NANG gumabi ay naghanda na kami para sa birthday ng Mommy ni Lance. Simpleng dress lang ang isinuot ko dahil hindi naman ako ang may birthday para maghanda ng sobra.Nahiya naman ako bigla nang maalala kong hindi nga pala ako nakabili ng ire-regalo para sa Mommy niya. Kakamadali namin ay nawala sa isip ko.
Naandon kaming lahat sa isang restaurant na ni-reserve na para sa kaarawan ni Tita Mallory. Marami rami rin kaming naroon. Maliban sa pamilya niya ay naroon ang lahat ng kanyang mga kaibigan.
Dahil nahihiya ako ay sinamahan pa ako ni Lance para batiin siya.
"Happy Birthday po tita.." Nakangiting bati ko.
"Thank you, Catalina.." Aniya saka ako niyakap.
"Pasensya na po kayo tita, hindi po ako nakabili ng gift para sayo. Nawala po sa utak ko kakamadali namin pagpunta dito."
"Ano ka ba, it's alright. Ang mahalaga ay narito ka at pinaunlakan ang imbitasyon ko."
Napangiti naman ako. Maya maya ay hinila na ako ni Lance sa mesa kung saan naroon ang mga kaibigan namin.
Maya maya lang ay nagsimula na ang okasyon. Marami sa mga kaibigan niya ang naghandog ng kanta para sa kanya.
"Go Mommy!!" Sigaw ni Aiah nang ang kanyang Mommy na ang pumunta sa unahan at kumanta.
Ang Daddy naman ni Randy ang tumutugtog ng gitara at meron ding nagpi-piano.
"Sino yung nagpi-piano?" Bulong kong tanong kay Aiah na nasa kaliwa ko.
"Si Tito Markus yan, kuya ni Tita Lory."
"Ahh.."
Maya maya ay nagsimula nang kumanta ang Mommy ni Aiah.
'When I'm lost, in the rain, in your eyes.
I know I'll find the light to light my way.'
I TURN TO YOU by Christina Aguilera
Agad siyang pinalakpakan ng mga taong naroon.
"Grabe, ang galing pala ng Mommy mo kumanta.." Di ko napigilang sabihin kay Aiah. "Ikaw? Marunong karin bang kumanta?"
"Konti..."Sagot niya. "Pero di ganun kagaling katulad ni Mommy.
Sunod na pumunta sa unahan ang isang lalaking may edad na.
"Sino naman yan?"
"Si ninong Erik, kaibigan din yan nina Mommy at tita Lory. Sobrang ganda ng boses niyan.."
Hindi nga siya nagsisinungaling dahil napakaganda nga ng boses niya. Lalaking lalaki ang boses nito.
'Sometimes in our lives we all have pain
We all have sorrow
But if we are wise
We know that there's always tomorrow'
'Lean on me, when you're not strong
And I'll be your friend
LEAN ON ME by Bill Withers
Pagkatapos niyon ay nagsipalakpakan muli ang mga tao.
Mas lalong naghiyawan ang mga naroon nang ang Daddy na ni Lance ang pumunta sa unahan.
"Wooooh! Go pare!" Sigaw ng Daddy ni Tom. "Para maka-score mamaya bwahahaha!"
"Gago!" Natatawang asik ng Daddy ni Lance. Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Ahh, I dedicated this special song to my one and only, beautiful and lovely wife." Nakatingin lang siya sa kanyang asawa. "I want you to know that even when we get older. Pumuti man ang buhok natin. You're still my love. I love you my love.." Malambing na turan ni Tito Laurenz at umugong naman ang hiyawan at tilian ng mga naroon.
VOCÊ ESTÁ LENDO
ANNOYINGLY, BEAUTIFUL
Romance[COMPLETED✅) She's very annoying... Annoying but still...beautiful.