CHAPTER 29

12 0 0
                                    

“ARE you sure, you're going there alone?”

Tanong ni Daddy nang maghanda na ako sa pagpunta patungo sa America para puntahan si Lance. Nakipagsapilitan pa akong humingi ng leave sa trabaho ko.

Ayaw sana akong payagan ni Chief Engineer dahil kailangan niya ako para sa ongoing projects namin.

Sa huli, napapayag ko rin siya. Ang rason ko? ‘Kung ayaw niyo akong bigyan ng leave, magre-resign na lang ako. Wala akong pakialam kung hindi niyo na ako pababalikin, mas importante sakin ang boyfriend ko!’

Akalain mo nasabi ko yun. Sa harap pa talaga ni Engineer Callejo. Pero ang tumatak sa utak ko nang mga sandaling iyon ay ang itsura niya nang payagan niya ako.

‘Fine! Do what you want! But you have to come back here after three days, understand?’

Huh? Ba’t parang galit siya?

Bigla na lang siyang nagdabog pabalik sa kanyang opisina.

“Yes Dad, I’m okay. Ayukong abalahin kayo. Kaya ko naman pong mag-isa eh.” Sagot ko kay Daddy.

Napabuntong hininga siya. “Okay fine, but promise me, uuwi ka din agad ha. Baka kapag nakita mo at nakasama si Lance ay makalimutan mo nang umuwi dito.”

I giggled. “Well, tingnan natin.” Hindi rin ako sigurado. Baka nga kapag nayakap ko na si Lance ay hindi ko na magagawang lumayo pa sa kanya.

“Just tell Lance that I’m so happy now that he’s awake. That I’m thankful for him for saving our lives. If he didn’t call the police that day, it might have been the end for us.”

Napangiti ako. “Yes Dad, I’ll tell him that.”

Malakas at mabilis ang pintig ng puso ko nang tuluyang lumapag ang eroplano sa airport. Nasa America na ako.

Habang bumibyahe patungo sa ospital ay hindi maiwasan ang paghalo-halo ng mga emosyon sa aking katawan.

Kinakabahan ako sa di maipaliwanag na pakiramdam. Excited sa aming muling pagkikita ni Lance.

‘He’s waiting for you. He wants to see you.’

Iyon ang huling sinabi ni Tito Laurenz nang tawagan niya ako.

Kaya naman abot langit ang saya ko sa mga sandaling iyon dahil maging si Lance ay sabik rin pala akong makita.

Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang mga kamay ko habang pumapasok sa ospital.

Mahahalata sa kilos ko ang excitement dahil sa bilis kong maglakad patungo sa elevator.

Nagawa ko pang humabol sa mga naroong doctor at nurse na sumakay doon.

Pagkarating ko sa palapag kung nasaan si Lance ay agad kong natanaw si Tito Laurenz na akma pa lang papasok sa kwarto.

“Tito!”mabilis akong naglakad palapit sa kanya.

Agad naman niya akong nakita. “Hija, you came.”

Napangiti ako. Tiningnan ko ang pinto ng kwarto. “Ito po ba ang kwarto ni Lance?”

“Yeah, tara pasok ka.” Binuksan niya ang pinto at pinauna akong makapasok.

Malawak ang kwartong iyon. May sariling sofa set sa tabi nito. Naroon si Tita Lory sa mahabang sofa at mukhang natutulog.

Nagising lang siya nang marinig ang ingay ng mga yabag namin.

“Hello po tita.” Bati ko at bumeso sa kanya.

Ngumiti siya. “Catalina, it’s good to see you again.”

Agad kong nilingon ang kinaruruunan ni Lance. Natutulog siya. Napangiti akong makita siyang payapang natutulog.

ANNOYINGLY, BEAUTIFUL Kde žijí příběhy. Začni objevovat