CHAPTER 6

16 1 0
                                    

KINABUKASAN, halos hindi na ako lumingon saan mang anggulo para lang hindi magkasalubong ang mga paningin namin ni Lance.

Pagkatapos ng nakakahiyang pangyayari kahapon ay hindi ko na kayang tumingin pa sa kanya.

Mas lalo akong kinakabahan kung sakaling magkita kami ng guro na nakakita sa amin kahapon at i-report kami sa dean.

"Okay ka lang Cat?" Tanong ni Aiah nang naroon kami sa Canteen. Naka-upo na kami at naka-order narin. At tulad ng dati, kami parin ni Lance ang magkatabi kaya naman ganon nalang katindi ang ilang ko dahil naroon siya sa tabi ko.

"Hoy!"

"H-Ha?" biglang tanong ko kay Aiah nang magising sa pagkatulala. Sa dami kong iniisip ay hindi ko na naiintindihan ang mga sinasabi ni Aiah.

"Ay lutang?...Ano bang nangyayari sayo teh? May problema ka ba?" Sunod sunod na tanong ni Aiah. They were all staring at me. Napakurap kurap na lang ako at di makasagot.

Deretso lang ang tingin ko at pinilit na wag lumingon sa aking kaliwa.

Pero ganun nalang ang pagkunot ng noo ko nang biglang sinilip ni Lance ang mukha ko.

Itinuon pa niya ang isang siko sa mesa habang nakapangalumbaba at nakatitig sa akin.

"Oo nga, ayos ka lang ba?" 

Ganoon nalang kasama ang mukha ko sa kanya. Seryoso ang mukha niya ngunit nasisiguro kong inaasar niya ako.

Iniwasan ko siya ng tingin at nagkunwaring busy sa pagkain. Isang kamay lang ang ginagamit ko dahil nakatago sa ilalim ng mesa ang kanang kamay kong may benda kaya hirap din akong kumain.

"Yung... nangyari ba kahapon ang iniisip mo?----"

*HUK!

Nabilaukan ako bigla sa sinabi ni Lance. Sinuntok suntok ko ang dibdib ko sa pag-asang maaalis ang bara sa lalamunan ko. Nag-alala naman ang mga kasamahan ko.

"O tubig." Ibinigay ni Aiah ang bukas nang bottled water. "Dahan dahan kasi sa pagkain."

Agad akong uminom. Nang mawala ang bara doon ay nakahinga ako ng maluwag. Agad kong sinamaan ng tingin si Lance dahil kasalanan niya kung bakit ako nabulunan.

Ngunit nakangiti lang ito at nakatingin sa akin.

"Loko ka Lance!" Biglang sabad ni Tom. "Anong nangyari kahapon ha?.." he asked Lance with a teasing smile.

Nailapat ko ang aking mga labi at yumuko. Alam kong nasa akin na ang tingin ngayon ni Lance.

"Bakit, ano bang nangyari kahapon?" Takang tanong ni Aiah sakin. "Bes, sabihin mo nga sakin." nag-alala ako nang bumaling siya Kay Lance. "Hoy, ikaw lalaki. Anong ginawa mo sa kaibigan ko ha?"

Agad na namilog ang mga mata ko at napatingin kay Lance. Tinaliman ko siya  nang tingin at binantaang huwag sabihin ang totoong nangyari kahapon. Ngunit nagulat nalang ako sa sunod niyang ginawa. He just grinned at me.

Mabilis kong inangat ang kamay kong nakabenda. "N-Napaso kasi ako... nahawakan ko ang mainit na crucible."

"What?!" bulalas ni Aiah at nag-alalang tiningnan ang kamay ko. "Ano ka ba naman Cat, ba't di ka nag-iingat?"

Napanguso nalang ako sa sermon niya. "Sorry naman…"

"That's not what really happened…"

Natigilan ako sa pagsingit na iyon ni Lance. Napalunok ako nang tumingin dito si Aiah. Nakataas ang kilay niyang bumaling sakin.

"So, may iba pa akong hindi alam?"

"W-Wala, napaso lang talaga ako."

"Eh bakit parang may iba pang nangyari bukod dun? Hoy Lance, sabihin mo nga, alam mo ba ang dahilan kung bakit napaso si Cat?"

ANNOYINGLY, BEAUTIFUL Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu