CHAPTER 36

10 0 0
                                    

WARNING: MATURE CONTENT/SPG/R-18

ILANG linggo ang lumipas. Malawak na kaagad ang naisagawang construction. By next two to three months ay siguradong matatapos na ang ground area ng hotel.

I rarely visit the site. Pumupunta lamang ako doon para tingnan kung walang problema sa disenyo ng hotel o may nakalimutang mga detayle ang mga worker.

About Lance? Sinisikap kong hindi siya makita at makasalubong sa site. Lalo na't mayroon siyang sariling opisina doon. Inaalam ko muna kung naroon siya at kung wala siya ay saka lamang ako pumupunta doon.

Ilang beses niya akong tinawagan, pero kahit alin man doon ay hindi ko sinagot.

Tama lang naman iyon. Ayukong sirain ang nabuo niyang pamilya nang dahil lamang sa nararamdaman naming dalawa.

Naalala ko ang huling sinabi niya. Totoo kayang mahal na niya ako. I mean, alam kong minahal niya ako, noon iyon, noong hindi pa nabubura ang kanya alaala. Pero ngayon, totoo kayang nanumbalik ang pagmamahal niya sakin?

Kung totoo man iyon, paano si Molly? Paano ang anak nila?

Kaya tama lang na itinigil ko na ang ugnayan namin ni Lance kahit na kapalit niyon ang masaktan muli ako.

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko nga namalayang nakatulala na ako.

Nang mahimasmasan ay ipinagpatuloy ko muli ang aking pagtatrabaho.

Maya maya ay tumunog ang aking cellphone.

Nagtaka lang ako dahil unregistered number iyon.

"Hello?"

"Hi, Cat. It's Molly."

Saglit akong natigilan. Bahagya akong kinabahan. "M-Molly, kumusta?"

"I'm good, thanks. How 'bout you? Matagal narin tayong hindi nagkita pagkatapos nung sa mall."

Base sa tono niya ay mukhang hindi naman siya galit sa'kin kaya nakahinga ako ng maluwag. Ang akala ko kasi ay kukomprontahin niya ako.

"I'm fine, thanks." sagot ko.

"By the way, I just called to invite you to my son's birthday party at our house. He's turning four tomorrow."

Matagal bago ako nakasagot. Hindi ba parang awkward ang pumunta sa birthday party ng anak ng taong mahal mo.

"Don't worry, Lance will also come. Mas maganda narin na sabay na kayo pagpunta dito dahil hindi mo pa naman alam ang bahay namin."

Ano bang sinasabi niya? Natural lang naman na pupunta si Lance dahil anak niya ang may birthday, di'ba?

"U-Uhmm, Molly. Pag-iisipan ko pa kung makakapunta ako. Medyo busy kasi ako these days."

"Come on, Cat. I will not take no for an answer."

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi niya ba alam na iniiwasan ko ang asawa niya.

Ni hindi niya alam na nagsex kami ng asawa niya. Oh God, ang sama sama kong babae.

"S-Sige, pupunta na ako."

"Thanks Cat. Sayang nga eh, dapat kinuha kita noon na ninang ng anak ko."

"A-Ah ganun ba. Pero teka, san mo nga pala nakuha ang number ko?"

"Saan pa ba? Edi kay Lance. Malungkot nga eh, ano bang ginawa mo dun?" natatawang sabi niya na ikinatigil ko. "May problema ba kayo? Ayaw mo daw siyang kausapin eh."

Napalunok na lang ako.

"W-Wala, busy lang ako. Sige na Molly, rush kasi tong ginagawa ko kaya kailangan kong matapos ngayon." palusot ko.

ANNOYINGLY, BEAUTIFUL Where stories live. Discover now