CHAPTER 34

10 0 0
                                    

WARNING: MATURE CONTENT/ R-18/ SPG

“IHATID na kaya kita?” alok ni Rex nang tumawag siya. Pupuntahan kasi namin nina Marie at Lance ang site kung saan itatayo ang hotel ni Marie.

“No, hindi na Rex. Salamat na lang.” tanggi ko. “Ayukong magdrive ka pa ng ganoon kalayo para lang ihatid ako.”

“Okay lang sa'kin ‘yon Shae, basta ikaw.”

Napabuntong hininga ako. “Rex, wag nang makulit, okay. I'll use my car to go there. Salamat na lang.”

Siya naman ang napabuntong hininga. “Tsk, fine.” Halatang nagtatampo siya. “Hindi naman ito ang unang beses na tinatanggihan mo’ko.”

Umikot lang ang mata ko. “Andyan ka na naman, If you think magbabago ang isip ko, you’re wrong. Bawi na lang ako sa’yo next time okay?”

“As if I have a choice.”

“Rex naman, ngayon lang naman ako ulit humindi sa'yo eh di’ba?”

“Tsk, oo na.” sagot niya. “I’ll keep that promise, kaya siguraduhin mo lang na tutuparin mo.”

I rolled my eyes again.

“Oo nga, I promise. Sige na, bye na.”

Napabuntong hininga muli ako matapos ibaba ang tawag.

Pagkatapos niyon ay naligo na ako at nagbihis para sa pag-alis.

Lalabas na sana ako sa unit ko nang makatanggap ako ng tawag.

Napakunot ang noo ko nang malamang si Lance ‘yon.

“Hello?”

“I’m on my way there.”

Nagulat ako. “Wait, what?”

“Susunduin kita.”

“But why---.” Nagsalubong ang kilay ko. “Hello?” pinutol na niya ang tawag.

Napabuntong hininga na lang ako.

Hindi ko parin nakakalimutan ang ginawa niya nung gabing iyon.

Awtomatikong napahawak ako sa labi ko.

Bakit niya ako hinalikan?

Napapikit ako nang mariin. Hindi na dapat mangyari muli iyon.

Pareho kaming nagkakasala kay Molly.

Hindi ko kailanman nai-imagine na magiging kabit ako.

Lumabas na ako ng unit ko at nagtungo sa elevator.

Pagkababa ko ay sakto namang pagdating ng kotse ni Lance. Simpleng  white V-neck shirt at maong pants lang iyon pero napakalakas parin ng dating niya.

“Let’s go?” aniya nang makalapit sakin.

“Um, hindi na, Lance. May kotse naman ako eh.” Nag-iwas agad ako ng tingin nang titigan niya ako.

Palagi kasing sa labi niya nakakarating ang tingin ko. Pagkatapos ng nangyari nung gabing iyon ay hindi ko na matagalang tingnan siya.

“No, we'll go there together.” He insisted.

My brows furrowed. Ba’t ba ang kulit niya?

Napabuntong hininga ako.

“Lance, I already told Rex na wag niya na akong ihatid..”

“So?” nakataas ang kilay niya.

Natigilan ako.

Parang bumalik siya sa pagiging masungit niya lalo pa’t narinig niya ang pangalan ni Rex.

ANNOYINGLY, BEAUTIFUL Where stories live. Discover now