CHAPTER 22

10 0 0
                                    


HINDI na ako nagpaligoy-ligoy pa. Agad akong pumasok sa bahay at sumakay sa kotse ko.

Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko patungo sa bahay nina Lance. Madilim na nang ako ay makarating.

"Oh, hija.." Ang Daddy ni Lance ang una kong nabungaran.

"Good evening po, Tito. Si Lance po?"

"Good evening din. Pasok ka." Aniya at pumasok naman ako. "Nasa kwarto niya. Mukhang wala na naman sa mood."

"Pwede ko po ba siyang makausap?"

"Oo naman, puntahan mo nalang siya sa kwarto niya."

Nakangiti akong tumango. "Thank you po, Tito.."

Agad akong umakyat patungo sa tapat ng kwarto ni Lance. Huminga muna ako ng malalim bago magsimulang kumatok. Wala akong marinig na sagot mula sa loob. Kumatok muli ako, wala parin. Ikatlo at ikaapat na katok ay wala talaga.

"Lance..." Mahinahong tawag ko. "I'm going in.." Paalam ko bago binuksan ang pinto dahil hindi naman ito naka-lock.

Pagpasok ko ay nakita kong nakahiga ng patagilid si Lance, ginawang unan ang isang braso at nakatalikod sa gawi ko.

Naglakad ako palapit sa kanya at umupo sa kanyang kama.

Hindi naman ganun katagal nang umalis siya kanina. Nakasuot na siya ng sando at pajama. Halatang katatapos niya lang maligo kaya alam kong hindi pa siya tulog.

"Lance..." Tawag ko sa kanya. Sadyang nilambingan ko iyon para lingunin niya ako pero hindi nangyari yon. Napabuntong hininga ako saka mas lalo pang inilapit ang sarili sa kanya. Hinawakan ko ang braso niya at bahagyang niyugyog. "Lance, I'm sorry.."

Marahas siyang tumihaya at masamang tumingin sakin. "Sorry for what? Na nanlalaki ka habang wala ako. At ang pinsan ko pa talaga?" Halos magpantay ang kilay niya sa pagkakasalubong nito.

Napanguso ako. "Hindi ako nanlalaki." Tanggol ko sa sarili ko. "Mas lalong hindi ko lalaki si Randy."

Pinandilatan niya ako. Tumagilid muli siya ng higa. Yung nakaharap sakin habang nakatukod ang siko sa kama at nakapatong ang mukha sa kanyang kamao.

"Hindi ka nanlalaki pero nagpahalik ka naman." tiim bagang aniya na pinanlakihan ko ng mata.

"H-Hindi ko naman alam na hahalikan niya ako sa pisngi. Nagulat din ako nang gawin niya iyon. I told him na hindi na mauulit yung paglabas naman dahil ayukong magalit ka.."

He smirked. "Alam mo naman palang magagalit ako pag nalaman kong magkasama kayo pero nagawa mo paring makipag-date."

Sumimangot ako at hinaplos ang pisngi niya. "Hindi naman date yon eh.."

Umismid siya at hinawi ang kamay kong nasa pisngi niya. Tumalim ang tingin niya.

"Sinabihan na kitang wag makikipag-date sa pinsan kong yon dahil alam kong may gusto yon sayo."

Inis akong tumingin sa kanya. "Hindi nga date yon."

"Kayo lang dalawa? Kumain sa labas? Anong tawag don? Hindi ba't date yon?!"

"Oo na!" Humalukipkip ako. "Ako na ang mali! Nagawa ko lang naman yon dahil nainis ako sayo kahapon.."

"At bakit ka naman nainis sakin?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Pagkatapos nang mga nangyari sa Cebu, nakabalik na tayo lahat lahat, hindi mo man lang ako tinawagan o tenext man lang. Hindi mo ako sinusundo sa bahay. Hindi mo rin ako pinuntahan sa building ko at sinamahang kumain. Tuloy nagduda ako sayo. Hindi kana kasi nagpapakita sakin.."

ANNOYINGLY, BEAUTIFUL Where stories live. Discover now