"Talaga? Salamat, mahal ko," sabi ko at niyakap siya ng mahigpit. Ginantihan din naman niya ang yakap na iyon.

Nagpatuloy kami sa masaya naming pagkukuwentuhan. Ramdam ko talaga ang pagmamahal n'ya sa akin dahil araw araw n'ya iyong pinararamdam sa akin.

"Mukang nagkakasiyahan kayong dalawa dito hah." Nagulat kami sa nagsalita kaya pareho kaming napalingon dito.

Hindi ko inaasahan ang ganitong tagpo. Hindi pa ako handa.

Narito si Donya Esmeralda. Makikita ang galit sa kanyang muka.

"Dito pala ang inyong tagpuan. Sa tabing ilog," sarkastikang sabi nito.

"Ina," sabi ni Amado. Mahahalata sa boses niya na siya ay kinakabahan. Hindi talaga namin inaasahan na ganito kaaga malalaman ni Donya Esmeralda ang tungkol sa amin.

"Ano ito Amado?" galit na tanong niya at tiningnan ako na parang sinusuri. Sa 'di malamang dahilan nakaramdam ako ng panliliit sa sarili ko.

"Ina, hayaan mo kaming magpaliwanag," pagmamakawa n'ya sa ina.

"'Diba sinabi ko na sa'yo, na ayoko sa babaeng tagarito hah. Pero ano itong nakikita ko? Gaano na katagal ito?" galit na tanong niya.

"Mag-aapat na buwan na po" nakatungo niyang  sabi.  Nakatungo na rin ako at 'di makatingin kay Donya Esmeralda.

"Mag-aapat na buwan na, pero 'di n'yo man lang pinaalam sa akin," galit paring sabi n'ya.

"Sasabihin din naman po namin. Humahanap lang kami ng t'yempo," sagot ni Amado.

"Humahanap ng t'yempo," bakas ang pagiging sarkastika niya.

"Ikaw babae, nag aaral ka ba?" taas kilay na tanong niya sa akin.

"H-hindi na po," nakatungo kong sabi sa kanya.

"Huh!? Ito ba ang ipapakilala mong kasintahan Amado? Hindi man lang nakapagtapos ng pag aaral." Lalo akong nanliit dahil doon.

"Ina, 'wag mo namang pagsalitaan ng ganyan si Sonya," inis na sabi ni Amado.

"At bakit hindi? S'ya na mismo ang nagsabing hindi na s'ya nakakapag-aral. 'Diba sinabi ko sa iyong ayoko sa mga babaeng tagarito lalo na at hindi nakapag-aral. Anong kinabukasan ang meron kayo?" mataray na tanong nito.

"Mawalang galang na po, ngunit ngayong taon lamang po ako tumigil sa pag-aaral at babalik na rin sa susunod na pasukan. Nag-iipon lamang po ako para sa aking matrikula." Ako na ang sumagot dahil may namumuo ng konting inis sa loob ko.

"Nag-iipon?! Baka naman kaya babalik ka na sa pag-aaral dahil ang anak ko ang mag-papaaral sa'yo. Gagamitin mo ang pera n'ya para makapag-aral ka at pagkatapos na makuha ang gusto mo iiwan mo ang anak ko," patuloy na panliliit nito sa akin kaya 'di ko na napigilan ang sarili.

"Mawalang galang na ho ulit Donya Esmeralda, ngunit hindi ho ako ganung klaseng babae. Bago ko pa ho makilala ang anak n'yo ay may plano na akong bumalik sa pag-aaral. At mahal na mahal ko ang anak n'yo kaya hindi ko gagawin ang mga bagay na iyon," nanginginig na sabi ko sa kanya. Pinipilit ko na lamang na huwag maiyak dahil ayokong makita nila iyon.

"Kung mahal mo ang anak ko, dapat tinapos mo muna ang pag-aaral mo para naman may maipapakita ka sa akin at baka sakaling tanggapin kita bilang kasintahan ng anak ko. Amado, hinawalayan mo ang babaeng ito. Hinding hindi ko siya matatanggap para sa iyo," galit na sabi nito kay Amado.

"Mahal ko siya ina. Mahal na mahal at hindi makakapayag na paghiwalayin mo kami ng ganun ganun lang," galit ding sabi ni Amado. Salamat Amado.

"Hihiwalayan mo ang babaeng ito Amado, hindi ako magdadalawang-isip na pahirapan s'ya at ibalik ka sa Espanya," galit na sabi nito at umalis.

Nasapo naman ni Amado ang noo at hinang hinang umupo. Niyakap ko naman s'ya at 'di ko napigilan ang luha ko na tumulo.

"Tahan na. 'Di ko papayagan si ina na gawin iyon sa inyo," sabi nito at niyakap din ako.

"Mahal na mahal kita Amado"

"Mahal na mahal din kita"

Pilit ko man sabihin sa sarili ko na lalaban ako, ngunit 'di mawala sa akin ang kaba na pilit kong inaalis. Kinakabahan. Natatakot sa kung anong pwedeng gawin ni Donya Esmeralda.

Vote and comment.

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang