Prolouge

2.3K 84 0
                                    

HER POV

Isang malakas na ingay na nagmumula sa aking alarm clock ang nakapagpabulabog sa aking pagtulog. Antok na antok pa ako pero wala akong magawa kundi ang bumangon. Kung hindi ako babangon ay male-late na ako sa school.

Kakainis dahil inaantok pa talaga ako. Kung anong oras na kasi ako nakatulog kagabi dahil nanood ako ng movie. Kahit may pasok na ngayon, I can't stop myself to watch the movie last night. Sobrang ganda naman kasi ng movie.

"Good morning Yaya," masayang bati ko kay Yaya at humalik sa kaniyang pisngi. Inihanda ni Yaya ang aking agahan.

"Good morning din. Oh s'ya, kumain ka na baka mahuli ka pa sa klase mo."

Kumain ako mag-isa habang si Yaya ay nagpunta sa likod ng mansion para simulan na ang paglalaba. Matagal na rin simula ng huli kong nakasama sina Mommy at Daddy sa hapag-kainan. Magtatatlong buwan na simula ng umalis sila kaya naman sobra ko na silang namimiss. Nagpunta sila ng London para ayusin ang mga kailangan sa pinapatayo nilang hospital. Minsan ay naiiyak na lang ako dahil hindi ko sila nakakasama, maging kaibigan kasi ay wala ako. Tanging si Yaya lang ang nakakasama ko sa araw-araw.

"Bye Yaya. Alis na po ako. Baka ma-late na po ako," paalam ko at muling humalik sa kaniyang pisngi. Nakasanayan ko na iyong gawin tuwing aalis ako ng mansion. Sa kaniya ko ginagawa ang mga bagay na dapat sa parents ko ginagawa kung nandito sila.

Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa aking black Lamborghini na regalo ni Dad noong birthday ko.

After few minutes ay nakarating na ako sa labas ng university. Pinark ko na agad ang car ko dahil malapit na akong malate. Halos tumakbo na ako para hindi lang malate. Hindi na talaga ako uulit sa sunod. I'll never watch a movie again when there's a class the next day.

Papasok na sana ako sa room ng isang announcement ang aking narinig.

"CALLING FOR THE ATTENTION OF MISS SAMANTHA CLAIRE ASCARO, PLEASE PROCEED TO THE DEAN OFFICE NOW!"

I almost run because I thought I will be late. Tapos papapuntahin rin lang pala ako sa Dean's office. Napabuntong-hininga na lang at iiling-iling na nagtungo sa Dean's office.

Pero teka, bakit naman ako pinapapunta sa Dean's office? Wala naman akong natatandaang ginawang mali. And first day pa lang ng second sem.

Baka paalisin na ako dito sa University dahil.... dahil bawal ang loner. Napatawa na lang ako sa naiisip ko. Para akong baliw dahil tumatawa ako kahit wala naman akong kasama. Ako lang mag-isa ang naglalakad dito sa hallway dahil nasa classroom na lahat ng students.

Pumunta na lang ako sa Dean's office kahit wala akong kaalam-alam kung bakit ako pinatawag. Nang makarating ay kumatok ako dahil hindi naman ako bastos na estudyante para pumasok na lang ng basta-basta.

"Come in," dinig kong sagot ng nasa loob. Pumasok ako sa loob. Doon ay naabutan ko ang Dean namin na naroon sa kaniyang desk. Napatingin ito sa akin ng pumasok ako. Ngumiti siya at inalis ang kaniyang salamin.

"Good morning Ma'am," bati ko sa Dean namin.

"Good morning din. Please have a sit," nakangiti nitong turan. Umupo naman ako.

"Dederitsahin na kita. Pinapunta ko ikaw dito upang sabihin sa iyo na ikaw ang napili nami na maging exchange student sa Royal Blue University," masayang sabi nito. Nagulat ako sa sinabi ni Dean. Nakaawang ang aking bibig dahil sa gulat.

Totoo? Walang halong biro?

"P-poh?" 'Di ako makapaniwala sa narinig ko. Totoo ba 'yon?

"Don't worry, lahat ng kailangan mo ay sagot ng University natin. And, your parents already agreed on this. We already get their permission," nakangiting sabi niya. Nagulat na naman ako. Alam na ng parents ko? Nauna pa nilang nalaman bago ako. Pero hindi naman sinabi nina Mommy at Daddy sa akin noong nag-skype kami noong nakaraan.

"Bakit po ako? I mean, ang dami naman pong estudyante dito pero ako pa po iyong napili n'yo," takang tanong ko sa kaniya. Ngumiti muna s'ya bago nagsalita. Sa dami ng students dito ako pa ang napili nila.

"Ikaw ang napili namin dahil matalino ka at you're a brave girl. You are really suitable for this."

Napangiti ako sa sinabi ni Ma'am. Nagpapasalamat ako sa kanila because they appreciate me.

"Pumapayag ka ba Miss Ascaro?" tanong ni Ma'am. Papayag ba ako?

"Sige po Ma'am. I'm happy po because you choose me and trust my ability," nakangiting sabi ko. Isang malaking opportunity nito para sa akin. Maganda ito kasi malaki ang maitutulong nito para sa akong clearance lalo na at graduating na ako. At isa pa, maganda din ito dahil makaka-meet ako ng mga bagong students. And siguro, baka sa school na iyon na ako magkaroon ng kaibigan.

"Okay. Then, were settled. Thank you so much Miss Ascaro for this. You can now go home, then tomorrow we will go to Royal Blue University."

"Bukas na po agad?" gulat na tanong ko. Grabe naman, bukas agad.

"Yes. Two months ka doon. Kaya sa acquaintance ay doon ka na. Pagbalik mo dito ay sa next year na."

Okay lang. Hindi naman ako uma-attend ng acquaintance eh. I prefer reading my books than to attend a party like that.

Nagpaalam na ako at lumabas na. Dahil wala naman akong gagawin ay magmo-mall na lang ako. Yeah, yeah. Napatango-tango ko dahil sa naisip ko. What a brilliant idea?

Nagpunta na ako ng mall. Naglibot ako, nagpunta sa arcade at naglaro doon. Hindi naman ako nagshopping dahil ayaw kong gumastos ng pera. Sayang kasi at isa pa, wala naman akong bibilhin. Tanghali na ng umuwi ako ng bahay.

Pagkarinig ko sa bahay ay naabutan ko si Yaya na naglilinis ng salas. Napakasipag talaga ni Yaya. Malinis naman ang salas pero nililinis pa rin niya.

"Bakit napaaga yata ang uwi mo? Mamaya pa 'di ba ang uwian n'yo?" tanong ni yaya na pagkapasok ko ng pinto. Patuloy pa rin siya sa pagwawalis.

"Pinauwi na po ako ng Dean para makapagpahinga dahil bukas ay lilipat po ako ng school. Ako po kasi ang napili nila para maging exchange student," inaantok kong sabi at sumalampak sa sofa. Napagod ako kakalaro kanina kaya gusto kong matulog.

"Ganoon ba? Saan naman jyang paglilipatan mo? Makakauwi ka pa rin ba dito?" sunod-sunod niyang tanong at naupo na sa tabi ko.

"Opo. Sa RBU po lang po 'yon kaya makakauwi pa rin naman po ako dito. Sige po Ya, tulog po muna ako," sabi ko at naghikab.

"Sige, gigisingin na lang kita kapag kakain na," sabi nito. Tumango na lang ako at pumunta na ako sa kwarto ko. Makatulog na nga. Panibagong araw bukas, panibagong mundo.

Vote and comment.

The Bully meet the Amazona (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang