Chapter 40:THE HISTORY: Sonya Marcos

280 19 0
                                    

SONYA POV

"Mga anak halikayo at tayo'y magkwentuhan dito," tawag sa amin nina inay at itay. Naroon sila sa aming bakuran sa may puno kung nasaan ang munting kubo na aming pahingahan.

"Sige ho itay. Kaytagal na nga nating hindi nagagawa ang ganito," sagot ko at umupo ng maayos. Inilapag naman ni Leandro ang kamoteng dala niya.

"Ano bang kwento ang gusto ninyo?" tanong ni inay sa amin habang kumakain kami ng kamote.

"Ikwento n'yo na lang inay, itay kung papaano kayo nagkakilala," sagot ni bunso.

"Oo nga po inay, itay," pagsang-ayon naman naming dalawa ni Leandro.

"Sige, makinig kayong mabuti," nakangiting sabi ni inay.

"Nagkakilala kami ng inyong inay ng dumalo ako sa kaarawan ng aking kaibigan. Napakaganda niya noong gabing iyon kaya't nakuha agad niya ang aking atensyon," ngiting ngiting kwento ni itay.

"Naku naman, nambola ka pa," sagot naman ni inay.

"Si inay, kinikilig," panunukso namin kay inay.

"Ay naku. Itutuloy na ng inyong itay ang kwento," sabi ni inay sa amin. Ipinagpatuloy nga ng itay  ang pagkukuwento nya sa amin.

"Kaya kayo mga anak, piliin n'yo ang tunay ninyong mahal. Kung mahal n'yo ang isang tao, ipaglaban n'yo sila. Maigi ng makasama ninyo ang tunay ninyong minamahal kesa naman habangbuhay ninyong pagsisihan," pangangaral ni inay. Tama si inay, alam kung mahal na mahal ako ni Amado at ganun rin naman ako sa kanya kaya ipaglalaban ko ang nararamdaman ko, ang pagmamahalan namin.

"Tama po kayo itay, ngunit hindi pa namin iniisip 'yan ni bunso, ewan na lang kay Ate," sabi ni Leandro kaya napatingin naman silang lahat sa akin.

"Ikaw anak may napupusuan ka na ba?" seryosong tanong ni itay sa akin. Hindi naman agad ako nakaimik dahil dun. Paano ko sasabihin sa kanila, natatakot ako.

"Ahmmmm...." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Anak, kung meron man ay dapat sinasabi mo sa amin ng matulungan ka namin. Baka may mga bagay nanalilito ka. Kung alam namin maaari ka naming tulungan,"sabi ni itay sa akin.

"Sige po itay," pilit ang ngiting sabi ko. Ngunit hindi pa ako handang sabihin ngayon.

Masaya naming ipinagpatuloy ang aming pagkukuwentuhan. Kung saan saan na kami nakarating sa aming pagkukuwentuhan. Napakasaya ko na kahit papaano ay may nasabi sina inay at itay kahit hindi pa nila alam ang tungkol sa amin ni Amado.

Tama sila. Maigi ng makasama ko ang taong mahal ko kesa pagsisihan ko habang buhay. Mahal ko si Amado kaya kailangan ipaglaban ko itong nararamdaman ko.

Vote and comment.

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang