CHAPTER 38

6 0 0
                                    

WARNING: SPG

GAYA ng ipinangako ni Lance, nagdate kami kinaumagahan. Ipinasyal niya ako sa mga lugar na gusto kong puntahan.

Lingid sa kaalaman niya, ang mga lugar na iyon ay napuntahan na namin noon at siya mismo ang pumili.

Una naming pinuntahan ang isang park sa labas ng maynila. Dinarayo kasi iyon dahil sa lawak at maaliwalas na lugar.Tahimik doon at malayo sa syudad kaya nakakarelax.

Agad naming inilatag ang dala naming sapin saka inilagay sa tabi ang isang basket na may pagkain at prutas.

Nang pumwesto ako ay agad namang sumunod si Lance at humiga sa hita ko.

"It's so relaxing here. Far from the noisy city." aniyang pumikit.

"Hm," I agreed. "Plus the air is so refreshing."

Kumuha ako ng ubas at isinubo sa kanya. Kinuha naman niya ang isang kamay ko at pinagsalikop ang aming mga daliri.

"Lance." maya maya'y ay tawag ko sa kanya.

"Hm?" tugon niyang nakapikit parin.

"Wala ka bang naaalala sa lugar na 'to?"

Nagmulat siya at napakunot noo. Saglit siyang nag-isip at maya maya ay umiling.

"Why? Have we been here before?"

Napabuntong hininga akong tumango. "Ikaw ang nagdala sakin dito."

Saglit siyang tumitig sakin saka napabuntong hininga. Inilapat niya ang kamay ko sa pisngi niya.

"I'm sorry…" bulong niya.

Napangiti ako. "It's okay. Hindi mo naman kasalanan kung 'di mo maalala. Ang mahalaga nandito ka na kasama ko."

Napangiti rin siya. Hinalikan niya ang likod ng aking kamay.

Maya maya ay inihanda ko ang dala naming pagkain at agad naming pinagsaluhan.

Ilang oras pa kaming nagstay doon bago namin maisipang umalis at pumunta sa nais naming puntahan.

Ang sumunod naming pinuntahan ay ang Enchanted Kingdom. Na-miss ko tuloy ang mga kaibigan namin na noon ay kasama namin sa pagpasyal do'n.

Napapatili ako napapayakap kay Lance sa tuwing sasakay kami ng mga rides na hindi ko kailanman nakayanang maging mahinahon.

Ikinuwento ko rin sa kanya ang tungkol doon. Gaya kanina, hindi rin niya maalala ang lugar na iyon.

Pagkatapos niyon ay pumunta pa kami sa mall at nanood ng sine.

At katulad noon, wala parin siyang interes sa pinapanood naming love story movie pero hinayaan lang niya akong samahan sa panonood niyon. Iyon ang bagay na nagustuhan ko sa kanya. Na kahit wala siyang maalala, kapag gusto ko ang isang bagay, pagbibigyan niya palagi ako sa mga iyon.

Pagkatapos naming manood ng sine ay dumiretso kami sa isang romantic restaurant. Tamang tama dahil ginabi na kami sa pamamasyal.

"For you, Babe." ibinigay niya ang isang bugkos ng bulaklak sa akin.

"Thank you, Babe." nakangiting saad ko.

Sa gabing iyon ay pinagsaluhan namin ang mga masasarap na dishes ng restaurant kasama ang matamis na wine.

Natapos ang gabing iyon na punong puno ng kagalakan ang aking puso. Inihatid niya ako sa aking condo. Nagstay siya ng ilang oras bago magpaalam.

Sadyang sinulit namin ang buong araw dahil bukas ay magiging abala na siya sa site.

ANNOYINGLY, BEAUTIFUL Where stories live. Discover now