CHAPTER 2

5.8K 90 6
                                    

IKALAWANG araw ng pasukan at hindi parin nawawala ang excitement ko.

Wag ko nga lang talagang makita ang pagmumukha ng asungot na Lance na yon.

Kung hindi inis ay takot at kaba ang nararamdaman ko sa tuwing naroon siya.

Muntik na akong atakehin kahapon sa puso ng dahil sa kagagawan niya.

Napagkamalan ko pa siyang psychotic o bampira dahil sa ayos niya kahapon at lalo na sa titig niya sakin na kulang nalang ay lamunin ako ng buhay.

Napaka-weird niya talaga! Ano naman kayang 'pinagdadaanan' niya ang sinasabi ni Aiah?

Ano bang pakialam mo don, Cat?!

Napabuntong hininga nalang ako habang tinatahak ang parking lot.

Paano ko naman siya maiiwasang makita gayong iisa lang kami ng classroom na pinapasukan?

Nakarating ako sa pinakadulo ng parking at pinuntahan ang paborito kong spot. Malilim doon dahil may malaking puno ang nakatayo, sakto upang hindi mainitan ang aking sasakyan.

Bago lang ito kaya naman iniingatan ko. Regalo ito sa akin ni Dad noong birthday ko. Dahil daw iyon sa senior high school na ako at maaari na akong mag-drive mag-isa.

Kaya ganoon nalang din kabagal ang pagpapatakbo ko dahil ilang buwan palang akong nagdadrive ng sariling sasakyan.

Swerte naman ako nang makitang may isa pang espasyo sa pwestong iyon ng parking.

Iyon nga lang, medyo hirap akong ilagay roon ang aking sasakyan. Kailangan kong umikot para paatras kong ipapasok ang sasakyan.

Napangiwi nalang ako dahil natagalan ako roon. Kailangang sakto ang pagpasok ko dahil kung hindi ay magagasgasan ko ang mga nakaparadang kotse doon.

Nairita ako nang mali ang pagpasok ko at muntik nang matamaan ang side mirror ng isang sasakyan. Kaya umabante muli ako palabas.

Pero ganon nalang ang gulat ko nang bigla nalang sumulpot ang pamilyar na kulay asul na kotse. Mabilis itong nakapasok sa espasyong dapat ay sa akin!

Uminit bigla ang ulo ko at tinadtad siya ng busina. Pero parang wala itong narinig loob hanggang sa paglabas nito ng kanyang sasakyan.

Pakiramdam ko ay tumaas bigla ang dugo ko sa ulo nang makitang umalis ito at naglakad na parang walang nangyari.

Mabilis akong bumaba ng aking sasakyan. Umuusok ang ilong kong sinugod ang lalaki.

"Hoy! Bakit mo ko inagawan ng space! Hindi mo ba nakitang nag-sisignal ako?!" Sigaw ko habang sinusundan siya. Pero parang wala itong naririnig at patuloy lang sa paglalakad. "Hoy! Kinakausap kita!" Mabilis akong naglakad hanggang sa maabutan ko siya. I grabbed his arm to face me.

"Aish!" asik niya at nilingon ako. "Don't touch me!"

Ganon nalang ang gulat ko nang mapagtantong siya na naman. Bakit ba palagi nalang kaming nagkikita? At sa mga ganito pang eksena talaga?

He just furrowed his brows, obviously pissed. Pero hindi ako nagpatalo. Taas noo kong pinakita ang inis ko sa kanya. Napaka-walang modo niya!

Tumawa ako ng mapakla at pinamaywangan siya.

"Kaya naman pala... Ikaw na naman!" sigaw ko. "Bakit ba palagi mo nalang sinisira ang araw ko ha? Napakayabang mo porke ba apo ka ng may-ari ng school na to?!"

"Tch! Ingay mo." He hissed. At bigla nalang akong tinalikuran.

"Hey, you!" I shouted again and followed him. "Hindi pa tayo tapos---"

ANNOYINGLY, BEAUTIFUL Where stories live. Discover now