Chapter 20: Bonding

759 30 1
                                    

SCAR POV

Ngayon ang pangalawang beses na magkikita-kita kami nina Sam at noong tatlong sanggano. Sa monday ay pasukan na uli at 'di na sa RBU papasok si Sam. Babalik na s'ya sa dati n'yang school. Nakakalungkot nga, pero sabi ni Sam, kahit sa ibang school na s'ya pumapasok ay magkaibigan pa rin kami at pwede pa rin daw akong pumunta sa bahay nila. Bait n'ya, 'no?

"Nay, Tay, alis na po ako," sabi ko at nagmano sa kanila.

"Oh sige, mag-ingat ka. Umuwi agad. 'Wag magpapa-abot ng gabi sa daan," paalala pa ni Inay.

"Opo," sabi ko at umalis na. Sumakay na ako ng tricycle at nagpahatid sa mall kung saan kami pumunta noong nakaraan.

Chinat ko na sila bago pa ako makarating sa mall. May group chat kaming lima na ginawa ni Seth.

HALF DEMON👿HALF ANGEL👼

'Yan ang pangalang ng group chat namin. At 'di ko alam kung bakit 'yan ang pangalan. Pauso kasi nang Seth na 'yon.

Scar
     Nasan na kayo???

Sam
     Nandito na ako Scar. Ikaw? Nasan ka na?

Scar
     Papunta pa lang diyan.
     Nand'yan na ba sila?

Sam
     Wala pa.

Scar
      Ano????? Bakit wala pa sila eh anong oras na oh. 'Pag nalate 'yang mga 'yan lagot sila sa akin.

Seth
     Grabe ka naman. 'Wag kang mag-alala, 'di ako malelate.

Scar
    Nasan ka na ba? Hah?

Seth
    Nasa bahay. Maliligo pa lang. Hehehe.

Scar
    Ano???

Sam
    What????
     Ayusin mo Seth.
     Kanina pa ako dito naghihintay. Halos isang oras na tapos sasabihin mong maliligo ka pa lang!!!!

Seth
     Chill lang Sam. Hehe.
     At tsaka bakit ba ako lang ang minamadali n'yo?? Bakit, nand'yan na 'yung dalawa???

Edward
    Oo Dre! Kakapasok ko lang ng mall.

Josh
    On the way na.

Scar
    Ikaw na lang talaga.
    Ano bang ginawa mo at late ka na hah??

Seth
    Wala naman!!! Hehehe.
     Nanood lang ako. Hehe.

Scar
     'Yan, diyan ka magaling.
      Bilisan mo na diyan.
     At 'pag nalate ka talaga, lagot ka sa akin.
      Bwisit ka talaga. Panira!!!!

Seth
     Chill lang! Eto na nga oh, maliligo na. 'Wag n'yo kasi akong i-chat para makaligo na ako.

Edward
     Bilisan mo na Dre. Nandito na kami lahat.

Josh
     May consequence ka 'pag nalate ka ng tuluyan.

Seth
      Oy! Oy! Wala tayong usapang ganyan.

Edward
       Bahala ka. It's your choice.

"Nakakainis naman ang lalaking 'yon," inis kong sabi sa kanila. Nakakairita kasi.

"Hayaan n'yo na. Lagi namang ganoon 'yon kapag may lakad kami. Lagi naman s'yang late," sabi ni Edward sa amin.

"Anong oras na oh. 'Di  na natin masusulit ang maghapong ito," inis na sabi ko habang tumitingin sa relo ko.

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang