CHAPTER 40

10 0 0
                                    

ABOT langit ang ligaya ko nang malaman kong bumalik na ang lahat ng alaala ni Lance. Pareho ko silang minahal, ang Lance noon at ngayon, pero 'di maikakailang hinahanap ko parin ang Lance noon.

Kaya naman ngayon ay masaya akong pareho naming inaalala ang mga magagandang memories namin noon.

"Anong gagawin natin dito, Babe?" takang tanong ko nang pumasok ang sasakyan namin sa UE, ang unibersidad kung saan kami unang nagkakilala at nagmahalan.

"Secret…" nakangising turan niya.

Nang makapasok na kami sa campus ay hinila niya pa ako papunta sa dulo ng field.

Napangiti na lang ako nang matanaw ko na ang malaking puno. Iyon ang dati naming tagpuan.

Nagulat naman ako nang makita si Latrell doon na nakaupo. Doon ko lang napansin ang nakalatag na inihanda ni Lance para samin.

Napatingin na lang ako kay Lance at saglit na isinandal ang ulo sa kanyang balikat.

Pero natatawa ako kay Latrell dahil sa itsura nito. Nakasimangot at halatang kanina pa nababagot.

"Ang tagal niyo!" reklamo niyang tumayo na.

"Tch!" asik ni Lance at akmang babatokan ang kapatid.

Padabog itong lumayo sa kanyang kuya. "Bakit kasi dito niyo pa naisipang pumunta?"

"Because it's our place. Senior high pa lang kami ay dito na kami pumupunta." rason ni Lance.

Umismid lang ang kapatid niya at iniwan na kami.

"Bakit parang ayaw niya dito?" takang tanong ko kay Lance.

Napabuntong hininga siya. "He has a lot of memories here with someone."

"Ah yung fiancée niya?"

Umiling lang siya kaya napakunot noo ako.

"Tch. Don't mind him. Nandito tayo para magdate."

Ngumiti na lang ako. Hinila na niya ako palapit sa mga inihanda niya.

Kinuha niya ang isang bungkos ng bulaklak at ibinigay sa akin.

"For you, babe.

"Thanks, babe."

Naupo na kami sa damuhan at sumandig sa katawan ng malaking puno.

Kinuha niya ang isang bote ng wine at nagsalin sa dalawang kopeta. Pagkatapos ay ibinigyan niya ako at sa kanya naman ang isa.

"Cheers, babe." aniyang inilapit ang wine glass sa akin.

"Cheers.." tugon ko at ibinunggo ang sariling kopeta sa kanya.

Sabay naming ininom ang laman niyon.

"Before anything else…" aniya saka ibinaba ang kanyang wine. Niyaya niya akong tumayo kaya kahit nagtataka ay sumunod parin ako. Hinawakan niya ang parehong kamay ko at inilapat sa pareho niyang pisngi kaya napangiti ako. "We've been through a lot of struggles and pain. But our love still remains. I believe it's because we are truly for each other, forever."

Ewan ko ba pero kinakabahan ako habang sinasabi niya iyon. Iyon bang positibong kaba.

"And I think it's time for us to seal it…"

Napakunot noo ako nang makarinig ng tugtog mula sa building. Kaya naman napalingon ako.

Doon ko nakita ang mga estudyanteng nakadungaw sa kanikanilang terasa.

Tumutugtog ang emosyonal na kanta.

'Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw

Ang iniisip-isip ko

ANNOYINGLY, BEAUTIFUL Where stories live. Discover now