Chapter 35: THE HISTORY: Sayaw

310 15 0
                                    

AMADO POV

Ngayon na ang kaarawan ni ina at lahat ng nandirito ay abalang abala sa pag-iintindi para sa pagdiriwang na ito.

"Maligayang kaarawan aking ina," nakangiti kong bati sa kanya pagkapasok ko sa kanyang silid.

"Maraming salamat anak," nakangiti ring sagot nito at niyakap ako.

"Narito ang aking regalo sa iyo," sabi ko at iniabot ang isang bagay na nakabalot sa isang magandang sisidlan.

"Maraming salamat. Halika na sa baba at malapit ng magsimula ang pagdiriwang"

Bumaba na kami. Marami na ring bisita si ina.

"Halika at ipakikilalala kita sa gobernador," sabi n'ya at lumapit kami sa isang kumpol ng mga tao.

"Magandang araw sa inyo," bati ng aking ina kaya napalingon naman sa amin ang mga taong iyon.

"Oh! Maligayang kaarawan Donya Esmeralda," bati ng isang may katandaang lalaki. Nagsibatian na rin ang iba pang naroon.

"Maraming salamat," nakangiting sabi ni ina. Ako namay naglilinga linga nagbabasakaling makita ko siya.

"Lalo kang gumanda Donya Esmeralda," bati naman ng isang babae na mga nasa 30's na.

"Naku! Maraming salamat. S'ya nga pala, ito ang aking anak na si Amado," pagpapakilala sa akin ni ina.

"Magandang araw Ginoong Amado. Ako si Simon Mendoza ang gobernador at ito naman ang aking asawa na si Emilia," pagpapakilala rin niya at nakipagkamay sa akin. Nagbeso naman ang babae. Nagpakilala na rin ang iba na pareparehong may katungkulan sa bayan.

"Kami ay aalis na muna upang makita ang iba pang bisita. Magsaya kayo. Maraming pagkain riyan," sabi ni ina at umalis na nga kami roon. Tumitingin parin ako sa paligid nagbabakasakaling makita s'ya.

"Sige, maligayang kaarawan muli," ulit ng gobernador.

Ipinakilala ako ni ina sa mga iba pang mga bisita. Nakailang ikot na kami ay hindi ko pa rin s'ya nakikita.

Pinukpok naman ni ina ng mahina ang baso upang makuha ang atensyon ng lahat na narito.

"Magandang araw sa inyong lahat. Ako'y nagpapasalamat sa inyong pagdalo sa pagdiriwang na ito ng aking kaarawan. Maraming salamat sa mga panauhing pandangal. Ngayong araw na rin ito ay ipinakikilala ko sa inyo ang aking anak na si Amado," masayang sabi niya. Ngumiti naman ako sa harap nilang lahat.

Kahit saan ako tumingin ay hindi ko s'ya makita kahit ang babaeng kasama n'ya kahapon. Medyo nawala ang ngiti sa aking mga labi.

Naging masaya ang pagdiriwang ng kaarawan ni ina. Ang lahat ay masaya. Maraming regalong natanggap si ina mula sa kanyang mga bisita.

Kinagabihan naman ay may sayawang magaganap kaya lahat ng kadalagahan at mga binata ay narito. Dito na rin sa aming tahanan ginanap iyon. At sa wakas ay nakita ko na rin s'ya. Nasa gilid lamang siya. Hindi s'ya nakaupo sa mga upuan kung naroon ang iba pang mga kadalagahan. Naroon rin naman ang kanyang kaibigan. Nakita ko lang nilapitan siya ng isang binatilyo na maaaring kanyang kapatid dahil kahawig niya ito.

Nagsimula na ang sayawan. Maraming mga binata ang kumuha ng kanilang mga kapareha.

Hinarap ko naman si ina

"Maaari ba kitang isayaw magandang Binibini?" nakangiting tanong ko kay ina habang nakalahad ang aking kamay. Ngumiti naman siya at iniabot ang kamay.

Nagsayaw na kami kasama ng iba pang mga binata at dalaga.

"Napakaganda mo ngayon ina," sabi ko sa kanya na ikinangiti n'ya ng todo.

"Nakailang beses ko na iyang narinig, ngunit ang sa iyo ang pinakanagustuhan ko," nakangiti n'yang sagot. Natawa naman ako sa sinabi niya.

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang