CHAPTER 8

10 0 0
                                    

THE program just kept going. May sumayaw at kumanta. Maya maya ay kumuha kami ng pagkain ni Lance. Sabay namin iyong kinain. Minsan sinusubuan niya ako ng pagkain niya sa plato.

Ilang sandali lang ay nagsalita muli ang dalawang emcee.

"Okay ladies and gentlemen, maya maya ay maghahanap na kami ng magiging faces of the night at ia-annouce namin iyon bago magtapos ang party. But before that, pwede na kayong sumayaw sa gitna upang isayaw ang mga nais ninyong makasayaw. The music to be played are all love song. So enjoy the party!"

Maya maya ay tumayo si Lance na hawak parin ang kamay ko. "Babe, let's dance?"

Nakangiti naman akong tumango at tumayo narin. Hinila niya ako sa gitna kaya medyo nahiya ako dahil samin nakatuon ang tingin ng mga naroon. Sumunod narin sina Tom at Aiah at tumabi sa amin. Panay ang daldal ni Aiah at tawa lang ng tawa si Tom.

Inilagay ni Lance ang mga kamay ko sa balikat niya. At ang kamay naman niya ay nakayakap sa beywang ko. Hindi parin nasanay ang katawan ko sa tuwing hahawakan niya ako. Ramdam ko parin ang kuryenteng dumadaloy doon.

"You're so beautiful tonight, babe." He whispered softly and pulled me closer kaya konti nalang at magkayakap na kami.

Tumingala ako sa kanya. "Paulit ulit ka." I said laughing.

"Cause I can't take my eyes off you." Matamis na ngiting sabi niya. "And for me, you are the most beautiful woman here."

Natatawang umirap ako. "Sus, bolero."

"I'm telling the truth, babe."

"Pano mo nasabing ako ang pinakamaganda dito ngayon, tiningnan mo ba ang lahat ng babae dito? Tsk"

He chuckled. "Hindi, nasayo lang naman ang buong atensyon ko." Hinawi niya ang buhok ko at isinabit iyon sa tenga ko. "Can I kiss you?"

Natigilan ako. "H-Here?" I asked.

Nakangiti siyang tumango. Pinamulahan naman ako dahil sa hiya. "N-Nakakahiya..."

"Ikinakahiya mo ako, babe." Nakasimangot niyang sabi.

"H-Hindi ikaw, yung halikan mo ako dito sa gitna ng maraming nanonood, yun ang nakakahiya."

"Tch! Sige, sa cheek nalang."

Hindi na niya ako hinintay na sumagot at basta nalang akong hinalikan sa pisngi. At akala ko tapos na, nahigit ko ang hininga ko nang dampian niya ako ng halik sa labi.

Umugong ang mga bulungan at tukso sa amin doon.

Pinalo ko siya sa braso at napasubsob sa kanyang dibdib dahil sa sobrang hiya. "Kainis ka!" Angil ko. "Tara na nga." Akma akong kakalas pero mas lalo niya lang akong niyakap.

"Di pa naman tapos ang tugtog, babe."

Sinuksok niya pa ang ulo niya sa leeg ko at naramdaman ko ang mainit na hininga niya kaya hindi ko napigilang mapalunok.

"B-Baka makita tayo ni Chairman..."

"It's okay.."

Napabuntong hininga nalang ako. Hanggang sa natapos ang tugtog kaya nakahinga ako ng maluwag.

Nakayuko akong naglakad pabalik sa table namin.

Maya maya, muling nagsalita ang emcee.

"Ladies and gentlemen, we can now announce the faces of the night. To our first pair who will receive a sash and trophy...congratulations to... Mr. Thomas John Beltran and Ms. Dannaiah Queen Gomez.."

Agad kong pinalakpakan sina Aiah na tumayo at pumunta sa stage. Pagkatapos nilang tanggapin ang premyo ay bumalik sila sa pwesto namin.

"Congrats Aiah and Tom."

ANNOYINGLY, BEAUTIFUL Where stories live. Discover now