CHAPTER 33

9 0 0
                                    

“JR, I TOLD YOU NOT TO RUN.”

Saway ni Molly sa kanyang anak na kinarga ni Lance.

“Hays, itong batang ‘to talaga.” Bumaling siya sa’ kin at bigla na lang nagulat na naroon pala ako. “Oh my God! Cat!”

Pilit akong napangiti. Napakaganda niya parin. Hindi halatang nanggaling sa panganganak.

“OMG, Cat, I missed you.” Tuwang tuwa niya akong niyakap. “Kumusta na?” tanong niya nang magkahiwalay kami.

“I’m good. Ikaw kumusta? M-Mukha namang masaya ka na sa bago mong pamilya.”

“Of course, my heart is so full of happiness. Dito pa lang sa anak ko, sobrang kompleto na ang buhay ko.” Matamis ang ngiting sabi niya habang nakatingin sa anak. Mas malaki ang hawig nito sa kanya kumpara kay Lance.

Hindi ko naman alam kung sa kanya rin ba nakuha ang kulay ng buhok ng bata since pareho silang blonde.

Maliban doon ay wala na akong makitang resemblance ni Lance. O baka bitter lang ako noh? Tsk.

“Dada, toys!”

Napatingin kami sa anak nilang tinuro ang Toys Store na nasa tapat lang namin.

Agad naman siyang dinala doon ni Lance at hinayaang mamili ng gusto nito.

“Bakit nga pala JR ang pangalan ng anak niyo?” biglang curious na tanong ko.

“Ah, Junior ka si yan. Sinunod ko sa pangalan ng Dad niya.”

Tumango na lang ako at napatingin kay Lance na halatang malambing sa anak nila.

Napabuntong hininga ako nang bumigat ang pakiramdam ko habang pinagmamasdan silang mag-ama.

Tuloy ay naisip ko, what if hindi nangyari ang lahat ng iyon? What if hindi siya nagka-amnesia? E’di sana kami ang nakabuo ng pamilya.

“You have a perfect family, Molly.” Mapait akong ngumiti sa kanya. “Congrats.”

Agad naman siyang ngumiti. “Thanks Cat.” Tinanaw niya ang kanyang asawa at anak. “Saglit lang, Cat ha.” Paalam niya bago lumapit sa mga ito. Bahagya niyang pinalo ang braso ni Lance. “You’re spoiling him.” Saway niya.

Natawa lang si Lance saka ginulo ang buhok ng kanilang anak.

Hindi ko na nakayanan pa ang tagpong iyon kaya naman binalingan ko ang mga pinamili kong itinabi ni Lance.

Lumapit ako sa mga iyon at sinubukang bitbitin.

Pero sa sobrang bigat niyon ay parang matatanggal ang braso ko.

Pinilit ko muli iyong bitbitin. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko nang maramdamang nagbabadya ang luha ko.

“Ano ka ba, Cat? Kaya mo yan. Wag kang pabebe.” Bulong ko habang kinakalma ang sarili.

Huminga ako ng malalim bago muling sinubukang bitbitin ang mga plastic.

God. Sobrang bigat!

“Hey…” natigilan ako nang dumating si Lance.  “What are you doing?” kunot noo niyang tanong.

“Um, mauuna na sana ako sayo kaso…s-sobrang bigat pala.”

Napabuntong hininga siya. “Ako na ang bahala.” Aniya at walang kahirap hirap na binitbit ang mga pinamili ko.

“Wait, p-pano sina Molly?” tanong ko.

“They’re fine, may kasama sila pagpunta dito.” Sabi lang niya.

Pagtingin ko sa likod ay wala na sina Molly at ang anak nila.

"Bakit mo sila iniwan?" salubong ang kilay na tanong ko.

ANNOYINGLY, BEAUTIFUL Where stories live. Discover now