CHAPTER 16

9 0 0
                                    

IT was so hard but I was still able to tell him those words.

Wala na kami. Sa wakas, makakalaya na rin ako sa isang relasyong walang ginawa kundi ang ako ay saktan. Relasyong walang idinulot sakin kundi kaba, takot at pagdududa na ano mang oras ay pwede niya akong iwanan.

Pero hindi ko mapigilang manghinayang at manlumo. Hindi ko parin inaasahang hanggang dito nalang kami.

Ginusto ng utak ko at katawan kong makipaghiwalay sa kanya dahil napapagod na ako pero kalaban ko ang puso ko. Mahal na mahal ko si Lance. Isinugal ko ang pag-ibig ko at inialay sa kanya ng buong buo.

Bumagsak ang luha ko nang makalabas ako sa restaurant. Napatuon ako sa mga tuhod ko dahil pakiramdam ko ay nanghihina ako.

Napahagulgol ako at napahawak sa aking dibdib dahil sa totoo lang ay di ko siya kayang iwan. Hindi ko gustong makipaghiwalay sa kanya.

Pero sa tingin ko ay ito lang ang paraan para hindi na ako mahirapan pang mag-isip palagi sa sitwasyon ng aming relasyon.

"Babe!" Nagpatuloy na akong naglakad nang marinig ang pagtawag niya sakin.

Naglakad ako sa kalsada para mag-para nang taxi nang hawakan niya ako sa braso.

"Babe, b-bawiin mo yung sinabi mo please..." Naluluhang sabi niya at pinigilan ko ang sariling maawa sa kanya. Sa loob loob ko ay nanlalambot ang puso kong makita siyang umiiyak. "Babe patawarin mo na ako. Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako. Gagawin ko lahat wag lang to, babe. Don't give up on me please.."

Pilit kong inaagaw ang braso ko sa kanya. "No Lance, wala na tayo. Pinapalaya na kita. Pwede mo nang gawin ang lahat ng gusto mo. Wala nang pipigil sayo, wala nang magagalit sayo at higit sa lahat..." Mapait akong ngumiti. "...Wala nang maghihintay sayo."

"No.." Mariing tanggi niya saka ako mahigpit na niyakap. "Ayuko. Hindi ako papayag. Cat please, give me another chance." Garalgal ang boses niya.

"Para saan pa!" Buong lakas ko siyang tinulak. "Chance? I already gave you a chance. At kanina lang yon hindi ba? Pero mukhang nakalimutan mo na agad wala pang limang oras! Nangako kang hindi kana lalapit don sa ex mo. Tapos nalaman ko nalang na kasama mo nanaman siya. At ito pa ang matindi, idinahilan mo pang may emergency para lang makapunta ka don sa ex mo!"

"Babe, totoong emergency yon. Nagsasabi ako sayo ng totoo. I just told you that I'll explain when I get back, cause it's about Molly. Hindi ko agad sayo sinabing si Molly yon dahil alam kong hindi ka papayag. Pero Cat, Molly needed me at that time. Nahiwa niya ang daliri niya kaya humingi siya ng tulong sakin."

Natawa naman ako ng mapakla. "Yon ba ang sinasabi mong emergency? Nahiwa ang daliri? Bakit? Lumabas ba ang bituka niya roon? Tumigil ba ang pagtibok ng puso niya? Mamamatay ba siya dahil lang don?" nanginig ang mga labi ko sa sobrang galit. Pakiramdam ko ay sasabog ako. "Ang sabihin mo gusto kalang niyang masolo at ikaw naman tong madaling mauto ng ex mo!"

"Babe, hindi niya kayang gamutin ang sarili niya. T-Takot siya sa dugo---."

"That's bullshit!" Nanggagalaiting sigaw ko. "You and your stupid reasons! Nasugatan lang sa daliri yang ex-girlfriend mo, kinalimutan mo nang may girlfriend kang parang tangang naghihintay sayo!"

Muli akong napahagulgol.

"Babe..." Umiiyak na samo niya.

Umiling ako. "Minsan talaga naiisip ko nalang kung mahal mo ba talaga ako---ah no, kung minahal mo nga ba talaga ako?"

"M-Mahal kita, Cat.."

Umiling ako at mapait na ngumiti. "Pero hindi ko na maramdaman yon ngayon. Kung noon, umaasa parin ako at pilit pinararamdam sa sarili ko na mahal mo rin ako kahit na pakiramdam kong may hinihintay kang ibang tao. Pero nang bumalik yang ex mo. Nawala ang pag-asang natitira sa puso ko."

ANNOYINGLY, BEAUTIFUL Where stories live. Discover now